Chapter - 67

206 3 0
                                    

Nandito ako sa bahay at nakaupo sa couch habang nasa gilid ko lahat ng pinamili nya. Napapahinga nalang ako ng malalim habang pinagmamasdan lahat ng iyun

Wala si Kentdrick dahil nagkaroon ng emergency meeting kaya pinahatid nalang nya ko kay Yosef kasama lahat ng pinamili nya. Ayus narin yun dahil mas makakahinga ako ng maluwag, pakiramdam ko kasi gustong tumigil sa pagtibok ng puso ko habang pinagmamasdan syang mamili

Tapos yung mga ngiti nya pa na hindi mawala sa isip ko, haysss

Narinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyun sa bulsa ko

[ I'm here now at the restaurant. I'll wait for you Ms, Hernandez ]

Napatayo agad ako ng mabasa ang text ng lalaki. It's already 3:45 pm, anong gagawin ko?

" Ahm, Yosef " tawag ko sa kanya ng mabungaran ko sya sa parking lot ng mansion, hindi pa sya umaalis dahil nga kararating lang din namin

" Yes ma'am? " ani nito at napayuko muna ako, teka, paano ba?

" Ahm, gaano ka katapat kay Kentdrick? " tanong ko na ikinataka nya. ilang segundo itong nag-alinlangan bago sumagot

" kanang kamay nya po ako kaya tapat po ako sa kanya ng lubos, bukod po doon ay pinagkakatiwalaan nya po ako, kaya ako rin po ang ginawang nyang bodyguard mo" sagot nito, nginitian ko sya na lalo nyang ikinataka at napapaiwas ng tingin

" Pwede ka rin bang maging tapat sakin kahit 50% lang? " pagbabakasakali ko, natulala sya sa narinig at parang nagsi-sink in palang sa utak nya

Tumango sya na ikinangiti ko ng malawak

" Bakit po ba ma'am? "

" I just need your cooperation Yosef, hindi naman ito pagtataksil o masama " sagot ko at unti unti nalang syang tumango

Si Yosef ay edad lang din ni kuya, matangkad din ito at may itsura, hindi ko alam kung paano sya naging kanang kamay ni kuya dahil sa pagiging tahimik nya at pagiging misterious but i think pwede ko syang pagkatiwalaan, pero hindi parin ako kampante, kung ipinagkatiwala ako ni kuya sa kanya, for sure ay parang spy nya ito, pero pwede rin namang kunin ko ang tiwala nya para maging kanang kamay ko rin

A few minutes passed

Kasama kong pumasok si Yosef sa restaurant at natanaw ko sa bandang gilid na pwesto ang isang pamilyar na lalaki, kumaway ito kaya lumapit kami

" Good day Ms, Hernandez " paglahad nito ng kamay na agad kong tinanggap. Inurong ni Yosef ang upuan at umupo na ako ganoon din ang lalaki na nasa harap ko, habang si Yosef ay nakatayo sa likod ko

" I know what you want, I think you already know the truth and you want to know something more right? " saad nitong nakangiti, hindi pa naman sya mukang matanda and i think nasa mid 30s palang sya at mayroon din syang itsura, kumbaga gwapo at hot din sya base sa looks nya

He looks decent dahil narin sa suot nyang attire na sa tingin ko ay-

Napatingin muna ako kay Yosef at seryoso lang ito

" May malalaman po ba ako? " tanong ko, napatingin ako ng may dumating na order na pagkain at inumin

" Since you are close to your legal age, may karapatan ka na, but before I tell you what you should know, let me introduce myself "

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon