Chapter - 90

197 2 0
                                    

" B*llsh*t Kentdrick! Pagkatapos nang mga nangyari talaga may gana ka pang gawin yan! " Singhal ko sa kanya, napatikhim sya dahil. Inis ko syang tinitigan at ipamumuka ko talaga sa kanyang galit ako

" Ganto nalang ba tayo lagi Mara, hanggang kailan mo ako pahihirapan " saad nitong may lungkot sa tinig, ito na naman tayo

" Hindi kita pinahihirapan Kentdrick, ikaw ang nagpapahirap sa sarili mo "

Hindi ko sya pinahihirapan, mahirap din sakin na tiisin syang muli dahil kung dati ay sumpa ito sakin, ngayon ay hindi na

Nasasaktan narin ako sa tuwing nasasaktan sya, pero wala akong ibang naiisip na paraan, dumagdag sya sa kahinaan ko, pero ipinangako ko sa sarili ko na hindi nako magpapakaduwag, pagsubok itong binibigay ko sa kanya para patunayan ang chance na hiningi nya

" Hindi ko intensyon na kamuhian ka ni mommy, dahil alam kong ikasasakit ko rin yun, pero alam nating pareho na yun yung tama... at ako, ni hindi mo manlang naiisip kung anong nararamdaman ko "

" Hindi ganon Mar- "

" Ganon yun Kentdrick, ilang beses mong pinamuka sakin na wala kang pakialam sa nararamdaman ko. Wala naman talaga di- " natigil ako ng bigla nya kong niyakap at sumiksik sya sa balikat ko

" Kung alam mo lang kung gaano akong nagtitiis na makita kang nasasaktan basta hindi ka lang mawala, nagtitiis lang ako Mara, Kasi kung hindi ako magpapaka-selfish sa nararamdaman ko ay mawawala. I would rather die kesa mangyari yun "  muli na namang nanubig ang mata ko sa mga binitawan nyang salita. Kailangan pa bang umabot sa ganon?

" Kentdrick " pagtawag ko at hinawakan ang magkabilang pisngi nya at inangat ang ulo nya para magtama ang mga mata namin

" Hindi ako aalis ng dahil sa alam kong wala akong kawala sayo. Hindi ako aalis dahil may rason ako, at yung rason nayun ay hindi ko pa kayang sabihin, pero nais ko lang ay ang pagtitiwala mo, pwede ba yun? " Saad kong halos pabulong na, dahil dun nakikita ko ang pagniningning sa mga mata nyang kay ganda

Gusto ko nang maging maayos dahil kahit ako ay nahihirapan ng tiisin sya, pareho naming nasasaktan ang isa't isa

" Thank you, thank you my wife. We're ok now? Can I sleep with you " parang batang sabi nito kaya hindi ko maiwasang mapangiti, I just nodded, he's cute

Walang pasabing hinila ako nito pahiga at pinayakap sa kanya, umiwas ako ng tingin dahil sa hiya, magkalapit ang muka namin at nakangisi pa sya

" Can I sleep now? " Saad ko, tumango sya at hinalikan ako sa noo, ipinikit ko ang mga mata at agad ding nilamon ng antok

--

Nagising ako ng maramdaman ang mainit na kamay na humahaplos sa muka ko. Iminulat ko ang mga mata at bumungad ang nakapangung babang si Kentdrick

" Goodmorning wife " masiglang bati nito at pinasadahan ako ng halik sa noo

" Goodmorning " balik kong sabi at pupungas pungas pa ang mga mata, umupo ako na syang pag-alalay nya

Masigla sya at puno ng ngiti ang diwa, bakit kaya?

----- Kent pov

" Maligo ka na, ang baho mo na " nang-aasar kong sabi para itago ang kilig na nararamdaman, kinusot kusot pa nya ang mga mata pagkatapos ay sinamaan ako ng tingin

Ang cute nya, ni wala syang alam sa mga pinagsasabi nya habang tulog sya

---- flashback

Nagising ako ng marinig ang pag-ungol ni Mara, hinawakan ko ang pisngi nya dahil nananaginip lamang sya, tatapikin ko sana ang pisngi nya para gisingin pero natigil ako ng magsalita syang tulog

" Kentdrick, I'm sorry, nagagawang kong magtiis because I love you, I really love you too "

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon