Chapter - 105

159 1 0
                                    

Sinimulan ko munang kilalanin ang h*yop nayun. The man who did that to my brother is the owner of the university na pinapasukan nya

Sobrang maimpluwensya pala ng mga Santiago

Halos wala pa sa kalahati ang yaman namin sa yaman nila

But I don't care about that, hindi lang naman ang pagsira at pagpapabagsak sa kumpanya nila ang tanging paraan

I also found out the reason why that happened to my brother, dahil sa letcheng pagseselos. Inalam ko din ang tungkol sa Mara'ng yun na naging dahilan ng lahat

-----

Ahh, kung gano'n girlfriend pala sya ng walang hiyang yun, sa daming pwedeng gustuhin ng  kapatid ko, sa girlfriend pa ng isang baliw

-----

I decided to enter the university that my brother was attending. Kentdrick's ownership at gagamitin ko ang kahinaan nya para paghigantihan sya

Makikipag kaibigan ako sa babae nya para galitin at inisin sya. If he thinks I'm afraid of him, he's wrong, magsisimula palang ako

----- End of flashback

" Kaya ba nakipagkaibigan ka sakin? para lang gamitin ako? " saad ko habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko

" I have no other choice Mara, alam mo bang ang paibigin ka ang pinaka plano ko sa paglapit sayo, pero nabigo ako, akala ko pa man din mapapaibig kita katulad ng nagawa ng kapatid ko, pero isa ka nang malaking t*nga! "

" Sa tingin mo ba talaga yan ang gusto ni Tristan, huh Terry? " naluluha ko paring saad at pilit akong humihinahon kahit na sobrang kumikirot ang puso ko dahil sa natutuklasan

Marahil nga t*nga ako dahil masyado akong bulag sa mga nangyayari sa paligid ko. Nagsinungaling sakin si Kentdrick pero hindi ko maunawaan

" Gulong gulo na ak- "

" I don't care about Tristan's decision because he is dead!!! " parang bumagsak ang buong pagkatao ko sa sinigaw nya. A'anong

" Nagulat ka ba?! patay na si Tristan dahil hindi na nya nakayanan ang paghihirap, he took his own life dahil sa paghihirap narinig mo ba! nagpakamatay at naghirap sya ng dahil sa inyong dalawa!!"  Muli itong lumapit sa'kin at hinila ang buhok ko palapit sa kanya

Ibang iba na ang Terry'ng  nasa harap ko!

" Halos tatlong buwan syang na coma, alam mo bang hindi nya matanggap ang nangyari sa kanya, hindi na sya makalakad kaya anong sinasabi ng g*gong yan na maayos na sya! P*tang*na!! "

" T'terry I'm s'sorry " patuloy ako sa paghagulgol na nakikiusap sa kanya

" Sorry?! Seriously?! B*llsh*t Mara! Hindi mababalik ng sorry ang buhay ng kapatid ko!! Alam mo ba kung gaano ka nya kamahal, yung mga araw na sinisimulan ko ang plano, ginagawa nya rin ang lahat para pigilan ako, dahil ayaw ka nyang madamay pero pinagtaksilan mo sya pagkatapos mong amining gusto mo sya! G*go ka rin!! "

" Hindi ko ginusto yung nangyari Terry, h'hindi ko a'alam- "

" Kasi nagbubulag-bulagan ka! Dahil nga t*nga ka!! "

" I'm sorry! "

" Pero alam mo, mas t*nga ako kasi nagustuhan kita! Sobrang t*nga ko na ng dahil sa nararamdaman kong to nahihirapan akong saktan ka, anong bang meron sayo? Huh! "

Parang gusto ko nalang mawalan ng malay dahil sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, sumpa ba talaga ako?

" You're pregnant right? " lalo akong naluha ng maalala ang kalagayan ko

Ang baby ko!

Unti unti kong tinignan ang mga mata nya. Ang muka nyang nakangisi na ngayon

NO!

" Please Terry wag mong idamay ang inosente, maawa ka sa baby ko! " patuloy ako sa pag-iyak, kung kailangan kong lumuhod para makiusap na wag nyang idamay ang anak ko ay gagawin ko

" And why not, yan ang bunga ng walang kwenta nyong pagmamahalan, sinusum-"

" Terry please!!! Tama na! " buong lakas kong sigaw

Lalo akong nanghihina sa gutom, pagod at sakit na nararamdaman ko

Pakiramdam ko matumba nako, hanggang sa naramdaman ko nalang na unti unti na palang bumabagsak ang ulo ko

" Mara " bago pa man pumikit ang mga mata ko ay naramdaman ko ang pag-alalay nya

----- Kentdrick pov

" Kentdrick just calm down " pagpapakalma sakin ni dad, but b*llshit, paano kong magagawang huminahon kung alam kong nasa panganib ang asawa ko

B*llsh*t! Para nakong mababaliw, ang dami ko nang nabasag na gamit dahil sa sobrang galit

" Boss, hindi talaga namin na secure kung saan nila posibleng dinala si ma'am Mara, mukang planado talaga ang lahat, bago pa man mangyari ang kidnapan ay wala ng mga malay ang mga guards na nagbabantay sa gate kaya madali lang sa kanilang makalabas " paliwanag ng kanang kamay kong si Yosef na nagpapadagdag sa galit ko

Muli kong binato ang vase na hawak ko. Mga walang kwenta! Umaga na at halos hindi ako nakatulog sa kakahanap kay Mara, kung saan saan na rin ako nakarating but b*llsh*t!!

" Kentdrick, hintayin nalang natin na tumawag ang kung sino mang kumidnap kay Mara, for sure may pakay ang gumawa nito " saad ni uncle Seb na alam kong sobra ding nag-aalala pero pilit na humihinahon

Pati ang contact ng walang hiyang yun ay hindi namin mahagilap, may nagsabing maid na nakita nya daw kung paano kinuha si Mara pero na huli parin kami, dahil natakot ang maid nayun, pero ipinaliwanag nya ang itsura nang lalaking yun at napagtanto ko kung sino

Ang g*gong Terry nayun, hindi pa ata naging sapat ang pangbubugbog ko sa kanya para magtanda sya, kapag nakita ko sya p*patayin ko sya, lalo na kapag malaman kong sinaktan nya ang mag-ina ko

I will f*cking k*ll him, that b*stard! Sh*t

Pinilit kong huminahon habang sapo ang sariling noo. Palakad lakad balik ako, wala akong magawa kundi mag-antay nalang katulad ng sinabi nila

Pinauwi na namin lahat ng bisita, kahit ang mga kamag-anak ni Mara, tanging ako at ang kanang kamay kong si Yosef, si dad, uncle Seb, mga kaibigan ko at mga kaibigan ni Mara ang nandito sa sala

Umiiyak narin ang kaibigan nyang si Lexi na pinapakalma ni Chase, at kahit si Jen na hindi umiiyak ay bakas ang sobrang pag-aalala, lalo akong nag-aalala dahil buntis ang asawa ko

Muli akong napasapo sa ulo at pinipigilang sumigaw

" Sh*t!! Hindi ko na kaya!! " muli kong sigaw at naglakad para umalis

" Kentdrick! " pigil nila sakin lalo na si dad pero sinamaan ko lang sya ng tingin. Ayoko nang tumunganga dahil mababaliw nako kapag hindi ko pa makita si Mara

" Wag nyo na kong pigilan, hind- " natigil ako ng marinig ang pag ring ng phone ko na kasalukuyang nasa kamay ko

Napatingin kaming lahat sa phone na hawak ko

Unknown number

Nagkatinginan kaming lahat sa napagtatanto. Lalo akong nag-uusok sa galit at agad yung sinagot

" Kamusta Kentdrick, did you miss- "

" G*go kang h*yop ka! Ibalik mo sakin si Flammara!!! "

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon