Chapter - 106

157 1 0
                                    

Galit na galit kong sigaw, gigil at nagpupuyos Ako sa galit

Narinig ko ang pagtawa nya sa kabilang linya na nagpapausok ng galit ko

" G*go ka!! "

" Kentdrick huminahon ka, lalong hindi mo malalaman kung nasan si Mara kung hindi ka hihinahon " pilit na pagpapakalma ni dad sakin, pinilit kong kumalma at makipag-usap ng maayos

Kaya kong babaan ang pride ko para kay Mara, that sh*t

" Easy Kentdrick, nasa maayos na kalagayan si- ang Mara ko " lalo akong nainis sa huling sinabi nito na tumatawa pa. Agad hinawakan ni dad ang braso ko tanda ng pagpapakalma, huminga ako ng malalim at pinigilan ang sarili

" Tell me what do you need? Why are you doing this? hilingin mo na lahat wag lang ang asawa ko " pilit hinahon kong saad dahilan para humalakhak ang kausap ko sa kabilang linya, that b*stard

" Nakakaawa ka talaga Kentdrick, nagpapakadesperado ka pagdating kay Mara "

" B*llsh*t deretsyohin mo nalang ako, nasan si Mara?! " tinalikuran ko sila dad para mag-isa syang kausapin dahil alam kong yun ang gusto nya kahit hindi nya sabihin

" Kentdrick! Where are you going?!! " sigaw ni dad habang naglalakad ako papuntang garden

" I need to talk to him alone, ako ang aayos nito " nasabi ko na lamang at nagpatuloy

" So what now?! " Bulyaw ko sa kabilang linya ng makarating ako sa garden, muling tumawa ang g*go. Gustong gusto nya talagang inaasar ako

" She's fine, natutulog sya... Tskk tskk Kentdrick, she's here now in my side, napakaganda talaga niya diba, naakit ako at nagpipigil ngayon alam mo ba yun " muli akong nilamon ng galit sa mga naririnig ko, p*tang*na

" Wag na wag mong idadamay si Mara h*yop ka! Sabihin mo sakin kung nasan ka wag kang duwag!! Ako ang may atraso sayo diba! Ako ang pagbuntungan mo! " napapasabunot nako sa sariling buhok dahil sa pagpipigil

This man is really testing my patience

" I'll text you the address, just make sure you come alone If you still want to see her alive " binaba na nito ang tawag at ako ito sinisipa ang mga halaman sa pagwawala

----- Author's pov

Unti unting nagmulat ng mata si Mara na ramdam parin ang pagkahilo. Bumungad sa kanyang harapan si Terry

" Naging mahimbing ba ang tulog mo my queen " nakangising turan ni Terry. Agad syang nilukob ng takot at inis dahil sa mga ala alang bumalik

Muling nanggilid ang luha sa kanyang mga mata lalo na nang maalala ang baby nya, agad syang napatingin sa kanyang tyan at dun napagtantong nakaupo sya sa Isang upuan, agad nyang inilibot ang tingin at ganon na lang ang panlalaki ng mata nya ng makitang nasa parang Isang malawak na bodega sila

Nasa harap nya si Terry at may dalawa itong asungot sa likod na kasalukuyang umiinom habang nakangisi pa, tas may apat na lalaki sa gilid na pakiwari nya ay mga tauhan nito, mayroon ding dalawang lalaki na nakabantay sa malaking pintuan ng bodega

Muling napunta ang atensyon nya kay Terry ng pantayan sya nito kasabay ng paghawak nito sa kanyang muka na may bahid pa ng luha

" Gutom ka na ba? " malambing ang boses nitong sabi kay Mara habang hinahaplos ang kanyang pisngi. Tanging pagtitig lamang ang isinagot ni Mara, ayaw nyang makipag-usap dito dahil walang ibang nasa isip nya kundi ang kanyang baby at si

Kentdrick! Please help me, iligtas mo ako!

" Don't worry, your savior is coming. Malas nga lang nya... Dahil kamatayan ang pupuntahan nya " agad na nakaramdam ng takot si Mara sa narinig, pero sinusubukan nyang kumalma

May tiwala sya kay Kentdrick

" Stop this Terry! Stop this nonsense nagmamakaawa ako sayo, please! " umiiyak na pakiusap ni Mara at hinawakan nya pa ang kamay ni Terry na nakahawak sa pisngi nya

Walang kahit anong nakatali kay Mara kaya malaya syang nakakagalaw, pero dahil sa panghihina kaya parang hindi sya makagalaw

Nginisiang tawa lang sya ni Terry na sinabayan pa ng dalawang lalaki sa likod nya

Nawawalan na sya ng pag-asa para sa lahat ng ito

" Desperada kadin kagaya ni Kentdrick, ganyan ba talaga kayo kat*nga! " tumatawang sambit pa ni Terry

" Hey dude, don't pressure her, look, nai-stress na sya, sayang ang ganda " ngising turan pa ng isang lalaki sa likod nya

Umayos ng tayo si Terry at binitawan ang muka ni Mara

" Kahit anong gawing pakiusap mo Mara, that won't change my mind " tumalikod pa ito at inagaw ang basong hawak ng lalaking sa pakiwari nya ay mga kaibigan nito

Natatakot din sya sa tingin ng dalawang lalaki, lalo na yung Isang lalaking blonde ang buhok

Itinuon nalang nya ang atensyon kay Terry na nakatalikod sa kanya

" Forgive him Terry, please! nagsisisi na si Kentdrick sa nagawa nya, maniwala ka! " pilit paring pangungumbinsi ni Mara na ikinatigil ni Terry sa paggalaw. Mukang hindi nito nagustuhan ang sinabi nya

" Forgive daw dude, payag ka nun " nang-aasar na sabi ng lalaki na itim naman ang buhok

" Shut up Heath, baka mag-init na naman dugo sayo nyan " nang-aasar din na sabi ng blonde na buhok

Itinuon lang ni Mara ang atensyon kay Terry na ngayo'y nananahimik. Ang tahimik nitong presensya na lalong nakakadagdag ng kanyang kaba

" It's really easy to tell you everything Mara, isang malaking kalokohan ang pagpapatawad sa malaking kasalanan, Do you think it's that easy pagkatapos ng sakit na dinulot nya sa buhay ko! " muli itong humarap ng may talim sa mga titig habang ang mata ni Mara ay nanunubig

" Hindi ba dapat ay kamuhian mo si Kentdrick, dahil sa ginawa nyang pagsira sa buhay ni Tristan, sa buhay namin. Minahal mo si Tristan, do you really not care about him anymore? " Dagdag nito na lalong ikinakirot ng puso ni Mara

Sa totoo lang gulong gulo na sya, hindi nya alam kung saan ba sya dapat lumugar. Nakakaramdam sya nang inis kay Kentdrick dahil sa kag*guhang ginawa nito, pero nakakaramdam din sya ng guilty dahil alam nyang sya ang dahilan

Sya ang pulot dulot ng lahat, sya.
Pero di nya maiwasang mauna ang pag-aalala. Mahal na nya si Kentdrick, to the point na parang hindi na sya nagsisisi. Nauuna ang pagmamahal nya para dito at para sa magiging anak nila

" Minahal ko sya Terry, Kaya sobra akong nagu-guilty at nasasaktan pero- "

" Pero mas mahal mo na ngayon ang Kentdrick mo "

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon