Chapter - 6

376 4 0
                                    

"Ano maghaharutan lang kayo dyan, my gosh." reklamo ni ate kaya napaaayos kami, inis itong naglakad.

"Sungit talaga ng sisterek mo." bulong sakin ni Lexi kaya natawa ako ng mahina.

"Let's go" Aya ni kuya at naglakad na, sinundan naman namin iyun.

Habang papasok kami ay nakakapit si Lexi sa braso namin ni Jen, nasa gitna kasi sya at ang loka pinagpapantasyahan ang likod ni kuya na nasa unahan namin, tinatawan nalang namin sya ng mahina, sa gwapo ba naman ng kuya ko sinong di magpapantasya dyan.

Speaking of pantasya.

Ay daming nakatingin pagpasok namin, di pa masyadong maingay pero big party nga ito, sobrang ganda at ang lawak.

Agad kaming sinalubong ng mga matang nagtataka't nanghuhusga.

Itong babaeng to kasi, nagmumuka tuloy kaming haliparot na bodyguard ni kuya, pero buti nalang nasa likod kami at hindi sya kasabay.

Marami rami na ring tao, hapon pa lang naman and I think gabi ang start ng party, mga may hawak na wine palang ang mga bisita.

Napahinto kami ng huminto si kuya, nasa harap na pala namin ang mga kaibigan nya.

"Happy birthday." bati ni kuya at nakipag kamay sabay yakap kay kuya Dave at inabot ang regalo, nagpasalamat naman yun.

"Happy birthday Dave." bati naman ni ate kira at nakipag beso kay kuya Dave at yakap then abot din ng special gift nya kuno, pero di inalis ang pagkakakapit sa braso nun.

Napadako ang tingin nila samin, tahimik na ang dalawa, nahihiya ata, kahit ako eh.

"Happy birthday po." bati ko at inabot ang regalo, binigyan kasi ako ni kuya kanina ng pang regalo ko daw, tinanggap naman nya iyun at nagpasalamat at ngumiti.

"Happy birthday po" bati naman ng dalawa kong kaibigan at inabot din ang mga regalo nila, maaga ko kasi silang nasabihan kaya nakapaghanda rin ng pang regalo.

"Sana po magustuhan nyo kahit mumirahin lang yan." nahihiyang ani ni Jen. Nakita ko pa ang ngisi ni kuya Dave na nakatingin kay Jen.

"Thank you for all your gifts." Pasalamat nito at ngumiti naman kami.

"Dave, let's go na, I'm hungry na kasi, I don't eat lunch because I want to eat here" Saad ni ate na nakapulupot sa braso ni kuya Dave, shala talaga nito.

"Ok, let's go" Aya ni kuya Dave at naglakad na sila, sumunod naman sila kuya at mga kaibigan nya, tas sumunod naman kaming tatlo.

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon