Chapter - 5

396 7 0
                                    

A-attend ako ng party, kaya sobrang saya ko, minsan lang to kaya enjoyin ko na, pero sana payagan ako ni kuya na isama ang mga kaibigan ko para mas masaya.

Nasa kotse kami, si kuya ang nagmamaneho, natural kotse nya, si ate kira nasa tabi nya samantalang ako nasa likod, Ang sama pa ng tingin ni ate kanina pa, ayaw akong ipasama pero wala syang nagawa kay kuya, tsssk kanina pa ko iniirapan.

Tumingin na lang ako sa bintana at excited dahil bukod sa party ay pinayagan ako ni kuya na isama ang mga kaibigan ko na lalong ikinaiinis ni ate. Wala naman akong pake sa kanya, inarte well.

Dalawa lang naman sila, si Alexi Jane Chavez na medyo may pag kahaliparot, may crush sa kuya ko, pero mabait naman sya, ayoko rin syang maging ate, eh mas matanda ako ng ilang buwan sa kanya eh.

Yung isa si Jenny alcantara na medyo tahimik, sa iba, madaldal kasi sya pagdating samin ni Alexi, may trust issue din kase at gets namin, ayaw pa nga sana nyang sumama buti napilit din namin kaya mas magiging masaya to.

Inihinto na ni kuya, ibig sabihin nandito na kami, unang bumaba si ate, excited kasi, bukod dun may gusto sya sa kaibigan ni kuya which is yung may birthday si kuya Dave, gwapo rin at mayaman kaya sigurado akong big party to.

Bababa na sana ako ng pigilan ako ni kuya. "Ako nang magbubukas." Ani nito at lumabas na ng kotse, may kamay naman ako eh, pero hinayaan ko nalang. Pagbukas ay hinawakan nya pa ang kamay ko bilang pag-alalay, tas nakita ko agad ang pag-irap ni ate, inggit lang sya kasi di ganito ka sweet si kuya sa kanya, maarte kasi.

Tumingin ako sa paligid, kaunti lang naman ang tao kasi nasisiguro kong nasa loob na yung iba, pero yung mga mata nila na sa amin, ay nakalimutan ko pala, wala nga palang nakakaalam na kapatid ko sila dahil ayaw ni ate kira, tapos si kuya ewan ko rin kung bakit di nya sinasabi, pero ayos lang.

"Flammara!" Nakarinig ako ng sigaw at napalingon, si Alexi na patakbo papunta sa akin. Ang babaeng to talaga.

Nang makalapit ay agad ako nitong sinunggaban ng yakap.

"Namiss kitang bruha ka." ay OA

"Nung Friday lang naman huli nating pagkikita ah." Saad ko.

Ginantihan ko sya ng yakap. "Eh namiss kita, pake mo ba" bumitaw na ito at nakita ko naman si Jenny na palapit na kaya sinalubong ko ito ng yakap.

"OA lang talaga yan." Ani ni Jen na ikinasimangot ni Lexi kaya tinawanan lang namin.

"Hi papa Kent." ay ang g*ga inaatake na naman ng kahaliparutan, nginitian naman sya ni kuya at parang mahihimatay naman ang g*ga sa kilig at hinampas pa ako, tsinelasin ko to eh.

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon