GETTING CLOSER TO OLD FRIEND
“Michelle! Natulala ka na dyan! Guwapo ang boyfriend ko di ba?” Ang proud na sabi ni Karla.
“Kaya nga ako natulala eh! Akala ko si Brandon Routh!” Pabirong sabi ni Michelle na kaagad nakabawi sa pagkakagulat nya.
“Palabiro ka pala Mitchie!” Ang tawa ni Marco.
“Hay naku! Masanay ka na dyan at may pagka-kalog yan! Di ba pang-beauty pageant din ang kaibigan ko?” Proud na sabi ni Karla.
“Oo naman! Akala ko nga eh model kanina habang naglalakad eh!” Ang sabi ni Marco.
“Excuse me! Nagtrabaho talaga kami ni Karla noong college bilang model!” Ang proud na sagot ni Michelle.
“Nag-meet na ba tayo? Parang pamilyar ang mukha mo sa akin eh! Hindi ko lang matandaan kung saan kita nakita!” Ang sabi ni Marco.
Sa isip ni Mitchie: “Bakit hindi mo ako matandaan? Hindi ba ako naging part ng nakaraan mo?”
“Di ba sabi ko sa iyo na kahawig nya yung artista sa GMA-CBN na si Tanya Lopez. Kaya akala mo ay nag-meet na kayo.” Paliwanag ni Karla.
“That’s it! Oo nga! Kamukha mo si Tanya Lopez!” At tumawa si Marco.
“Let’s go Bes! Kain muna tayo ng lunch dahil alam ko gutom ka na! Tapos bonding muna tayo!” Ang sabi ni Karla kay Michelle at sumakay ang tatlo sa nirentahang taxi papunta sa restaurant.
Pagdating sa restaurant ay umupo na si Karla at Mitchie sa upuan samantalang nagpunta naman ng banyo si Marco.
“Bes, may kuya ba yang boyfriend mo? Baka naman may kapatid pa yan!” Biro ni Mitchie.
“Hay naku. Solong anak siya. Type mo yata ang boyfriend ko eh! Uy Mitchie ha? Finder’s keepers yan!” Birong pabalik ni Karla.
“Walang biro bes, magaan ang loob ko sa fiancé mo. Mukhang mabuting tao, matalino at talented! Tsaka mukhang talagang inlove sa iyo!” Nakangiting sabi ni Mitchie.
“Sinabi mo pa! Siya yung tipong pinapangarap ng mga kababaihan!” Ang proud na sabi ni Karla.
Habang namimili ng pagkain sa menu ay narinig nila ang flash news sa TV.
“Hanggang ngayon ay blangko pa din ang mga kapulisan sa identity ng tinaguriang Black Widow. Hinihinalang ang huling pinatay na nagngangalang Brad Prieto ay biktima ni Black Widow pero hindi inaalis ang anggulo na ginaya lang ang pagpatay sa biktima dahil wala siyang ugnayan sa mga lalaking naunang pinatay mahigit isang taon na ang nakakaraan….”
Natigilan si Karla sa narinig sa balita. Hindi nya makakalimutan ang pangalang Brad Prieto. Ito ang unang customer nya na dalawang beses nyang pinaligaya sa Love Nest. Pasimple nyang tiningnan sa Google sa cellphone nya ang hitsura ng biktima at nakumpirma nya na si Brad nga iyon.
Parang nakahinga ng maluwag si Karla ng makasiguro na patay na si Brad. Wala ng iba pang nakakaalam ng sikreto nya except Don Pablo. Hindi naman ito pwedeng lumantad kaya safe na ang sikreto ni Karla.
“Hanggang ngayon pala eh hindi pa din tapos ang mystery ni Black Widow! Noong bago ako umalis ay laman na siya ng balita. Pagbalik ko ay siya pa din.” Naiiling na sabi ni Michelle.
“Ano nga pala ang plano mo?” Tanong ni Karla.
“Actually ay nag-apply na ako online ng work sa company mo para magkasama tayo! Na-interview na rin ako last week pa and for final interview na lang ako sa makalawa. Nagsabi na ako kay tito na gusto kong magka-experience ng trabaho from the bottom. Gusto ko na sariling sikap ko at ayaw kong maging dependent sa tito ko.” Sabi ni Michelle.
“Wow! Sinurpresa mo ako ah! I’m very happy that we will be together again in the same company!” Masayang sabi ni Karla.
Maya-maya pa ay bumalik na si Marco at tumabi kay Karla.
“Sweetheart, sa company din pala namin magtratrabaho si Mitchie! Mas magiging masaya na ang work ko simula ngayon!” Ang nakangiting sabi ni Karla.
Matapos ang dinner ay sinamahan ng magkasintahan si Mitchie para puntahan ang kapatid nya na may down syndrome. Masaya si Mitchie nang makita ang nakababatang kapatid nito. 21 years old ang kapatid pero nangangailangan ng special care kaya ang pinsan nila ang kasama sa bahay.
Sa bahay ni Karla natulog si Michelle para makapag-bonding kaya gustuhin man ni Marco na makaiskor kay Karla ay hindi pwede. Alam ni Karla ang nasa isip ni Marco kaya binulungan nya ang nobyo ng papaalis na ito.
“Magpahinga ka para may ibubuga ka sa susunod!” Pilyang biro ni Karla.
Nang makaalis si Marco ay kinausap ni Mitchie si Karla.
“Bes, sabihin mo ang totoo. Nag-‘do’ na ba kayo?” Tanong ni Mitchie.
Namula ang mukha ni Karla. Nahiwatigan ni Mitchie ang ibig sabihin ni Karla sa pamumula ng mukha nito.
“Huwag mo ng sagutin. Alam ko na ang sagot!” At nagkatawanan ang magkaibigan.
Nang matutulog na ang magkaibigan ay iniisip ni Mitchie kung sasabihin ba kay Kryzel ang nalaman. Nakita nya kung gaano kasaya ang magkasintahan at ayaw na nyang guluhin ang dalawa. Alam nyang kahit pilitin nya ay hindi nya maaagaw si Marco kay Karla at hindi rin kakayanin ng kunsensiya nya na agawin ang lalaki sa kaibigan .
Bandang huli ay nagpasya siyang ipaalam kay Kryzel ang tungkol kay Marco kapag ikakasal na ang dalawa.
Nang mga sumunod na araw ay lalong nagkapalagayang-loob si Marco at Mitchie at walang kaalam-alam si Marco na si Mitchie ang dating teenage girl na isinasama nya sa rehearsal nila ng kabanda.
Kahit masakit ay tinanggap ni Mitchie ang kapalaran na hindi na magiging kanya si Marco. Pinili nya na lang na maging masaya para sa kaibigan at kay Marco.
Natanggap na din si Mitchie sa kumpanyang pinapasukan ni Karla at nag-start agad sa trabaho. Kung dati ay si Karla lang ang crush ng mga kalalakihan sa opisina nila, ngayon ay dalawa na sila.
Isang araw ay kumain ang magkasintahan kasama si Mitchie sa restaurant after na pumunta sa wedding coordinator ng kasal nila.
“Excuse muna. Punta lang ako sa banyo!” Ang paalam ni Marco.
Pag-alis ni Marco ay naiwan nito ang cellphone sa mesa kaya itinago yun ni Karla. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ni Marco at tiningnan ni Karla kung sino ang tumatawag. Abigail ang nakita nya sa caller ID ng cellphone. Nakaramdam ng kakaiba si Karla pero binalewala nya yun.
Pagbalik ni Marco ay sinabi ni Karla na may tumawag sa kanya. Medyo natigilan si Marco na para bang may itinatago at nginitian si Karla.
“Pabayaan mo yun. Nagpapahinga na ako tatawag pa siya!” Ang sabi ni Marco na parang hindi natural ang salita.
Sa mahigit anim na buwang magkasintahan ang dalawa ay kabisado na ni Karla ang kilos at ugali ni Marco. Alam ni Karla na may hindi sinasabi ang nobyo. Tiwala siya kay Marco pero parang may something. Sa huli ay pinili ni Karla na manahimik.
Lumipas ang mga araw at naging maayos ang relasyon ng magkasintahan. Naging close na rin si Mitchie at Marco na para bang dati ng magkaibigan. Binalewala ni Karla ang kakaibang reaction ni Marco ng tumawag si Abigail pero paminsan-minsan ay nacu-curious siya.
Biyernes ay nagkasundo si Mitchie at Karla na magbonding sa bahay na nirentahan ni Mitchie at isinama si Marco. Sa bahay ni Mitchie ay meron itong stock na mga beer kaya naman matapos makapagluto ng pulutan si Karla at Mitchie ay sinimulan ng magkakaibigan ang kwentuhan habang umiinom.
“Marco, hanapan mo nga ng boyfriend itong kaibigan ko!” Ang sabi ni Karla kay Marco.
“Tamang-tama! May kaibigan akong guwapo, matangkad, may master’s degree, matalino, napakabait, talented, lalaking-lalaki at higit sa lahat, binatang-binata!” Pagmamayabang ni Marco.
“Ows? Anong catch?” Dudang tanong ni Mitchie.
“Siya ang parish priest sa parokya namin…” Ang sabi ni Marco sabay inom ng beer.
“Hay naku Marco! Puro ka kalokohan! Alam mo ang daming gustong manligaw dito sa kaibigan ko pero umuurong lagi kasi nai-intimidate sa beauty nya. Wala pang naging boyfriend yan kaya ireto mo sa matinong lalaki! Hanapan mo ng katulad mo!” Ang sabi ni Karla.
“Wala eh. Nag-iisa lang ako eh tapos pinikot mo pa!” Biro ni Marco.
Napasarap ang inom ni Marco at hindi nya namalayan ng naka-sampung boteng beer na pala siya kaya nakaramdam siya ng pagkahilo at naging madaldal na rin kaya napuno ng tawanan ang bahay ni Mitchie.
Sa maikling panahon ay madaling nagkapalagayan ng loob si Marco at Mitchie na parang angtagal ng magkakilala. Biruan na may yakap at kilitian na hindi binigyang malisya ni Karla dahil malaki ang tiwala nya kay Marco at sa kaibigan.
Maya-maya pa ay natapos na sila at nalasing si Marco kaya pinatulog ni Karla ang nobyo sa kabilang kuwarto. Nagkasundo sila ni Mitchie na tabi sila ng kaibigan sa pagtulog. Habang inaasikaso ni Karla ang natutulog na nobyo ay may nag-message dito kaya kinuha nya ang cellphone nito.
Na-curious si Carla kung sino ang nagtext sa nobyo ng ganitong hatinggabi at natukso siyang pakialaman ang cellphone ng boyfriend. Hindi nya gawain yun pero hindi nya napigilan ang sarili at inopen ang cellphone
Nang makita nya kung sino ang nag-message ay napakunot-noo siya. Si Abigail. Binuksan nya ang cellphone ng nobyo at binasa ang text message nito.
“Buntis ako. Hindi ko expected ito kaya pasensiya ka na.” Ang sabi sa text message ni Abigail.
BINABASA MO ANG
The Semi-Virgin
RomanceIsang kwento ng dalaga na bagama't birhen ay may karanasan na sa mga lalaki dahil na rin sa mapait na pangyayari sa kanyang buhay. Hanggang kailan nya maiingatan ang puri? Maihahandog niya pa kaya sa lalaking minamahal ang iniingatan niya?