Chapter - 32

290 7 0
                                    

Hinawakan ko ang kamay nya, nanginginig sya at alam kong dahil iyun sa mayroon syang hindi masabi o nagsisinungaling, kilala ko sya

" Kasi ano? Alexi, mag ginawa din ba sila sayo? wag kang magsinungaling sakin! " lalo syang napahagulgol

" h'hindi ko alam! h'hindi ko alam Mara! a' ayoko ng dagdagan ang hinanakit nyo! " pinakalma ko ang sarili at hinigpitan ang hawak sa nanginginig nyang kamay, tumingin muna ako kay Jen, na nakatingin ding nag-aalala kay Lexi

" Lexi please, sabihin mo, lalo akong masasaktan kung may ililihim ka,
ikaw rin ba!!? " sinusubukan kong huminahon at ihanda ang sarili sa isasagot nya ilang segundo syang nanahimik ng

Tumango sya

Napabagsak nalang ng sunod sunod ang luha ko, lugmok nako sa sakit

" Sino? " hinawakan nya ng sobrang higpit ang kamay, alam kong nagpipigil syang sabihin, hinimas ko ang kamay nya para sabihing ayos lang, tumingin sya samin ni Jen

" Si chase "  nanlaki ang mata ko sa narinig

" Nagising nalang ako na wala ng saplot,, at,, at katabi na sya,  sabi nya, ginusto ko daw yung nangyari, p'pero, Mara, wala akong maalala sa mga nangyari, kay hindi totoo yung sinabi niya, h'hindi!! " muli syang humagulgol kaya agad ko syang niyakap, naramdaman ko rin si Jen

Akala ko sya ang pinakamatindi sa kanila, pero katulad lang din pala sya,,
mga walang hiya sila

" Mga demonyo sila Mara, paano nila nagawa satin to "

Akala ko ako lang,nakala ko ako lang ang nakaranas ng kawalanghiyaan, bakit pati sila!

Kumalas ako sa pagkakayakap at tumayo,, punong puno na ng galit at sakit ang puso ko ng mag-ring ang phone ko at nakitang si kuya ang tumatawag kaya lalo akong nanggalaiti

Hinagis ko yun ng sobrang lakas at sumigaw ng sumigaw para ilabas lahat ng galit ko

naramdaman ko nalang ang pagyakap at pagpigil ni Lexi kasunod ni Jen

umiyak lang kami ng umiyak hangga't sa umalma ako, bakit ba nangyari samin to

Halos 30 minutes kaming tulala at at nakaupo lang, tahimik at ubos na ang luha

" Lexi,  ikaw na muna ang bahala kay Jen "

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon