KABANATA 29

23 0 0
                                    

LOVE HURTS

Sigawan at palakpakan ang mga kasama ni John sa training. Naiinis din sila sa kayabangan ng instructor pero wala silang magawa dahil mukhang mahusay nga sa martial arts ito.
“Good! Pwes patunayan dito sa harap yan!” Ang galit na sabi nito.
“Ano ang rules?” Seryosong tanong ni John.
“Wala! Basta ilabas mo ang alam mo!” Ang confident na sabi ng lalaki.
“Ikaw ang bahala.” Iiling-iling na pumunta si John sa harapan.
Ilang sandali pa ay pumorma na ang dalawa para sa laban. Kita agad ni John sa tindig ng martial arts instructor na hilaw ito sa laban at napailing si John. Kailangang alalayan nya ang galaw niya o sa hospital ang bagsak ng lalaki.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang laban. Puro depensa ang ginawa ni John para ipakita ang superiority nya sa laban pero hindi natinag ang lalaki at sa halip ay umatake ito ng umatake kay John.
“Umatake ka naman! Masasaktan ka kapag puro depensa ang ginawa mo!” Tatawa-tawang sabi ng lalaki.
“Sabi mo eh!” Sagot ni John at binigyan nya ng isang sipa sa dibdib ang lalaki na ikinatumba nito.
Pagkabagsak ng lalaki ay kaagad na nag-execute ng arm bar lock si John hanggang sa sumuko ang martial arts instructor.
Tahimik ang buong paligid at hindi makapaniwala na sa isang iglap ay susuko ang lalaki kay John. Ilang segundo ang lumipas at tsaka lang nagpalakpakan ang mga ito.
Sa isang sulok ay kitang-kita ni Sarah ang nangyari at hangang-hanga siya kay John. Hindi simple ang lalaking ito sa isip nya. Tumibok na ang puso ng dalaga sa binata nang oras na yun.
Hindi kalayuaan ay nakita ni Colonel Garcia ang pangyayari at napangiti ito sa kakayahan ni John. May naisip siyang pakinabang sa binata.
Kinagabihan…..
“Yehey! Girlfriend na kita!” Tuwang-tuwang si John ng sinagot na siya ni Sarah.
Bagaman hindi siya seryoso noong una ay unti-unting naramdaman nya na nahuhulog na ang loob niya sa dalaga. Buo sa loob ni John na mamahalin nya ang babaing ito.
Bago niya ligawan si Sarah ay nawalan na siya ng pag-asa na makita pa si Mae. Masyadong bata pa si Kryzel at si Michelle naman ay nawalan na siya ng contact. Pinakamahal niya si Mae at pangalawa sina Michelle at Kryzel. loob-loob ni John ay hindi siya pwedeng ma-stuck sa nakaraan.
“Huwag kang maingay dyan at baka may makarinig! Oo! Girlfriend mo na ako!” Nakatawang sabi ni Sarah.
First boyfriend ni Sarah si John kaya naman wala pa din idea si Sarah kung papaano mag-handle ng relationship. Ang alam niya lang ay dapat pinagsisilbihan ng lalaki ang babae.
“Don’t worry my princess! Paglilingkuran kita tulad ng isang Reyna!” Ang biro ni John.
Masayang nagkwentuhan ang dalawa habang magkahawak ng kamay. Nang gabing yun ay nawala lahat kay John ang kalungkutan at worries na dulot ng barilan sa Love Nest bar.
Kinabukasan ay kinausap siya ni Colonel Garcia tungkol sa proposal nito.
“John iho, ang mabuti pa ay ikaw ang magturo ng mixed martial arts sa sa mga interesado. May allowance ka every session. What can you say?” Ang tanong ni Colonel Garcia.
“Ok ako dyan sir! Mabuti at may pagkakakitaan ako! Sino mga tuturuan ko?” Tanong naman ni John.
“May mga civilian volunteers at mga katulad mo din na na-rescue ng mga pulis. Balak ko kasing magbuo ng grupo na lalaban sa MMA professionally at base sa nakita ko sa yo eh professional fighter ka.” Ang sabi ng koronel.
Pinag-usapan ng dalawa ang plano sa pagtuturo ng MMA at sa laban na sasalihan nila. Matapos ang mahabang pag-uusap ay pinuntahan nya si Sarah para dalawin. Masayang-masaya ang magkasintahan nang magkita noong gabing yon.
Lumipas pa ang mga araw at lalong nagiging sweet sina John at Sarah. Yun nga lang, tutol ang mga kamag-anak ni Sarah kay John dahil sa tingin nila ay walang magandang kinabukasan ang dalaga sa binata. Mahal na mahal ni Sarah si John dahil na rin sa magagandang katangian ng binata.
Pakiramdam ni Sarah ay isa siyang spoiled princess kay John na bagaman at walang naibibigay na magagandang regalo sa kanya ang binata ay puno ng love and care naman ito sa kanya.
“Sarah ang swerte mo sa boyfriend mo!” Sabi ng isang kaibigang babae ni Sarah na si Grace minsan habang nagpapahinga ito.
“Bakit mo naman nasabi?” Tanong nito.
“Bihira sa lalaki yang ganyan na deliberately ay nagiging sunod-sunuran sa girlfriend nya. Alam namin na dominant type ka pero huwag mong abusuhin kabaitan ng boyfriend mo. Ayaw talaga ng mga lalaki na under sila pero nilulunok ng iba ang pride nila dahil sa pagmamahal.” Ang paliwanag ng kaibigan.
“Eh kung mahal nya ako eh tatanggapin nya mga kamalian at ugali ko!” Proud na sabi ni Sarah.
“But huwag mong abusuhin. Kahit anong bait ng tao eh napupuno din. Tsaka sa porma ni John eh guwapo siya kahit sunog ang kutis at kalbo.” Paalala ng kaibigan.
Pagkatapos mag-usap ay umuwi na si Sarah sa bahay nila na nasa tabi lang ng kampo. Pagdating sa bahay ay naabutan niya ang ama sa sala.
“Balita ko ay may boyfriend ka na daw. Alam mo na gusto ko sa lalaki eh may pinag-aralan at disente. Ano itong nabalitaan ko na nakipag-away daw yan sa instructor niya?” Ang sabi ng ama ni Sarah.
“Hindi po siya nakipag-away ‘Tay! Hinamon po siya kaya lumaban siya. At tsaka nakatuntong naman po siya ng second year college. Mabait po siya at responsible!” Pagtatanggol ni Sarah kay John.
“Basta isama mo siya dito para makilala namin!” Matigas na sabi ng tatay ni Sarah.
Kinabukasan sa PNPA sa Camp Castañeda….
“Yvette pasado ka na pala sa entrance exam sa PNPA cadetship program! Congratulations! After four years ay magiging police lieutenant ka na!” Ang bati ni Sarah kay Yvette.
Naging magkaibigan si Yvette at Sarah nang ipakilala ni Colonel Garcia si Yvette kay Sarah para magtrabaho sa catering service. Agad na naging magka-vibes ang dalawa kaya naging magkaibigan simula noon.
“Salamat girl! Matutupad na din ang pangarap ko! Matutuwa ang mga magulang at mga kuya ko kung buhay pa sila!” Ang sabi ni Yvette na kita ang lungkot sa mga mata.
Walang napagkwentuhan si Yvette sa nangyari sa mga magulang nya. Ang kwento nya lang ay namatay sa car accident ang buong pamilya nya kaya tinulungan siya ni Colonel Garcia.
“By the way, napansin ko na blooming at inspired ka nitong mga nakaraang araw ah! Anong meron?” Ang biglang tanong ni Yvette.
“I’m in a relationship girl! Masarap magmahal ang boyfriend ko and very sweet! Para akong princess kapag kasama siya! Yun lang hindi boto mga kamag-anak ko kasi hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral.” Ang sabi ni Yvette.
“Good for you girl! Buti ka pa may boyfriend na. Ako eh wala pa din.” Ang balewalang sabi ni Yvette.
“Yang ganda mo yan wala ka pang boyfriend? Ows! Maniwala ako!” Ang sabi ni Sarah.
“Totoo nga! May mga nanliligaw sa akin pero isang lalaki lang ang mahal ko pero ayaw naman sa akin.” Buntong-hininga ni Yvette at ikinuwento ang tungkol sa kanila ni John.
“Wow! Ang sakit naman nyan girl! Mahal mo pero ayaw sa yo! Teka, pwede bang makita yung picture ng lalaking yun?” Tanong ni Sarah.
“Sure!” Ang sabi ni Yvette at proud na ipinakita ang mga pictures nila ni John.
Nang makita ni Sarah ang pictures ni John ay hindi nya nakilala ang lalaki dahil mahaba ang buhok nito at maganda ang kulay ng balat na taliwas sa hitsura nya ngyon.
“Wow! Astig yung love mo girl! Guwapo at lalaking-lalaki! Mukhang sophisticated pa!” Ang puri ni Sarah na hangang-hanga sa pagka-guwapo ni John na walang idea na boyfriend niya ang nasa picture.
“Hindi naman ako na-inlove dahil sa hitsura nya eh. Mabuting tao siya at hindi mapagsamantala. Cum laude siya sa civil engineering at varsity ng school. Teka patingin naman ng boyfriend mo!” Ang request naman ni Yvette.
“Ok pero hindi siya kasing-guwapo ng love mo!” Sabi ni Sarah at ipinakita ang pictures ni John sa cellphone nito.
Pagkakita ni Yvette sa pictures ni John ay parang kinurot ang puso nya. Ang lalaking pinakamamahal nya ay boyfriend na pala ng kaibigan! Pinigil niya ang luha at pinilit ngumiti.
“Guwapo naman siya ah! Umitim lang sa training. Girl mahalin mo siya ng tapat at huwag mong sasaktan! Magagalit ako kapag sinaktan mo siya!” Ang pilit na ngiti ni Yvette.
“Oo naman! Ipakilala kita minsan sa kanya. Ang bait-bait kaya nito sa akin! Kulang na lang eh tawagin siyang under-de-saya!” Pabirong sabi ni Sarah.
“Girl, excuse me muna at pupuntahan ko si Sir Garcia.” Ang paalam ni Yvette kay Sarah.
“Sure Girl! Bukas magkita ulit tayo!” Ang tugon ni Sarah at nakipag-besobeso kay Yvette.
Naghiwalay ang dalawang babae papunta sa kani-kanilang pupuntahan. Habang naglalakad ay tumutulo ang luha ni Yvette.
Mahal nya si John pero hindi nya pwedeng ipagpilitan ang sarili dito. Mamahalin nya na lang si John kahit may mahal itong iba.
Sabi nga, ang tunay na nagmamahal ay handang magbigay. At yun ang gagawin niya.

The Semi-VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon