Chapter - 83

187 5 0
                                    

"Mara ito na nga pala yung pills na pinabi-" agad kaming napalingon nang marinig ang malakas na tinig ni Manang, nagulat ako at nag-aalalang napatingin

" What pills? " biglang nagseryoso ang boses nito kaya parehas kaming napatikhim ni Manang

P*tay

Agad tinago ni Manang ang pills sa likod nya at bahagya akong napayuko

" I said what pills?!! Are you deaf?!!! " napaigtad ako sa sigaw nito, talagang galit na sya.
P'pano ba!

" A'ahm, para s'sa sakit ng u'ulo " nasabi ko na lamang dahil yun ang pumasok sa isip ko, pero

" For headache pero nauutal ka, you can't fool me Flammara! " kumalabog na naman ang puso ko sa kaba, sabi na nga ba at mahihirapan akong utuin sya. Bakit ba sobrang talino nya pagdating sa mga bagay na ganyan?

" K'kasi - " hindi ko na natuloy ang sasabihin ng bitawan nya ang beywang ko at mabilis naglakad patungo kay Manang na ngayon ay alam kong kinakabahan din

" Give it to me Manang " mahinahong saad nya at inilahad ang kamay, tinitigan muna ako ni Manang na tila nagtatanong, tumango ako dahil alam kong wala nakong magagawa

Unti-unting inabot ni Manang ang pills at inihanda ko na ang sarili

" B*llsh*t Flammara!!! " napaigtad muli ako dahil sa mas malakas na sigaw nito, unti unti syang lumapit sa'kin, napaatras ako kaya hinila nya ang braso ko palapit sa kanya

" Explain this? " pilit hinahong saad nito, unti unti kong inangat ang ulo at sinalubong ang mga mata nyang nagngangalit na naman

" k'kasi-... Hindi pa ko handang magbuntis kagaya ng gusto mo " paliwanag ko at pinipigilang maluha

Lalo akong nakaramdam ng kaba ng pipiin nya sa kamay ang pills na hawak dahil sa pagpipigil, ang mga nagsisilabasan nyang ugat sa kamay tanda na hindi nya nagugustuhan ang mga winika ko

" Hindi handa? kung sana una palang sinabi mo na! Alam mo ba kung gaano ko ninanais na magkaroon ng baby, alam mo ba kung gaano ako nasasabik na malamang nagdadalang tao ka na, tapos, tapos malalaman ko nalang na you're taking this f*cking pills!! F*ck that sh*t!! " nag-iigting pangang sigaw nito sa huling winika at binato sa likod ko ang pills, napapikit ako't napayuko kasabay nang pagtaas ng dalawang balikat

Ganito ba talaga sya kaseryoso!

Sandali akong nakayuko lamang at parang maluluha na. Narinig ko nalang ang pagbuga nito ng hangin pero hindi ako tumingala, pakiramdam ko

" Palagi mo nalang akong pinapaasa! " agad akong napatingala nang marinig ang sinabi nya gamit ang malungkot na tinig dahilan para kumirot ang puso ko. A'ang mga mata nya

Naglakad ito palabas ng kusina at hindi ko man lang magawang makapagsalita, sinundan ko nalang sya nang mga mata kong naluluha

Bakit ba? Pakiramdam ko nagi-guilty ako, pero hindi nya manlang ba maisip ang kalagayan ko para sa gusto nyang mangyari, para sakin hindi pa handa ang katawan ko para magbuntis, hindi pako handa

Hindi ko pa kaya

Palaging pinapaasa? Hindi ko manlang napapansin na ganyan pala ang nararamdaman nya

Palagi akong bumabase sa mga aksyon nya at marahil nga tama si Scar, nagbubulag-bulagan ako sa mga bagay na ginagawa nya para sakin at sa mga nararamdaman nya

Feeling ko tuloy mas selfish ako

" Pasensya na Mara, hindi ko sinasadya " ani ni Manang sa nag-aalalang tinig. Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala sya

" Hindi n'yo po kasalanan " nasabi ko na lamang. Hindi ko sya sinisisi, dahil sarili ko ang sinisisi ko sa maraming dahilan

----

Hindi ko alam kung gagalawin ko ba itong pagkain na nasa harap ko, kumakain akong mag-isa dahil maaga syang umalis at alam kong dahil yun sa nangyari

Kailangan ko ba syang suyuin?

Hindi ko alam kung paano, minsan lang kaming maging ok at dahil palagi nalang kaming nagtatalo sa iba't-ibang dahilan

Kaya ko pa ba?

Napaigtad ako ng marinig ang pagtunog ng phone ko. Kinuha ko ito sa tabi ng plate ko... Si uncle Seb, bakit kaya?

Sinabi nyang tatawag daw sya kapag kailangan ako kaya hindi nako nagdalawang isip na sagutin yun

" Hello po "

[ " Mara, come to my office now. May dapat kang malaman " ]

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon