Chapter - 59

229 4 0
                                    

" Akala ko hindi ka na papasok, hindi kasi kita nakita kanina " napalingon agad kami ni Lexi ng may magsalita

Si Terry na kay lawak na nakangiti, nandito kami sa garden, wala rin kasing masyadong tumatambay dito bukod samin

Umupo sya sa tabi ko

" Andito ka na naman, tour lang naman ang habol mo diba, bakit kinukulit mo parin ako " inis kong turan, tumawa lang sya

Tinignan ko si Lexi at nagkibit balikat lang sya bago tumayo at talikuran kami

" Saan ka pupunta? " Tanong ko at sinimulan na nyang maglakad

" Dyan lang, maiwan ko na kayo " paalam nya at kumaway patalikod, shala nito

Narinig ko na naman ang bungisngis ng katabi ko kaya sinamaan ko sya ng tingin

" Umaatake na naman ang pagiging masungit ni Ms, owner's girlfriend "

" Gusto mong humimlay ng maaga huh? " Singhal ko sa kanya dahilan para tumawa na naman sya

Ang sarap batukan, gaano ba kasaya ang buhay nito at palagi nalang tumatawa kahit na wala namang nakakatuwa sa sinabi ko

" Ang init talaga ng dugo mo, ang hirap mong pasayahin, at tsaka bakit ka ba nagagalit, hindi ba totoong girlfriend ka ni -- ahhh!!! " hindi na nya natuloy ang sasabihin ng batukan ko sya

Daldal talaga

" Don't talk to me " Singhal ko sa kanya at tumayo na ng hawakan nya ang kamay ko, inis ko syang sinalubong ng tingin

" Ano na naman " inis kong saad. Tumayo muna sya habang hawak parin ang ulo kung saan ko sya binatukan

" Sorry if nakakainis ako, gusto ko lang kasing makipagkaibigan sayo " seryoso nyang saad

Haysss, bakit ba lagi nalang akong binibigyan ng pagsubok

" Hindi ko kailangan ng kaibigan " inalis ko ang kamay nya at tinalikuran syang muli

" Pero ako, I need friends " sandali akong napatigil bago napabuga ng hangin at muli syang nilingon

" Mauna na ko " paalam ko at naglakad na

Ayokong matulad sya kay Tristan, mas magandang manahimik nalang ang buhay nya, lalo na at palagi syang masaya

" B*llsh*t, hindi pwedeng masira ang plano ko, f*ck " natigil ako sa paglalakad ng marinig ang bulong nya

Muli ko syang tinignan at bigla syang umayos ng tayo at nginitian ako, naglakad nalang ulit ako at hindi na sya nilingon

Plano? Anong ibig nyang sabihin?

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon