Chapter - 76

193 4 0
                                    

Author's pov

" K'kent- " naalarma si Mara nang sinugod ni Kent si Terry at pinakawalan agad ang malakas na suntok na agad pagbagsak nun

Agad lumapit si Mara para pigilan si Kent pero wala itong magawa kahit hilain nya ito, tinapik ni Kent ang kamay ni Mara at agad na pinatungan si Terry at hinawakan ang kwelyo

" What did you say!?? You're better than me! Gusto mo bang ibaon kita sa lupa!! " nanggagalaiting sigaw nito ngunit nginisiang tawa lang sya ni Terry na lalo nyang ikinagalit, at bahagya itong nagulat kahit si Mara na hawak ang braso ni Kent upang pigilan

Mukang hindi nga ito natatakot, parehas silang nagulat nang suntukin din ni Terry si Kentdrick pero ni hindi man lang naalis sa pwesto si Kent at agad din itong binawian ng suntok nang sunod sunod

" Tama na! Please Tama na!! " sigaw ni Mara habang nagpapalitan ng suntok ang dalawa ngunit dehado si Terry dahil mas malakas si Kent dahil narin sa galit na nararamdaman nito

Nagdudugo na ang muka ni Terry at napabagsak sa huling suntok ni Kentdrick, para na itong isang demenyo. Muling pinigilan ni Mara si Kentdrick pero itinulak lamang sya nito at nakabaling lamang kay Terry at tinadyakan ito

Hindi na alam ni Mara ang gagawin at kahit ang mga konting nakakasaksi ay walang lakas ng loob na tumulong o lumapit dahil din sa takot at kahit mang video ay walang gumagawa dahil kilala nila si Kentdrick

Lumuluha na si Mara at nang makitang pursigido talaga itong patayin si Terry ay bigla syang humarang

" Kentdrick please!! Tama na!!! " pagmamakaawa ni Mara habang umiiyak, binalingan na sya ni Kentdrick na sobrang nanlilisik ang mga mata

Biglang hinapit ni Kentdrick ang kamay ni Mara at hinila papasok ng kotse nya. Nagpahila na lamang sya kahit sobrang higpit ng kapit nito sa pulsuhan nya, muli nyang nilingon si Terry at nakaupo na ito na tinutulungan ng mga guard, nakita nya rin ang gigil sa mga tingin nito

-----

" Ahhh!! " Daing ko nang itulak nya ko sa sahig pagkapasok sa kwarto at lalong bumuhos ang luha, hinawakan nito nang sobrang higpit ang panga ko

" K'kentd- "

" Nag-eenjoy ka!! Masaya ka!! B*llsh*t Flammara talagang sinusubukan moko!!! " sobrang lakas ng sigaw nito sa muka ko kaya napapikit ako

Ito na ang pinakamalalang galit na nakita ko

Gigil na gigil ang mga kamay nyang nakakapit sa panga at braso ko na sobrang sakit

" H'hindi! M'mali- k'kentdrick! Ahhh!! " sigaw kong daing ng kinapitan nya ng sobrang higpit ang braso ko kasabay ng pagtayo sakin tsaka sinandal sa pinto

" Kentdrick!!! "

" May relasyon na ba kayo nang lalaking yun!! Sumagot ka!! " napagilid ako ng ulo habang dumadaing parin at umiiyak

" W'Wala  m'maniwa- "

" Wag mo kong g*guhin!!! Yun ba ang dahilan kung bakit pumayag ka sa agreement! gusto mo nang kalayaan para makipaglandian sa lalaking yun!! "

" Wala kaming relasyon! " sigaw ko at pilit inaalis ang mga kamay nya sa braso ko dahil sa sakit, sobrang bagsik nya. Wala akong magawa sa lakas nya

Napapikit ako nang akmang sasampalin nya ko... Pero walang dumampi sa pisngi ko kaya unti unti akong napadilat pero agad ding napapikit nang bigla nya kong halikan ng sobrang diin, ang mga halik na sobrang sakit na nagpatigil sa paghinga ko.

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon