Chapter - 3

438 5 0
                                    

Di daw uuwi si mommy dahil sa business trip and bukas pa daw sya makakauwi, and si ate naman for sure nasa bar na naman yun with her friends na medyo--- nilalandi kasi nila si kuya at mga kaibigan nito... pero alam ko may pinatulan na si kuya sa isa dun, Kate ata name,, di naman sila bagay, napaka decente ni kuya para dun.

Speaking of kuya, malalate daw sya ng uwi kaya matutulog nalang ako tutal naman ay wala nakong gagawin dahil wala naman akong paglulutuan, yung kinain ko is yung tanghalian kasama sila Manang.

Sa kalaliman ng aking pagtulog ay may nararamdaman akong humahaplos ng buhok ko, gusto ko sanang dumilat pero sobrang antok ng mata ko kaya nakatulog nalang ulit ako ng tuluyan.

Agad akong napabalikwas ng upo ng maramdaman ang malamig na tubig na dumampi sa muka ko.

"Bumangon ka na nga!"

May inis sa muka kong tinignan si ate

"Pwede mo namang akong gisingin ng maayos, bakit kailangan mo pang mangbuhos?" reklamo ko at pinunasan ang muka. Inirapan lang ako nito at lumabas na, kainis talaga ang isang yun.

Bumangon nalang ako.

And sh*t 6:30 palang naman, gusto lang talaga akong pagtripan, haysss.

Naisipan ko na lang maligo.

Lumabas akong nakatapis lang ng tuwalya dahil nakalimutan kong magdala ng damit, gawain ko yun eh.

Pero nagulat ako ng madatnan ko si kuya na inaayos ang higaan ko.

"Ah, kuya ako na pong bahala dyan." saad ko at napatingin naman agad sya sakin at tila natulala.

Taka ko syang tinignan at pinagmamasdan ang mata nya at napagtantong nakatingin ito sa dibdib ko, napagtanto kong nakatapis nga lang pala ako ng tuwalya kaya agad ko itong tinakpan gamit ang dalawang kamay ko na nagpabalik ng kanyang wisyo.

"Why are you covering up?" Malamig nitong turan.

"Ahm, nahihiya lang po ako" paliwanag ko at umiwas ng tingin.

Nakakahiya kasi, unang beses nya kong nakitang ganito kasi nga sa banyo na ako nagbibihis, si ate kira kasi eh, nawala tuloy ako sa wisyo.

Napatingin ako kay kuya ng tumawa ito ng mahina at muling tumingin sa higaan ko.

"Bakit basa to?" Tanong nya at tiniklop ang sapin.

"Si ate kasi" reklamo ko.

Palagi akong nagsusumbong kay kuya at wala akong nililihim dito.

"Don't worry, pagsasabihan ko sya" napangiti ako sa sinabi nya.

Nang matiklop na nya ng tuluyan ang sapin ko ay lumakad ito papuntang cabinet ko at kinuha ang towel.

Unti unti itong lumapit sa'kin, napaatras ako ng kaunti ng ipunas nya ang towel sa basang buhok ko.

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon