Chapter - 86

181 4 0
                                    

" Gusto ko lang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa pamilya ko, inaasahan kong matutulungan nyo ako, at handa akong tanggapin anumang parusa ang ipapataw nyo sakin dahil sa nagawa ko sa iyong ama, buong puso ko yung tatanggapin " napayuko akong muli at napasara ang mga kamao

" Makakaasa ka " rinig kong sabi ni uncle Seb at hinawakan ang kamay kong nagsisilabasan ang ugat dahil sa galit na nararamdaman

Punong puno nako!

Muli pinunasan ko ang luha ng marinig ang pagtunog ng phone ko. Kinuha ko iyun sa bulsa ko at nakitang si Manang ang tumatawag, tinignan ko si uncle at tumango lang ito, sinagot ko iyun

" Mara " may bahid ng pag-aalala ang tinig ni Manang

" Bakit po Manang Len? " tanong kong pilit itinatago ang paghikbi

" Teka, Mara umiiyak kaba? " lalong nag-alala ang tinig nito

" Hindi po, bakit po kayo napatawag? " tanong kong muli. Narinig ko ang malalim na paghinga nito

" Andito si ma'am Katherine, hinahanap ka " agad akong napatayo sa narinig na ikinagulat nila, kasunod ang pagsara ng mga kamao ko, ibinaba ko ang tawag at galit na napatingin sa kawalan

" Anong sinabi? " tanong ni uncle Seb, muli ko syang tinignan

" May aasikasuhin lang po ako " nasagot ko na lamang at dali daling lumabas ng pinto, narinig ko nalang ang pagsabi nito ng ingat

------

Wala sa sarili kong nilandas ang gate ng mansion, sumalubong sakin si Yosef na nag-aalala at alam kong dahil iyun sa inakala nyang tumakas ako

Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad

" Buti naman umuwi ka nang malandi ka! Ang kapal din ng muka mo! " rinig ko agad ang tinig nito kahit na malayo layo pa ako sa kanya

Naabutan ko itong nakaupo sa couch, bungad ng pinto sa kalayuan

" Sino sa atin ang makapal ang muka " diing bigkas ko at pinipigilan ang sarili. Agad umukit ang galit sa prustura nito

Nang makalapit ako sa harap nya ay akmang sasampalin nya ko ay agad kong hinawakan ang kamay nya

Hindi ko na hahayaang dumampi pang muli ang kamay nya sa pisngi ko

" Let go of my hand Flammara, sinasabi ko sayo wag mong sagarin ang galit kong malandi ka " banta nito, galit ko syang tinitigan na alam kong ikinagugulat nya pero alam kong tinatago nya

" Bakit nyo nagawa yun? bakit nyo pinapatay si daddy?!!! " Malakas kong sigaw sa kanya dahilan para mapaigtad sya sa gulat at mas lalo kong diniinan ang pagkapit sa pulsuhan nya, napahawak sya dun

Wala nakong pakialam kung ina ko pa sya, pagkatapos ng lahat ng nagawa nya, hindi na sya karapat dapat respetuhin

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon