KABANATA 40

20 0 0
                                    

LOVE COMES AROUND

At that moment…….
“Salamat Yvette at nakipagkita ka sa akin. Gusto lang kitang makausap.” Ang sabi ni Sarah kay Yvette.
Nasa cafeteria ng PNPA ang magkaibigan kasama ang half-brother ni Sarah na si Raul. Nang malaman ni Raul na lumayas ang ate nya ay hinanap nya na ito at hindi na bumalik sa pamilya nang magkita sila ng ate nya.
Nalaman ni Raul ang ginawa ng ate nya para maghiganti sa mga umabuso sa kanya at nangako siya sa kapatid na hindi nya ito iiwan. Awang-awa si Raul sa kapatid sa masakit na kapalaran na sinapit nito.
Nagbago ang hitsura ni Sarah ngayon. Ang dating maamo at eleganteng hitsura nito ay napalitan ng medyo matapang at nakakatakot sa hitsura. Bakas sa mukha niya ang galit at hirap na inabot sa buhay.
“Sarah! Ano ang nangyari sa iyo? Bakit parang ang hirap ng pinagdaanan mo?” Gulat na tanong ni Yvette.
Ikinuwento ni Sarah ang mga hirap na pinagdaanan nya para makapaghiganti sa limang lalaki na umabuso sa kanya. Nagkasakit siya at dumanas  ng depression kaya bagsak ang katawan niya.
Nagpunta ng abroad si Condrado sa takot na siya ang sumunod na mamatay kaya ganoon na lang ang frustration ni Sarah na hindi nya mapapatay ang lalaking pinagsimulan ng lahat ng problema nya.
“Hindi ka ba natatakot na isumbong kita sa pulis?” Tanong ni Yvette.
“Sa iyo ko ipinapaubaya ang lahat. Pagod na din ako at mukhang hindi na ako makakapaghiganti pa. Gusto ko lang lumuwag ang kalooban ko kaya ko sinabi sa yo!” Ang sabi ni Sarah na lumuluha.
Naawa si Yvette sa kaibigan. Alam nyang pinagsisihan nito ang desisyon nyang piliin si Condrado. Isa lang ang magagawa nyang tulong.
“Huwag kang mag-alala. Walang makakaalam ng ginawa mo. Kalimutan mo na ang paghihiganti at ayusin mo ang buhay mo. Bumabagsak ang katawan mo! Tutulungan kita!” Ang sabi ni Yvette sabay yakap sa kaibigan.
Nagawa ni Sarah na pumatay dahil sa panloloko. Sa isip ni Yvette ay mas masakit ang nangyari sa kanya na buong pamilya ang pinatay ng sindikato.
Nang oras na yun ay hinangaan nya si Sarah sa katapangan nito. Kailangan nya ring maging matapang.

Graduation day nila Mae…….
“May balita na ba tungkol kay Arex?” Tanong ni Michelle kay Mae.
“Wala pa nga Bes eh. Nag-aalala nga ako eh. Biglang nawala ng walang paalam. Pero ang sabi naman ni Troy ay nagpaalam sa kanya na may aasikasuhin lang daw na importante. Huwag daw akong mag-alala.” Ang malungkot na sabi ni Mae.
Sa ilang buwan na naging magkasintahan si Mae at Arex ay naging maayos ang relasyon ng dalawa. Yun nga lang, hindi na nag-improve ang nararamdaman ni Mae sa kasintahan. Para bang may kulang.
“Huwag kang malungkot Bes. Baka tatawag din sa yo yun!” Ang alo ni Michelle sa kaibigan.
“Hindi naman ako nalulungkot eh. Actually eh parang naiinis nga ako. Nagpaalam siya kay Troy tapos sa akin hindi!” Ang reklamo ni Mae.
Sa loob-loob ni Michelle, mabuti pa nga si Arex nagpaalam kay Troy. Eh si John nawalang parang bula.
“Ano nga plano mo pagka-graduate natin?” Tanong ni Michelle.
“Eh di siyempre maghahanap ng trabaho para ma-secure ang future. Ikaw?” Tanong naman ni Mae.
“Ganun din ang gusto ko. Maghanap ng trabaho para maging independent ako. Noong magtrabaho tayo bilang model eh dun ko naintindihan yung hirap kumita ng pera. Kaya lang gusto ni Tito Paul eh pumunta ako ng U.S. para i-assist yung sister-in-law nya na i-manage yung mga businesses nya!” Dismayadong sabi ni Michelle.
“Buti ka nga eh hindi ka na mag-aalala sa income samantalang ako eh kailangang magtrabaho para na rin maalagaan ko ang nanay ko. Tsaka gusto ko talaga na buhayin yung restaurant namin.” Ang sagot ni Mae.
“Bes, isa pa kaya ayaw ko ding umalis eh dahil sa kapatid ko. Alam mo na, may special needs yun. Kung aalis ako ay baka mahirapan ang pinsan ko na alagaan siya. Tsaka mas gusto kong dito magtrabaho para magka-experience ako so in the future ay mas mama-manage ko mga businesses ni tito.” Sagot naman ni Michelle.
Nagpatuloy sa pag-uusap ang magkaibigan hanggang sa dumating ang graduation ceremony. Maluha-luha ang nanay ni Mae nang umakyat ang dalaga sa stage para kunin ang diploma. Matibay ang loob ng anak at may plano sa buhay kaya nakapagtapos ito despite sa mga pagsubok sa buhay.
Ang nanay na rin ni Mae ang nag-assist kay Michelle sa graduation kaya naman naluha sa saya si Michelle sa pag-aasikaso ng nanay ng kaibigan.
Natapos ang graduation na masayang-masaya ang magkaibigan.
Pagkatapos ng graduation ay agad napasok si Mae at Michelle as staffs sa accounting firm. After six months sa pagtratrabaho ay walang magawa si Michelle kundi mag-resign sa trabaho at pumunta sa U.S. dahil yun ang gusto ng ama-amahan.
Si Yvette naman ay nasa fourth year na bilang kadete sa PNPA at nakatakdang grumadweyt na rin. Pinakinggan siya ni Sarah at namuhay ng tahimik kasama ang kapatid na siyang tumutulong at nag-aalaga kay Sarah para maka-recover sa mga physical at psychological stress na inabot nito ng ilagay sa kamay niya ang hustisya.
Nanatiling unsolved cases ang limang lalaki na pinahirapan at pinatay ni Black Widow samantalang umalis ng bansa si Condrado dahil sa takot na isunod ng assassin.
Isang araw opisina ni John….
“Sir John, may scheduled visit pala kayo sa PNPA para sa planning ng isolation ng PNPA at National Police College.” Ang sabi ng secretary.
“Ok salamat!” Ang sabi ni John sa secretary.
Makalipas ang mahigit tatlong taon matapos na makilala ni John si Mae, Michelle at Kryzel ay nakalimutan nya na ang mga ito dahil occupied ang isip nya sa nangyari sa Love Nest at nag-focus siya sa board examination habang nag-aalala na baka mahanap siya ni Don Pablo.
Agad na tinawagan ni John si Yvette para sabihin na dadalawin nya ang kaibigan.
“Sayang at hindi ako pwedeng dumalo sa graduation mo. Yun kasi ang bilin ni Kuya Peter na hindi tayo pwedeng makita na magkasama sa public. Kailangang maging maingat tayo at baka may mga tauhan si Don Pablo sa paligid.” Ang sabi ni John.
“Ok lang yun. Tamang-tama ang punta mo sa PNPA kasi a day after your visit yung graduation namin. At least magkikita tayo bago ako grumadweyt.” Ang sabi ni Yvette.
“Basta nagpaalam ako kay kuya Peter na kakain tayo sa labas bago ang graduation mo. May passes na ibinigay sa iyo kaya makakalabas ka ng training camp!” Masayang sabi ni John.
“Ok John! See you soon!” Ang kinikilig na sabi ni Yvette.
At nagkita ang magkaibigan ng gabi bago ang graduation ni Yvette. Hindi pa din nagbabago ang pagmamahal ni Yvette kay John kaya naulit ang pagbibigay ng ‘regalo’ ni Yvette kay John sa isang hotel sa Tagaytay City.
Masayang-masaya si Yvette sa gabing magkasalo sila ni John. Nakunsensiya si John sa nangyari dahil alam nyang ginawa yun ni Yvette dahil sa pagmamahal sa kanya.
Maingat si John kaya naka-condom siya nang gawin nila ni Yvette ang bagay na yun. Lingid sa kaalaman ni John ay pasikretong binutas ni Yvette ng karayom ang condom ni John. Fertile si Yvette ng araw na yun.

Lumipas pa ang mga araw……
Naglalakad si Mae sa sidewalk habang nakikipag-usap sa isang babaeng kasamahan papunta sa isang job interview. Nag-decide siyang lumipat dahil mas mataas ang sweldo sa company na lilipatan nya. Nakasuot siya ng pencil cut dress kaya kitang-kita ang perfect figure nya.
Headturner siya talaga habang naglalakad. Biglang tumunog ang cellphone niya kaya huminto siya para buksan ang bag. Sinagot niya ang tawag sa cellphone nang biglang may humablot sa cellphone niya at tumakbo palayo. Laking gulat ni  Mae nang makita niyang inagaw ng snatcher ang  cellphone niya.
Bago pa siya makasigaw ay nakita niyang biglang natumba ang snatcher. Isang lalaking naka-formal attire ang nakita ni Mae na nakaluhod at kinuha ang cell phone ni Mae sa snatcher. Nakahiga ang snatcher na dumudugo ang ilong at wala itong magawa kundi hayaan ang lalaking na kunin sa kanya ang cell phone na ninakaw.
Tinapik-tapik ng lalaki ang mukha ng snatcher at tumayo saka naglakad patungo sa direksyon ni Mae. Natulala si Mae sa aura ng lalaki. Lalaking-lalaki ito! Para siyang knight in shining armor.  Matangkad,  maganda ang pangangatawan,  crew cut ang hairstyle, mukhang professional at sobrang guwapo. Parang model ang hitsura.
Saglit na natigilan si Mae. Nakaramdam siya ng familiar feeling sa nangyari mahigit tatlong taon na ang nakakaraan nang iligtas siya ni John.
"Eto na ang cellphone mo miss!" Ngumiti ng sweet ang lalaki habang ibinibigay ang cellphone kay Mae.
Na-attract sa kagandahan ni Mae ang lalaki kaya hindi niya inalis ang tingin sa mga mata ni Mae.
"Maraming salamat! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ang cellphone ko!" Sabi ni Mae habang nahihiyang ngumiti sa lalaki.
"You’re welcome! Mag-ingat ka lang sa paglalakad dahil laging may luko-luko sa kalsada. Please excuse me pero kailangan ko nang umalis, male-late ako sa trabaho. Bye!” Sabi ng lalaki habang kumaway kay Mae at hindi na ito hinintay pang magreply.
Halatang nagmamadali ang lalaki sa trabaho nito at baka ma-late.
“He’s hot! Sundan natin siya girl!" Attracted agad ang babaeng kasama ni Mae sa tikas ng lalaki.
“Mukhang nagmamadali siya. Sinabi niya na male-late siya sa  trabaho." May naramdaman na panghihinayang at lungkot sa tono ni Mae.
Hindi man lang niya nalaman ang pangalan ng lalaki. Tumingin lang si Mae sa direksyon ng lalaki habang unti-unti itong nawawala sa mga paningin niya.

The Semi-VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon