Chapter - 28

298 7 0
                                    

Hindi ko sya kapatid!

Kaya ba ganon nalang kadali sa kanya lahat nang ito, kasi hindi naman kami magkapatid?

Ngunit.

"Paano po? paanong nangyari yun?" tulala kong tanong dahil sa mga natuklasan ko.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, nanlulumo ako dahil sa paniniwalang nagawa akong pagsamantalahan ng sarili kong kapatid,
pero nakakapanlumo rin pa lang malaman na hindi ko sya kapatid.

Parang sasabog na ang puso't isip ko.

"Hindi mo sya kapatid, pero Mara, alam kong gustong gusto mo na malaman ang totoo, pero hindi ngayon, sasabihin ko sayo ang lahat lahat ng nalalaman ko, pangako yan, pero sana, wag mong sabihin sa kanila, dahil alam mo na kung anong pwedeng mangyari sakin kaya nakikiusap ako" hinawakan nito ang magkabila kong braso upang pakalmahin, tinitigan ko lang sya ng naluluha.

Tumango ako at muling nyang pinunasan ang luha ko.

"Salamat po, salamat po Manang" tumango tango sya.

"Sige na, siguradong hinahanap ka na ni sir Kent" inayos ko ang sarili ko tsaka kinuha ang bag ko at sinabayan na si Manang.

Hindi ko sya magawang tignan at hindi rin ako mapakali.

Hindi ko maintindihan.

Nasa hapag kami at katabi ko si kuya, at nasa harap ko si ate at mommy, pero lahat sila tahimik. Walang nagsasalita, pero si ate nakikita ko ang panay nyang tingin, kung sila Manang alam na, posibleng ring alam na ni ate.

Pero bakit sila tahimik? pati rin ba sila natatakot sa galit ni kuya?

Si mommy, ang sama ng awra nya pero hindi nya magawang tapunan ako ng tingin.

Kung tama ang hinala ko, hindi ako anak ni mommy. Kaya ba, kaya ba ayaw nya sakin, at kung itrato nya ko parang hindi nya ko anak, kasi hindi naman talaga?

Lahat ng nasa isip ko gusto kong itanong sa kanila, gusto kong isumbat sa kanila, pero nakatikom ang bibig ko at dahil sa pangako ni Manang.

Nangako sya sa akin na sasabihin nya ang totoo, at yun ang pinakaiintay ko.

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon