BETRAYAL
May nagrekomenda kay Obet na event coordinator na may-ari ng restaurant kaya nakipag-meet si Obet sa may-ari ng restaurant. Ang may-ari ay isang binata na nasa late 20’s na at halatang ipinanganak itong may pera.
“Hello Obet! Ako si Condrado ang may-ari ng Astrape Events and Place. And this is my assistant Annie.” Pakilala ng lalaki.
“Hi Condrado. Bale kaibigan ko ang may gusto ng surprise party at ako lang ang makikipag-coordinate sa lahat ng kailangan.” Ang sabi ni Obet at sinabi ang detalye kay Condrado.
Isinet ni John ang surprise party nya sa birthday mismo ni Sarah para talagang mabigyan nya ng kasiyahan ang dalaga. By that time ay lalabas na ang resulta ng board examination.
Makaraan ang pag-uusap ay masayang naghiwalay ang dalawa. Ang assistant na si Annie na ang bahala sa lahat at kinuha nito ang lahat ng kailangang information mula kay Obet.
Si Condrado naman ay minabuting mamasyal muna sa loob ng kampo kaya naglakad-lakad ito hanggang sa mapadpad sa mess hall kung saan nandoon si Sarah. Nang makita ni Condrado si Sarah ay agad itong nagkainteres sa dalaga kaya pinuntahan nya ito agad.
Matikas ang porma ni Condrado na halata sa mamahaling pormal na damit nito at mga alahas sa katawan. May hitsura din ito kahit papaano pero hindi matatawag na guwapo. Disente itong manamit at kumilos na nakatawag pansin sa tiyahin at ina ni Sarah.
“Ganyang lalaki ang nababagay sa yo Sarah!” Puna ng tiyahin ni Sarah sabay kalabit sa dalaga na noon ay abala sa pag-aayos ng skirting ng mesa.
“Hello good morning. Kayo po ba ang may-ari ng catering service dito?” Magalang na tanong nito.
“Ay oo kami ang may-ari nito. May maitutulong ba kami sa iyo?” Magiliw na sabi ng ina ni Sarah.
“I’m Condrado and may-ari ako ng Astrape Events and Place. Nakita ko kasi na may catering service dito and I was thinking if we can talk about business!” Confident na sabi nito.
“Sure! Teka, ipakilala ko sa yo ang anak ko. Siya si Sarah.” At ipinakilala ng ina ang anak kay Condrado.
Nang makita ni Sarah si Condrado ay hindi nya maiwasang maikumpara si John dito. Mukhang disente, mayaman at may pinag-aralan ito. Bagay na wala si John. Well, disente si John bilang tao pero hindi sa porma.
“Nice to meet you Sarah! Mukhang mapapadalas ang punta ko dito ah!” Pabirong sabi nito kay Sarah na nagpapahiwatig na gusto nya ang dalaga.
Tumagal ang pag-uusap nila Condrado at Sarah kasama ang ina at tiyahin ni Sarah. Impressed sila kay Condrado dahil sa galing nito sa pakikipag-usap. Palibhasa ay negosyante kaya madali nitong nabilog ang ulo ng ina at ng tiyahin ni Sarah.
“Magpapaalam na ako Sarah. I-add kita sa Facebook and sana maging magkaibigan tayo!” Nakangiting sabi ni Condrado at nakipagkamay kay Sarah bago ito lumakad palabas ng mess hall.
“Sarah, ngayon naman siguro ay nakita mo na ang agwat nila ni John. Gusto ka ng lalaking yan kaya pwedeng pwede mo ng bitawan si John!” Ang sabi ng ina ni Sarah.
“Nay naman! Bago ko pa lang kakilala si Condrado tapos yan agad ang nasa isip nyo!” Naiinis na sabi ni Sarah.
“Ang sa akin lang naman eh minsan lang dumating ang opportunity kaya huwag mong palampasin!” Ang sabi ng ina ni Sarah.
Binalewala ni Sarah ang sinabi ng ina pero tumanim yun sa isip nya. Mahal nya si John pero anong kapalaran ang naghihintay sa kanya sa lalaking yun?
Maya-maya pa ay nagsimula ng magsidatingan ang mga police recruits. Pagkatapos nilang kumain ay dumating si John galing sa pagrereview at iniligpit ang mess hall. Nang matapos ay nilapitan nito si Sarah at masayang binati.
“Hello love! How’s your day? Malapit na pala ang birthday mo next month na! Bakit parang wala ka mood love?” Ang sabi ni John nang mapansin nyang walang kibo si Sarah.
Hindi alam ni John na lumilipad ang isip ni Sarah sa pag-iisip kay Condrado. Kung ganoon lang sana si John eh di hindi sana siya minimaliit ng pamilya nya.
“Hello love? Anybody home?” Pagpapatawa ni John ng makita na tahimik pa din ang kasintahan.
“Huwag mo nga akong kulitin! Masama ang timpla ko!” Ang galit na sabi ni Sarah.
“Teka teka! Wala akong ginagawang mali kaya huwag ka namang magalit!” Medyo napikon si John.
“Bukas na nga lang tayo mag-usap at wala ako sa mood!” Ang sabi ni Sarah at iniwan si John.
Napakamot ng ulo si John at inisip na baka may period ang dalaga kaya ganoon. Minabuti ni John na umalis para hindi na madismaya.
Pagdating sa bahay ni Sarah ay may na-receive siyang mga text messages mula kay Condrado. Puro sweet nothings na halata naman na nagpapapansin sa dalaga. Napangiti si Sarah sa mga nabasa at nawala ang pagiging bugnutin nito.
Nang mga sumunod na araw ay madalas ang dalaw ni Condrado kay Sarah. Makulit ito at mukhang sanay sa babae dahil alam nito kung papaano kunin ang loob ng mga tiyahin at ina ni Sarah. Hindi ito nawawalan ng pasalubong tuwing dumadalaw.
Unti-unti ay napapalapit si Sarah kay Condrado na hindi nya namamalayan kaya naman hindi siya aware na nagiging malamig na siya kay John.
“Love, may problema ka ba sa akin? Napapansin ko lang nitong mga nakaraang araw eh parang naiinis ka sa akin. Kung may ayaw ka or mali ako ay sabihin mo lang. Gagawin ko ang lahat para bumalik ang mga ngiti mo!” Concerned na sabi ni John.
Parang natauhan si Sarah sa sinabi ni John. Napansin na pala ng kasintahan ang pagbabago niya at willing itong baguhin ang sarili sa pag-aakalang may mali siyang ginawa.
“Wala lang. Iniisip ko kasi na mag-take din ng board examination next year.” Ang simpleng sagot ni Sarah.
“Yun lang ba? Kayang-kaya mo yun! Suportahan kita sa review mo! Sabihin mo lang kung ano ang kailangan mo at basta kaya ko eh gagawin ko!” Masayang sabi ni Sarah.
Nakaramdam ng guilt si Sarah sa narinig. Sa araw-araw na pagdalaw ni Condrado sa kanya eh nahuhulog na din ang loob niya sa lalaki. Mahal nya si John pero ang continuous bombardment ng mga tiyahin at ina niya ang nagtutulak sa kanya para magustuhan si Condrado.
Besides, sa isip nya ay matututuhan din nyang mahalin ang isang tao kung magpapakita ito ng seriousness at pagmamahal sa kanya. Ang inakala nyang pagdalaw at pagbibigay ni Condrado ng regalo sa kanya ay pagpapakita na ng seryosong pagmamahal sa kanya.
Ang hindi alam ni Sarah…..
“Oo pare! Ilang araw na lang at susuko na ang Bataan sa akin! Pagkatapos ko ay kayo naman!” Ang mayabang na sabi nito sa limang kaibigan habang nag-iinuman.
“Promise yan pre! Kami naman pagkatapos mo!” Tawanan ang magkakaibigan.
Lumipas ang mga araw at malapit na ang board examination ni John. Si Sarah naman ay unti-unting lumalamig kay John pero dahil sa naka-focus ang binata sa board examination ay binalewala nya ang kakaibang kilos ni Sarah.
All things are set for John’s surprise party sa birthday ni Sarah. Walang kaalam-alam si Condrado na siya ang magse-set ng surprise party para kay Sarah. Pinabayaan nya lang si Annie na mamahala sa lahat. Ang tanging nasa isip lang ni Condrado ay ang tumanggap ng bayad.
“Love, dalawang araw akong mawawala kasi may lakad kami ni Colonel Garcia.” Paalam ni John.
“Ok love ingat ka lang.” Simpleng sabi ni Sarah.
Pupunta sa Manila si John para sa board examination kaya magre-rent siya ng condo unit malapit sa examination center para hindi mapagod. Dahil gusto nyang i-surprise si Sarah ay hindi nya sinabi ang tungkol dito.
Pagkaalis ni John ay dumating naman si Condrado na nakabihis.
“Sarah, are we ready to go?” Nakangiting tanong ni Condrado.
Sinabi na ni John kay Sarah last week pa na two days siyang mawawala sa kampo kaya naman may nabuong pasya si Sarah. Makikipag-date siya kay Condrado para lalo itong makilala.
“Sure!” Masayang sabi nito at hinawakan ni Condrado ang kamay ng dalaga at sumakay ng kotse.
Pinaandar ni Condrado ang kotse nito para pumunta sa date nila ni Sarah.
Buong maghapon na pinagbuti ni John ang examination. Malaki ang tiwala nya na papasa siya. In fact, sa tingin nya ay makakakuha siya ng pwesto sa top ten.
Gabi na ng makabalik siya sa condominium unit na nirentahan. Naisipan nyang tawagan ang kasintahan pero mukhang naka-off ang cellphone nito. Hindi naman nagpapatay ng cellphone si Sarah kaya nagtataka si John kung bakit nag-off ng cellphone ang kasintahan.
Minabuti ni John na matulog pagkakain para sa second day of board examination tomorrow.
Nang mga oras na yun ay umiiyak si Sarah sa loob ng isang kuwarto. Nakatingin siya sa mantsa ng dugo sa puting bed sheet na kanina lang ay malinis na malinis.
“Huwag ka nang umiyak sweetheart! Ang mahalaga ay nagmamahalan tayo!” Ang sabi ni Condrado kay Sarah at hinalikan ito sa labi.
Walang anumang damit si Condrado at yakap-yakap nya ang hubo’t hubad na katawan ni Sarah.
Ibinigay ni Sarah ang sarili kay Condrado pero wala siyang naramdaman na pagmamahalan sa ginawa nila. Si John ang isinisigaw ng puso nya habang nagpapakasawa si Condrado sa katawan niya.
Pero ito ang pinili nya kaya ito ang paninindigan nya.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomanceIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?