Chapter - 75

200 5 0
                                    

" Pwede ba'ng ako na lang? " agad ko syang nilingon na nanlalaki ang mga mata, ang tingin nya ay nasa harap. Sandaling namayani ang katahimikan habang inaantay ko ang sasabihin nya

Anong ibig nyang sabihin?

" T'terry? " muli nya kong nilingon at bigla nalang syang tumawa na ikinasabog ng emosyon ko sa sobrang inis

" I'm just kidding " tumatawa pa nyang sambit, sa inis ko ay sunod sunod ko syang hinampas, grabe na yung kaba ko tapos bigla syang gaganyan

" Ah! Tama na! Nagbibiro lang e - ah! " daing nya dahil hindi ko parin sya tinigilan at sinabunutan ko pa sya hanggang sa ako nalang ang napagod

" Bw*sit ka! " singhal ko, aba't ang loko ay nagawa pa kong tawanan, hahampasin ko ulit sana sya ng nagcover ito kaya diko na tinuloy

" Pikunin ka talaga "

" Bahala ka sa buhay mo " tumayo nako at sinimulang maglakad, narinig ko narin Kasi ang tunog ng bell

" Hey! Sorry na nga, huy! Wait! " sigaw pa nito pero diko sya nilingon

" Bye, balik na ko sa klase " kumaway nalang ako at tuluyan na syang iniwan

-----🍁

Tulala ako hanggang matapos ang klase, may bumabagabag kasi sa isipan ko, bakit kasi ganun nalang ang epekto ng sinabi ni Terry kanina, pero kasi, siguro dahil sa naaalala ko si Tristan sa kanya

" Mauna na ako " paalam sakin ni Lexi ng dumating na ang sundo nya, pero nagtaka ako kung bakit ibang kotse yun, maybe new car, pero ganun na lang ang pagkagulat ko ng iniluwa nun si-

" Chase? " nakaawang kong pangang sabi

" Hi Mara " bati pa nitong nakangising nakatingin bago bumaling kay Lexi

" Mara, alis na kami, tsaka nalang ako magk'kwento, bye " Saad ni Lexi at pinagbuksan na sya ng pinto ng kotse ni Chase, tumango nalang ako at muling napatingin kay Chase

" Don't do anything to make Kentdrick even more crazy " seryosong turan ni Chase na ikinataka ko, bumaling Ito sa likod ko Kaya agad akong napalingon dun at nakita ko si Terry na lalo kong ikinagulat, nakangisi ito at kumaway pa

" Anong ginagawa mo dito? " agaran kong tanong na may halong kaba, lalo itong lumapit at tumingin sa likod ko, binalingan kong muli sila Chase at nakitang paalis na ang kotse nito, kumaway pa sa bintana si Lexi Kaya kinawayan ko rin sya bago muling binalingan ang nang-aasar na mukha ni Terry

" Ms, sungit mode is activated " tumatawang ani nito kaya sinamaan ko sya ng tingin

" Anong ginagawa mo dito, umalis ka na nga! " pagtaboy ko sa kanya dahil baka maabutan pa kami ni Kentdrick

" Ayoko nga, ako ang maghahatid sayo " napanganga ako sa sinabi nito, s*raulo bato

" Nahihibang ka na ba, gusto mo ba talagang mamatay! " singhal kong muli sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa mga kilos at tinuturan nya, kumunot ang noo nito

" Do you think I'm afraid of him? " Seryoso na ulit ang tinig nito, baliw na rin sya

" Hindi yan ang ibig kong sabihin Terry, please umalis ka na, ano ba kasing trip mo?! " ngumisi lang sya sa sinabi ko, pero kakaibang ngisi yun, napaatras ako ng humakbang sya

" Ano bang pro- " di ko na natuloy ang sasabihin ng hilain  nito ang kamay ko palapit sa kanya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ano bang problema nito!

" I like you, handa akong mamatay makuha ka lang sa kanya, he doesn't deserve you Mara, I'm better than him, I can treat you better " bulong nito sa tenga ko na nagpatayo nang mga balahibo ko at agad syang tinulak nang nanlalaki ang mga mata, seryoso syang nakangisi na hindi ko maipaliwanag

" A'ano- " diko na naman natuloy ang sasabihin nang makarinig sa likod kong padabog na pagsara ng pinto ng kotse, napalingon agad ako at lalong bumilis ang tibok ng puso ko at nanginig ang tuhod

Si Kentdrick na nakatayo sa harap kong nakayukom ang mga kamao habang nanlilisik ang mga matang nakatingin samin ni Terry

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon