Chapter - 110

148 2 0
                                    

" Wife! " Alalang saad ni Kent ng unti-unting bumitaw at inalalayan siyang umupo ni Mara bago ito tumayo, pero bago iyon ay hinalikan siya nito sa noo bilang pagpapakalma at sabihin ayos lang

She can do it

She can end it

Humarap si Mara at unti-unting humakbang palipit kay Terry na ngayon ay nanatiling nakatayo habang makikita parin ang mapaglaro nitong mga tingin

" Let's end this " mahinang sabi ni Mara na tanging si Terry lang ang nakarinig at hinawakan niya ang kamay nito kung saan hawak ni Terry ang baril pero nanatili itong nakatayo at nakatitig lang sa kanya

She knows, there is hope

Nakaramdam naman ng inis ang dalawa niyang kaibigan na nangungunot ang mga mukha, sa tingin nila ay nagpapauto ito. Bahagyang humakbang Earl sa inis

" Hey dude don't say na magpapadala ka sa mga salita nyan, ikaw ang may nais ng lahat ng ito at nagplano, huwag mong sabihin sa paraang ganito mo tatapusin! " galit na asik ni Earl dahilan para mapatingin sila dito

" Manahimik ka! "  asik din ni Terry dahilan para lalong mainis si Earl at mapikon

" F*ck you dude wag kang hibang!! " Sigaw na nito at agad naman siyang inawat ni Heath dahil susugudin sana niya si Terry

" Stop dude, pabayaan mo na lang siya "  pagpapakalma naman ni Heath dito, pero deep inside naiinis din ito. Parehas nilang iniisip na hibang na talaga ito

Palagi nitong sinasabi na worthless ang baliw na pagmamahal pero mukhang pati siya nabibiktima nun

Hindi nila maintindihan kung totoo ba ito sa mga sinasabi niya dahil pati ito naguguluhan

Is he really in love with Mara

Or sadyang may puso pa rin siya at nagpapalamon lang talaga siya sa galit at lungkot na lumukob sa kanya simula ng maghirap at mawala ang pinakaimportanteng tao sa buhay niya na si Tristan

Even he is confused with himself, pero isa lang ang alam niya

Hindi siya ganun ka sama

Nagulat at napatingin sila sa pinto ng bodega ng bumukas iyun at binungad ang isang tauhan na hinihingal pa habang may hawak na baril

" Boss! may tatlong lalaking nakapasok, hindi namin alam kung paano sila nakalisot pero iniisa-isa nila kami "  sigaw nito na hinihingal pa na nagpabahala sa kanila

" B*llsh*t!! " sigaw ni Earl na bakas na ang takot

Bahagya namang napangisi si Kentdrick dahil alam niya kung sino ang tinutukoy nung tatlo, samantalang naguguluhan naman si Mara at nakakaramdam na ng panghihina lalo na ng magkagulo na sa paligid

" Dude tara na, siguradong kasunod niyan ay mga pulis! " Sigaw ni Heath kay Terry pero nananatiling nakatayo si Terry na nakatingin lang kay Mara kaya hindi talaga nila ito maintindihan

" Walang lalaban " utos ni Terry na ikina sabunot na lang ni Earl

" Dude, Ikaw ang nagplano nito, ayoko pang makulong! " Sigaw muli ni Heath.

" F*ck you dude! F*ck you! Bahala ka sa buhay mo! " Galit na galit na sigaw ni Earl at tumakbo na agad namang sinundan ni Heath, lumabas ang mga ito na sinundan naman ng mga tauhan ni Terry na alam nilang natakot din

Samantalang silang tatlo na lang ang naiwan sa buong bodega at nakarinig sila ng mga putok na lalong ikinahina ni Mara at napatakip sa mga tenga habang unti-unting nanlalabo ang mga mata

----- Kentdrick pov

Ramdam ko man ang sakit ay pinilit kong tumayo para kunin si Mara na ngayon ay parang mawawalan na ng malay na alalay na ni Terry

Agad kong hinapit si Mara at bumagsak ito sa bisig ko, hinawakan ko ang magkabila niyang siko bilang pag-alalay at tuluyan na itong nawalan ng malay

D*mn!

I looked angrily at Terry who was just standing in front of us na ngayon ay binitawan na ang baril

I really want to punch him, beat him, pero I'm confused, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng g*gong to

Nadali lang ba siya ng mga salita ni Mara, or there is another reason, pero kung ano man yun. Wala nakong pakialam

The important now is Mara's condition

" Tsaka nalang natin tapusin to, umalis kana bago pa sila dumating " saad ko kay Terry, he just smirked at me na bahagyang ikinakunot ng noo ko

" Hindi ako duwag katulad mo, kaya kong harapin ang kasalanang nagawa ko, not like you! " Sagot nito. Alam ko kung anong pinupunto nya

Sa sitwasyon naming dalawa parehas kaming naging duwag sa isang bagay, pero

" Nagbayad na ako sa kasalanan ko, patas na tayo " diing bigkas ko na lalo niyang ikinangisi, pero ngising alam kong may gigil

I can't blame him, ginawa kong miserable ang buhay nila, pero, katulad ng sinabi ko

Tapos ko ng bayaran ang mga kasalanan ko

Nananakit man ang kaliwang braso ko kung saan ako natamaan ay pininit kong buhatin si Mara, daplis lang naman ang tumama sa braso ko at kahit anong sakit nang nararamdaman ko dulot sa mga pambubugbog nya, isa lang ang nararamdaman ko

I am strong because of my love

Pinapalakas ako ng pagmamahal ko para kay Flammara

Tinalikuran ko na siya at sinimulang maglakad, pero napahinto ako ng magsalita siya

" Tapos na ito, always take care of her. Ito na sana ang huli nating pagkikita nang sa ganoon hindi na ako masuklam " unti-unti ko siyang nilingon

" Sisiguraduhin ko iyan, pero bago yan, i'm sorry "  seryoso kong turan sa kanya na ikinatawa nya, hindi ko alam pero kusang ngumiti ang mga labi

Maybe we're really crazy but that's because of different ways of loving

Nginitian ko na lang siya at muling nagpatuloy sa paglalakad

Finally, It's over

I promise starting now, I will fix our life, magsisimulang muli kami kasama ang munting anghel na dadating sa buhay namin

I will always take care of them no matter what.

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon