Chapter - 58

233 3 0
                                    

" Ako nang bahala, hahanapin ko si Jen, wag ka nang mag-alala " tinapik ko ang kanyang balikat upang pakalmahin.
Umiling sya

" No Mara, ako ng bahala, alam kong may personal na problema kang kinakaharap at alam ko rin naman na hindi ka makakakuha ng impormasyon dyan sa kuya mo. Alam kong yan ang iniisip mo, ako nalang ang bahala "

Napabuga nalang ako ng hangin

Kahit na, kung may agreement kami, pwede ko syang kontrolin at hindi sya pwedeng magsinungaling sakin, kapag yung Dave na yun talaga ang may kinalaman sa pagkawala ni Jen

" Paano mo gagawin? " Tanong ko

" Kay chase " maikling sagot nya

Si chase?

" Lexi, hindi ba delikado rin sya? nag-aalala kong tanong, kung nagawan nga sya ng masama nun, bakit sya magtitiwala

" Wala namang mapagkakatiwalaan sa lahat, tayo tayo nalang, pero si chase, sigurado akong makakakuha ako ng impormasyon sa kanya, kung sakaling yung Dave na yun talaga, bw*sit sila! "

Napatango na lang ako, tama ngang si Lexi na muna ang mag-asikaso nun, dahil may personal din akong problema, pero nakakabahala parin

Bakit ba kailangang madamay ni Jen sa ganitong mga kabaliwan, ang tahi-tahimik ng buhay nya, hayss kung alam ko lang, sana hindi ko nalang hinayaang makilala ng Dave nayun si Jen

Kainis!

--

Napunta agad samin ni Lexi ang mga mata nila ng pumasok kami. Kasalukuyang nag d'disscuss ang prof namin

" Bakit kayo late? Hindi nyo ba alam na second subject nako at ngayon lang kayo pumasok? " mahinahong sermon ni prof ngunit bakas ang inis sa kanyang tono

" Pasensya na po, nagkaroon lang ng problema " paliwanag ni Lexi, napabuga nalang ng hangin si prof at alam kong nagpipigil sya

" Sige na, you may take your seat now,, next time, ayoko na ng late, naiintindihan nyo " napatango nalang kami ni Lexi bago pumunta sa upuan namin.

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon