Chapter - 71

203 5 0
                                    

'mapaglaro talaga ang tadhana, hayyy, for now, keep it a secret until we can be sure Kentdrick can be trusted lalo na't Ina nya ang pinag-uusapan dito, but you can get his trust Mara, he will also be a great help'

Naalala ko ang huling sinabi ni uncle seb. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong dapat maramdaman o gawin dahil naguguluhan ako, hindi ko alam kung anong uunahin ko, may malaking responsibilidad pa lang nakapatong sa ulo ko

Pero ang mas ikinakasakit ng puso ko na parang mas malala sa lahat ng dinulot ni kuya sakin, kaya ba ganon na lang ang pagmamaltrato ni mommy sakin, dahil sa hinanakit at karibal nya ang aking tunay na Ina

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng aking luha na hindi ko mawari kung akin bang pipigilan. Bumabalik lahat ng hinanakit simula umpisa ng buhay ko dahil sa lahat ng natuklasan ko

" Mara, what happened? " nabalik ako sa wisyo ng marinig ang tinig ni kuya, agad kong pinunasan ang luha sa muka ko nang makitang nasa pinto na sya at palapit, agad syang nakalapit at hinawakan ang muka ko

" W'wala " sagot ko at iniwas ang muka

" I said what happened? " pag-uulit nito na halata ang galit. Tinitigan ko sya at nagsimula na namang manubig ang mata ko na parang nagsusumbong ang mata ko sa kanya

" Do you know that until now I am suffering" luha kong sambit na ikinaseryoso lalo ng muka nya, umiwas sya ng tingin at umayos ng tayo dahil kanina ay nakaluhod ang kanang tuhod nya sa kama dahil nakaupo ako

" Ayokong pag-usapan yan Mara " Iwas tinging sambit nya, napayuko nalang ako at muling pinunasan ang luha

Ngayon nare-realize kona na, kaya nyang ibigay ang lahat ng gusto ko maliban sa kalayaan

Kalayaan na lumayo sa kanya

" Prepare yourself " muli ko syang nilingon at naghuhubad ito, kinabahan pa ko dahil sa naisip, napaiwas ako ng tingin at iginilid ang ulo nang makitang pati pambaba nya ay hinuhubad nya, kahit na nakita ko na yun ay hindi ko maiwasang di mailang

" For what? " tanong ko para iwaksi ang nasa isipan

" Sa bahay ni dad tayo magdidinner ngayon, dad wants to see you " sagot nito, muli akong napatingin sa kanya at nakatapis na ito, hindi ko alam kung anong trip nya, bakit kailangan nya pang sa harap ko maghubad kung pwede naman sa banyo

Tumango nalang ako kahit nag-aalangan, wala rin naman akong magagawa

Nagtungo na sya sa bathroom, napahinga nalang ako ng malalim at nagtungo na sa walking closet, tapos narin naman akong maligo pag-uwi ko kaya magpapalit nalang ako, mukhang sa pagkakataong ito ay makikita ko na si Kenneth Santiago

Kinakabahan din ako sa pagkakataong ito, alam ko ang ibig nyang sabihin dun

Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko lang lahat ng ito

Mukang hinahayaan ko na talaga ang sarili kong magpatali sa kanya dahil narin sa pakiramdam na di ko maunawan

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon