Chapter - 8

380 5 0
                                    

Nagkasiyahan at tugtugan, ang dami na ding natanggap na regalo ni kuya Dave, meron pa ngang nagregalo ng kotse, shala diba, yung mayaman ka na payayamanin ka pa.

Nag-iba ang tugtog at parang alam ko ang ibig sabihin nun, di nga ako nagkamali ng may nagka-ayaan ng sumayaw sa gitna, shala ng birthday party no.

May lumapit sa aming tatlong lalaki at inaya kaming sumayaw, nagkatinginan muna kami nila Lexi, mga pogi for sure payag si Lexi pero umiling si Jen, kaya hindi rin ako pumayag, bukod dun si kuya.

Si Lexi naman ay aabutin na sana ang kamay ng lalaking nag-aaya sa kanya ay binawi nun kaya bahagya kaming nagulat.

"Ah, k'kase, ah d'di bale nalang pala, hehe s'sorry." ani ng lalaki na parang natatakot at nagsi-alisan na sila.

Problema nun? Inis namang umupo si Lexi, para kasi syang napahiya dun, tinapik nalang namin ni jen ang balikat nya.

Tumingin ako kay kuya, kasayaw nya yung linta, inirapan pa nga ako ng g*ga, nakatingin din pala sa akin si kuya kaya napaiwas ako ng tingin, medyo may lalim din kasi ang tingin nya na para bang galit.

Si kuya Dave naman kasayaw syempre si ate kira, sobrang dikit pa nga, magkakaibigan nga sila.

Nabalik ang atensyon ko kay Lexi ng bigla itong kumuha ng wine na dala ng waiter, pinigilan agad namin sya.

"Lexi, alam mong bawal pa tayong uminom" ani ko dito at pilit kinukuha ang wine, malakas pa naman tama ng wine na yun.

"Who's care?" inis nitong sabi at ininom yun, haysss. Napabuga na lang ako ng hangin at hinayaan nalang namin sya, kasi naman yung lalaking yun namahiya pa, ayaw pa naman ng ganun ni Lexi.

"Cr lang ako, Jen bantayan mo si Lexi baka makainom yan ng marami." paalam ko at tumayo, tumango naman si Jen kaya naglakad na ako, tinanong ko sa isang waitress ang Cr at tinuro naman nya iyun kaya agad akong nagtungo.

Nasa tapat ako ng salamin ng banyo at naghuhugas ng kamay, busog na ko at alas otso na rin ng gabi kaya yayayain ko na sila lexi na umuwi tsaka baka malasing pa ang isang yun.

Habang naglalakad ako ay aksidenteng may nakabanggaan ako.

"Sorry, are you okay?" Tanong ng isang lalaki at akmang tutulungan akong tumayo ay agad kong inayos ang sarili.

"Ayos lang, sorry din." sagot ko, ngumiti sya at sh*t ang gwapo nya tapos ang ganda pa ng ngiti, napangiti din ako, kasi ba naman nakakahawa ang ngiti nya.

"Ah, do you know where the bathroom is here?" Tanong nya, tumango naman ako at tinuro kung saan.

Parehas kaming nagulat ng may biglang humawak sa braso ko ng sobrang higpit.

"K'kuya."

Si kuya na pinanlilisikan ako ng mata bago tumingin sa lalaki, sobrang higpit ng kapit nito sa braso ko na nagbibigay ng sakit.

Lasing ba to?

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon