Chapter - 69

212 3 0
                                    

Nakahiga ito sa sanga ng puno habang nakangisi samantalang si Sebastian ay tawa lang ng tawa na nakaupo sa upuan na nasa tapat ng puno lang din

" Aminin mo na kasi " pang-aasar pa ni Sebastian

" Hindi totoo yun, bakit nyo yun pinagkakalat ha " sigaw muli ni Faye habang pilit parin itong inaabot

Tumigil ito ng umupo na si Sean sa sanga habang nakangisi parin, tumalon ito kaya Isang sipa sa tuhod agad ang pinakawalan ni Faye kay Sean na nailagan naman nito at hinawakan ang noo na ikinagulat ni Faye

" Wag ka ng magkaila, I saw you woman Ikaw ang naglalagay ng letter sa locker ko. So you like me huh " ngising turan nito na ikinapula ni Faye at agad tinapik ang kamay ni Sean sa noo nya

" Hindi totoo yan " pagkaila nito at umiwas ng tingin, lalong napangisi si Sean at si seb naman ay nagpipigil tawa

Nagulat at napaatras ng mukha si Faye ng ilapit ni Sean ang kanyang mukha dahilan para lalo itong pamulahan

" Kung ayaw mo talaga, ako nalang ang aamin " nakangising turan ni Sean at ipinatong ang kamay sa ulo ni Faye na nanlakaki ang mata

" a'ah "

" I like you Ms, Faye Medina " seryoso nitong saad na lalong ikinalaki ng mga mata  at pamumula ni Faye kaya lalong natatawa si Seb

" What's happening here? " agad silang napalingon sa nagsalita. Si Katherine kasama si Kenneth

Nakakunot ang noo ni Katherine habang seryoso lang si Kenneth

Umayos ng tayo si Sean

-----🍁

Graduation nasa isang restaurant silang lima para mag celebrate, masayang masaya sila samantalang ang muka ni Katherine ay simpleng nakatingin ng masama kay Faye na tanging si Seb lang ang nakakapansin

Si Faye at Katherine ay close noon pero parehas silang nagkaroon ng lihim na pagtingin kay Sean, pero nong nalaman ni Katherine na may gusto din pala si Sean kay Faye ay nagtanim ito ng galit

Pagkatapos ng graduation nayun ay naging magkasintahan si Faye at Sean habang si Katherine ay napilitang magpakasal Kay Kenneth dahil sa arrange marriage na pinlano ng parents nila noon palang

Si Kenneth din ay nagkaroon ng lihim na pagtingin kay Faye pero nagpaubaya nalang ito

Hindi man nila mahal ang isa't isa ay pinilit silang magka-anak at naging bunga nito ay si Kentdrick at kira, samantalang si Sean at Faye ay nagpakasal at magkasamang binuo ang Hernandez corporation company

Dahilan para lalong mapoot si Katherine, noong naghiwalay si Katherine at Kenneth, tinuloy parin nya ang pakikipagkaibigan Kay Faye at pasimpleng inaakit si sean, pero bigo sya dahil tunay na mahal ni Sean si Faye

Lumawak ang ngiti ni Katherine ng malaman nyang wala na si Faye dahil sa panganganak kay Flammara na dapat ay pagpaplanuhan palang nya, pero mukang pumapanig ang tadhana sa kanya

Sinamantala nya ang pagluluksa ni Sean

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon