Chapter - 72

197 4 0
                                    

Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko habang papasok sa mansion ng dad nya, may mga sumalubong na nakahilerang maids na nakayukong bumabati habang hawak nya ang beywang ko na lalong nagpapadagdag sa kaba ko dahil narin sa konting bulungan na naririnig ko

" Siya na nga yun "

" Ang ganda nya "

Bulungan nila, sinamaan naman sila ng tingin ng isang parang madam ang galawan, may katandaan na babae at nakasalamin, nakakatakot din ang awra nya. Huminto kami sa harap nun dahil sya rin ang nasa front, nasa tapat nang malaking pintong pinasukan namin

" Magandang gabi senyorito Kentdrick " bati nito nang bahagyang nakayuko, autimatiko rin akong napayuko sa kanya bilang pagrespeto, dahil dun lalong napunta ang mata ng lahat sa akin

Ang weird nila, muli akong umayos ng ulo

" Where's dad? " tanong nitong kumag na katabi ko na hindi man lang bumati muna bago nagtanong, kahit kailan talaga

" Nasa kwarto nya pa po, pababa na rin sya " sagot nito at nanlaki ang mata ko ng basta nalang nyang hilain ang kamay ko, takte talaga tong lalaking to

Hindi ako makatingin ng deretsyo at bahagyang nakayuko at nanginginig ang tuhod

Nasa dining na kami at nasa kaliwa ko si kuya at ang dad nya ay nasa dulong unahan, yung literal na pwesto ng mga Padre de pamilya sa hapag

" Don't be nervous Mara, it's just me " napatingin ako sa dad ni kuya ng magsalita ito at tumawa pa sya kaya lalo akong kinakabahan, napansin nya pala ang panginginig ko simula kanina

Sa totoo lang talagang nakakatakot ang awra nya, kung ang awra ni kuya ay nakakatakot, doble naman ang sa ama nya

" H'hindi po " nasabi ko na lamang, bahagya pa rin itong natatawa at ganon din tong bw*sit na katabi ko, ginawa pa kong katatawanan

" You are also beautiful like Faye, halos nakuha mo lahat sa kanya, tangkad lang ata ang nakuha mo kay Sean, maliit kasi si Faye" natawa pa ito sa huling sinabi, kaya napangiti ako

Nabawasan ang kaba ko dahil sa tuwa, nakakatuwang inaasar nya pa rin ang Ina ko kahit na muka rin syang cold na scary katulad ni kuya

Ngiti lang ang isinagot ko at pinagpatuloy ang pagkain, sila naman ni kuya ay nag-uusap tungkol sa kumpanya

Si uncle Kenneth, yes uncle, dahil wala akong idea sa kung anong dapat itawag sa kanya, since kaibigan naman sya ng parents ko, 44 years old palang, bata lang din naman sila nung nagpakasal sila ni mommy

Gwapo rin ito na hindi mo aakalaing isa nang ama dahil sa parang kaedaran lang si kuya ang itsura nya

" You're turning 18 this next month right Mara " biglang tanong nya, dahan dahan naman akong napatango

" Y'yes po " sagot ko, ngumiti naman sya

" Ano namang plano mo? Do you want to celebrate your party here? para naman may maganda akong magawa sa anak ng mga kaibigan ko " ngiting turan nito. Sandali akong napaisip, pero sa tingin ko mukang hindi ako ang magd'desisyon nun, hinawakan ni kuya ang kamay ko at alam ko na ang sasabihin nya

" I will prepare a big party for her. And I will also announce our marriage "

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon