Chapter - 77

195 3 0
                                    

⚠️ Slight spg

Pilit ko syang itinutulak dahil hindi nako makahinga sa mga halik nya pero bigo ako, pakiramdam ko mamamatay nako

Hinabol ko ang hininga nang bumitaw sya sa halik at napakapit ako ng sobrang higpit sa braso nya nang leeg ko naman ang nilalamutak nya, sobrang sakit ng mga halik nya

" Please!! Tama na!! Kentdrick tama na pakiusap!! " hagulgol kong pakiusap habang pilit syang itinutulak pero lalo lang syang naging mabagsik. Pinunit nito ang damit ko ng walang kahirap hirap na lalong nagpahagulgol sa akin

Napatingala ako dahil pataas nya ko kung halikan. Buong lakas ko din syang hinahampas pero wala lang sa kanya yun, nasasaktan din ako sa pagkapit nya sa iba't ibang parte nang katawan ko, bumabaon ang kuko nito sa balat ko kaya doble doble ang sakit na nararamdaman ko

" Ahhhaaa!! T'tam- hmmp! " muli ako nitong hinalikan sa labi na parang walang kapagudan, nanghihina nako sa mga ginagawa nya

Bumabang muli ang halik sa leeg ko at napasigaw ako nang kagatin nya ang leeg  ko tsaka ako niyakap ng sobrang higpit at binuhat papuntang kama na agad nyang paghiga sa akin at pagpatong nang hindi pinuputol ang paghalik sa leeg ko

Kinagat ko ang braso nya nang sobrang diin dahilan para mapatigil sya pero panandalian lamang dahil hindi nya yun ininda at pinagpatuloy ang paghalik sa leeg ko kahit na lalo kong dinidiinan ang pagkagat ay balewala lang sa kanya hanggang sa ako nalang ang napagod at sumuko

Pagod ko nalang ibinagsak ang ulo ko at tinanggap ang kahahantungan ko, dahil kahit anong gawin kong pagsubok ay wala akong magawa

Umiyak nalang akong hinayaan sya, pero nagulat ako ng tumigil sya. Sandali akong natahimik at pinakiramdaman ang sunod nyang gagawin pero hindi ito gumagalaw at nasa leeg ko lang ang muka

Napapikit ako nang bigla syang sumigaw at lalong napapikit nang sunod sunod nyang sinuntok ang kama sa kaliwa ko kaya napagilid ang ulo ko at lalong napaiyak

Tumigil sya kasabay nang paghikbi na alam kong pinipigilan nya, unti unti akong dumilat at sinalubong ang mga mata nyang nanunubig, kitang kita ko sa mga mata nya ang sakit dahilan para makaramdam ako nang kirot at guilty

" What do I have to do? Ano pa Mara?!! " Umiiyak nitong sambit at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Hindi ako sumagot at sinabayan ang paghikbi nya

" Is everything I did not enough for you to love me too? I don't want to hurt you! pero lagi mo kong binibigyan nang dahilan! Ano pa ba ang kailangan kong gawin, tell me please!! " Lalo nyang inilapit ang muka at idinikit ang noo at ilong namin, napapikit ako nang tumulo ang luha nya sa mata ko. Pakiramdam ko ay sobrang tumatagos ang mga binibitawan nyang salita

" Pagod na ko! " bulong ko, pati paghikbi ay itinigil ko. Totoong pagod na ko, hindi lang pisikal, lalo na ng emotional

Tumigil din sya sa paghikbi

" Sa tingin mo ba Ikaw lang?!! " napadilat ako ng gumaan ang mga kapit nya hanggang sa tuluyan na syang umalis sa pagkakapatong sakin at tumayo

Unti unti rin akong umupo at tinakpan ng kumot ang katawan ko dahil wala nakong saplot pang-itaas

" Parehas lang tayo, I'm  tired of doing everything for you! Kasi kahit kailan hindi mo naman talaga pinahalagahan lahat! " napayuko ako sa mga sinabi nya at napatulong muli ang mga luha

Anong pakiramdam to!!

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon