KABANATA 49

27 0 0
                                    

“Marco, may Intel report na itinigil na ni Don Pablo ang paghahanap sa iyo. Yung nahuling isa sa leader ng grupo last month ang nagsabi na wala nang balak bumalik sa Pilipinas si Don Pablo at mas gustong patakbuhin na lang ang operasyon mula sa abroad.” Ang sabi ni Colonel Garcia.
“Mabuti kung ganoon Kuya! Kahit sabihin na malayong-malayo ang hitsura ko ngayon kumpara dati ay nag-aalala pa din ako dahil baka may maka-recognize sa akin. Tsaka madami ng facial recognition softwares ngayon kaya baka gumamit si Don Pablo ng ganoong technology para i-analyze yung CCTV footage sa Love Nest.” Ang sabi no Marco.
“Masasabi kong safe ka na kasi ibang-iba ang hitsura mo ngayon. Besides, wala naman silang nakuhang information na kahit ano o kung sino ka maliban sa CCTV footage at sa connection mo kay Wilbert.” Ang sabi ng koronel.
“Ano pala ang balita kay Yvette?” Tanong ni Marco.
Natigilan ang koronel. Gusto nyang sabihin na nakabuo siya kay Yvette pero kabilinbilinan ng babae na ilihim yun.
“Sa PNP SAF pa rin siya naka-assign ngyon. Maayos naman ang kalagayan nya. Sasabak siya sa training kasama ang Philippine Scout Rangers sa Tanay para sa counterterrorism. Nag-train din sya ng MMA.” Ang sagot ng koronel.
“Gusto ko sana siyang invite sa kasal ko pero nag-aalala ako na baka may mga tauhan pa si Don Pablo na naghahanap sa amin.” Ang sabi ni Marco.
“Kumpleto na ba mga kailangan mo sa kasal? Catering? Emcee? Venue?” Tanong ng koronel.
“Kumpleto na kuya. Pasensiya na kung hindi kita ma-invite. Hindi pa ako handang sabihin kay Karla ang nakaraan ko lalo na at nakapatay ako ng tao sa ring. Baka mag-iba ang tingin nya sa akin.” Ang malungkot na sabi ni Marco.
“Time heals. Darating ang panahon na masasabi mo din kay Karla ang parte ng nakaraan mo.” Ang sabi ng koronel at nagpaalam na sa binata.

At that moment…..
Nasa loob ng bahay nila sa Baliwag si Karla at pinagmamasdan ang bench sa garden kung saan una siyang hinalikan ni Bruce. Ang halik na yun ang nagbigay daan para matuto siya ng makamundong laro nila ni Bruce. Laro na nagmantsa sa pagkababae nya at naging daan para maranasan nya ang bagay na yun sa ibat-ibang lalaki.
Tumulo ang luha nya nang maisip yun. Kung hindi siya nagpadala kay Bruce ay 100 per cent virgin pa rin siya at hindi semi-virgin. Pero ang pagiging half-virgin nya din ang nakatulong para makapagtapos siya ng pag-aaral at matulungan ang magulang.
Bagama’t buo ang hymen niya nang may mangyari sa kanila ni Marco ay nagui-guilty siya dahil walang kaalam-alam ang nobyo na sanay na sanay na siya sa ganoong bagay at sa ibat-ibang lalaki pa! Kung tutuusin ay wala na talaga siyang maipagmamalaki sa nobyo.
Nagpagamit siya sa ibat-ibang lalaki para sa pera kahit sabihin pa na hindi nabasag ang hymen niya. Walang ibang tawag doon kundi pokpok. Oo, alam ni Karla na minsan din siyang naging pokpok.
“Oh iha! Parang malungkot ka? May naalala ka na naman ba?” Tanong ng nanay ni Karla.
“Naalala ko lang po si papa. Kayong dalawa po sana ang maghahatid sa akin sa araw ng kasal ko.” Malungkot na sagot ni Karla.
“Apat na taon na din ang nakalipas kaya kalimutan mo na ang masasakit na nangyari sa buhay natin. Magiging parang bato yan na nakadagan sa puso mo. Pabayaan mo na ang nakaraan at tanggapin ang lahat. Magkakaroon ka na ng bagong buhay.” Ang sabi ng nanay ni Karla at niyakap ang anak.
“Opo ‘ma! Magsisimula po ako ulit para sa mas magandang buhay!” Ang sagot ni Karla.
Sa isip ni Karla, kalilimutan nya ang madilim nyang nakaraan at babaunin nya hanggang kamatayan ang sikreto nya na minsan ay naging isa siyang stripper, isang na virgin pornstar and prostitute.
Iniisip ni Karla ang mga nakaraan ng lapitan siya ng ina.
“Karla, si Brianna nasa phone gusto kang kausapin!” Ang sabi ng ina niya.
Kinuha ni Karla ang phone at masayang sinagot ang tawag.
“Karla! Kumusta ka na? Ang sabi sa akin ng nanay mo ay ikakasal ka na! Congratulations!” Ang masayang bati ni Brianna.
“Oo Brianna! Malapit na ang kasal ko! Sayang at nasa abroad ka! Hindi ka tuloy makakaattend!” Ang sabi ni Karla.
“Oo nga eh. Maiba ako, nandito na pala sa Canada si Mateo, yung dating boss mo. Nagkita  kami last week lang at two years na pala siya dito. Namatay yung asawa dahil sa bangungot last month lang.” Ang sabi ni Brianna.
Muli na namang nagbalik ang alaala ni Karla sa nakaraan nila ni Mateo. Pinili nyang kalimutan ang lalaki kaya nawalan ito ng contact sa kanya. Ngayon na nagkita sila ni Brianna ay nag-aalala si Karla na baka nagkwento ito ng mga nakaraan nila.
“Kumusta pala siya? May naikwento ba siya sa yo?” Medyo kinakabahang tanong ni Karla.
“Wala naman naikwento except sa namatay ang asawa niya. Itinanong ko sa kanya kung naaalala ka niya pero kung hindi ko pa idinescribe sa kanya kung ano hitsura mo at kung bakit ka napasok sa restaurant nya ay hindi nya maaalala. Mukhang nakalimutan ni Mateo na naging empleyado ka niya!” Ang sabi ni Brianna.
Sa sinabi ni Brianna ay alam ni Karla na gustong ibaon sa limot ni Mateo ang nakaraan nila. Tumupad sa usapan ang dating ka-live in partner na walang makakaalam ng sikreto nila. Parang nabunutan ng tinik si Karla sa narinig mula kay Brianna.
“Kawawa naman siya at namatay ang asawa.” Nasambit ni Karla.
“Hindi siya kawawa no! Patawarin ako ng Diyos pero mas mabuti na yun kaysa para siyang alipin na robot sa asawa nya. Kung alam mo lang kung gaano nahihirapan sa asawa ang kaibigan kong yun.” Ang sabi ni Brianna na nagkwento pa ng kung anu-ano kay Karla.
Matapos ang kwentuhan ay bumalik sa loob ng kwarto nya si Karla at binuksan ang cabinet nya. Kinuha nya ang isang crocodile leather jacket na ibinigay ni Marco noong gabing tinulungan siya nito sa mga lalaki. Napangiti si Karla sa alaalang yun.
“Kailangan na kitang kalimutan. Natagpuan ko na ang lalaking minamahal ko ng tunay!” Ang sabi ni Karla sa sarili habang inilagay sa isang plastic bag ang jacket para tuluyan nang itago bilang pagtalikod sa mga nakaraan.
Katulad ng pagtago niya sa jacket ay itatago nya ang madilim na nakaraan para hindi na mahalungkat pa.

Dumating ang araw ng kasal…..
“Oh pare, mukhang ninenerbiyos ka ah! Hindi ka naman kinakabahan sa mga laban mo ah!” Natatawang sabi ni Nikko na ka-team niya sa Team Lakan.
“Iba naman ito pre! Basta kapag ikinasal ka na ay mararamdaman mo to!” Ang sabi ni Marco.
Maya-maya ay pumasok ang mga magulang ni Marco at masayang tiningnan ang anak.
“Marco anak! Lalagay ka na sa tahimik! Tandaan mo lagi na tratuhin ng maayos ang asawa mo. Laging may darating na pagsubok sa buhay kaya magpakatatag ka lagi!” Ang bilin ng ama ni Marco.
“Anak, ang asawa ay parte ng pagkatao mo kaya kung may pagkakamali siya ay unawain mo at itama ang mali. Huwag na huwag mo siyang sasaktan kahit emotionally kung may mali siya dahil sisirain mo lang ang sarili mo. Kung mali ka ay humingi ka ng tawad. Mahalin mo siya tulad ng pagmamahal mo sa amin ng tatay mo!” Ang sabi ng ina ni Marco.
“Huwag mo kaming alalahanin kung nag-aalala ka sa mga miyembro ng sindikato na naghahanap sa iyo. Madaming nagmamahal na kabarangay sa amin ng mama mo kaya malalaman at malalaman namin kung may naghahanap sa iyo o sa amin!” Ang sabi ng ama ni Marco.
“’Tay, ‘nay, hindi ko kayo gustong madamay sa problema ko kaya pasensiya na. Huwag kayong mag-alala dahil ibang-iba na ang hitsura ko at hindi nila alam ni pangalan ko kaya hindi nila ako mahahanap.” Ang sabi ni Marco.
“Proud kami ng nanay mo sa ‘yo anak! Maging mabuti kang asawa!” Ang naluluhang sabi ng ama ni Marco at niyakap ang anak.
Sa hotel kung nasaan si Karla….
“Ang ganda-ganda ng anak ko! Siguradong matutuwa ang papa mo kung nabubuhay pa siya! Ikakasal na ang beybi namin!” Lumuluhang sabi ng nanay ni Karla sa dalaga.
“Huwag na kayong umiyak ‘ma! Masisira ang make-up nyo!’ Ang nakatawang sabi ni Karla.
“Bes, nakaka-tomboy ang hitsura mo ngayon! Para kang isang diyosa!” Ang pabirong sabi ni Mitchie.
“Oo nga Karla! Ang ganda-ganda mo ngayon! Daig mo pa noong maging Miss Bulacan ka four years ago!” Ang sabi naman ng kaibigan niyang si Jenny.
“Tama na ang bolahan! Baka maiyak ako! Masisira ang make-up ko!” Ang pabirong sabi ni Karla.
“Karla, may bisita ka!” Ang sabi ng isang tiyahin ni Karla at pumasok ang isang babaeng nasa middle age ang edad.
“Aling Nancy!” Nagulat si Karla sa pagdating ng huling tao na nakakakilala sa sikreto nya.
“Iha congratulations! Nasabi sa akin ni Brianna na ngayon ang kasal mo kaya pinuntahan kita para i-congratulate!” Ang sabi ni Aling Nancy sabay abot ng regalo sa dalaga.
Nanatiling nakatingin si Karla kay Aling Nancy. Nakuha ni Aling Nancy ang nasa isip ni Karla kaya lumapit ito at may ibinulong.
“Huwag kang mag-alala kung yun ang iniisip mo. Walang makakaalam ng pinagdaanan mo. Kahit si Mateo ay hindi magsasalita tungkol dun. Pro-protektahan namin ang pangalan at dangal mo!” Ang siniguro ni Aling Nancy kay Karla.
Pinigil ni Karla ang luha dahil nakakasiguro siya na hindi mabubunyag ang pinakatatago niyang sikreto. Alam niyang mali na itago yun kay Marco pero yun ang nakikita nyang mas maganda para hindi mawala sa kanya ang lalaking pinakamamahal.
“Maraming salamat po Aling Nancy! Tatanawin kong utang na loob ang ginawa nyo!” Pabulong na sabi ni Karla.
Ngayon ay maluwag na sa kalooban nya na lumakad sa harap ng altar.

The Semi-VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon