Chapter - 64

227 4 0
                                    

Kasalukuyan akong kumakain dito sa kusina. May sariling dining table ang mansion at mahaba iyun pero meron din naman sa kusina, hindi ganon kahaba pero mas komportable kumain dito

Napalingon ako kay Manang ng dumating ito, may kinuha lang din kasi siya

" Nakuha ko na iha " agad akong napatayo at nilapag ang kutsara. Umingay pa iyun buti nalang at kami lang ang nandito

" Asan po? " malawak kong ngiti, inabot nya sakin ang card, ito yung binigay sakin ng lalaki. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkaroon ng interes sa sinabi ng lalaking yun

" Paano nyo po nakuha? " tanong ko at kinuha iyun sa kamay nya

" Nagkunwari lang ako na may nakalimutan kaya nakabalik ako ng mansion, buti nalang at wala ang mommy nyo at si ma'am Kira, dinahilan ko nalang din na may pinapakuha kang gamit mo kaya binigay nila ang susi ng kwarto mo, dinahilan ko nalang din ang sneakers mo at sinabing paborito mo iyun kaya siniksik ko doon ang card na yan " mahabang paliwanag nya

Ngumiti lang ako at nagpasalamat bago dinial ang number na nandun

Nagriring lang yun. Paulit-ulit kong tinatawagan ang number pero walang sumasagot. Tama ba to? napayuko nalang ako at nilapag ang phone

" Last nalang " saad ko at muli yung dinampot at nag dial ulit

Pursigido talaga ang isip ko sa hindi malamang dahilan, pakiramdam ko kasi may makukuha akong information sa kanya

Lumawak ang ngiti ko ng sa wakas ay may sumagot

" Hello po " panimula ko

[ " Who's this? " ] tanong ng boses lalaki sa kabilang linya

" Ako po si Flammara"  sagot ko at nagtaka ng nanahimik ang kausap ko

" Hello po, sorry sa istorbo, kayo po ba ang lalaking nagsabi sakin nun na tawagan ko kayo pag legal age na ako. Do you still remember me? "

[ " Yes of course, i still remember you Mara, and wala ka pa sa legal age mo right? " ] tanong nya kaya bahagyang napakunot ang noo ko, bukod kasi sa tinawag nya ang pangalan ko

Lalo tuloy akong na-curious kung sino sya.

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon