Chapter - 7

377 6 0
                                    

Tatlo ang kaibigan ni kuya, si Alexander Dave calixto 26 years old na ngayong birthday nya, mayaman, cold din sya at may pagkababaero.

Ang isa si Jayden Harrison 24 years old, he's naughty unlike sa kanilang tatlo, cold kasi sila kasama na si kuya, pero si Jayden ang madaldal sa kanilang magkakaibigan, babaero din, parang lahat naman sila except sa isa, si

Chase Elijah Dela Vega 25 years old. Ang misterious sa kanila, wala akong masyadong alam sa kanya bukod sa pagiging cold at mayaman.

Lahat naman sila mayaman, gwapo at matangkad and sikat, habulin ng mga babae, shala Diba.

Nandito kami sa isang lamesang pabilog, nakaupo kami, malawak naman kaya may mga nakaupo din sa harap namin pero busy ang mga iyun sa pagk'kwentuhan at pag-inom, samantalang kami ay tahimik na kumakain.

Hiwalay ang upuan nila kuya, let's say na ayaw naming maki-upo sa kanila dahil ayaw naming maging attention ng mundo, baliw pa naman mga fans nila.

Gusto sana kaming patabihin nila kuya doon pero tumanggi kami, baka mamaya pag-uwi namin kalbo na kami, kay ate Kira palang eh.

Tapos yung mga haliparot nyang kaibigan na dikit na dikit sa kanila, tapos yung Kate na yun parang lintang nakadikit sa kuya ko, shala nito. Binabantayan pa rin naman ako ni kuya kahit busy sila dun, nahuhuli ko pa rin syang tumitingin sakin.

Speaking of tingin, napapansin ko rin si kuya Dave na panay tingin sa inosenteng si Jen habang kumakain iyun ng tahimik, kapag nahuhuli ko syang nakatingin ay iiwas yun ng tingin, kung type nya man si Jen, mala's nya dahil di ako papayag babaero sya eh, si ate kira nga di sineseryoso, si Jen pa kaya.

Bukod dun may ate kira na sya, ayokong pagbuntungan ni ate si Jen, mabagsik pa naman yun, ayoko ring madamay ito dahil tahimik pa naman ang buhay nito, study first at ayaw sa mga lalaki, my trust issue baga.

"Ladies and gentleman, are you all enjoying!!" Sigaw ng MC, nagsihiyawan naman sila.

"Oh I see, so let's welcome, the most handsome birthday boy tonight, Alexander Dave calixto." dagdag pa nitong halos magpa-ingay ng husto. Nagpalakpakan kami kasabay ng pagtayo ni kuya Dave at naglakad patungo sa stage.

Nagpasalamat ito sa lahat ng pumunta at etsye etsye, kasunod nun ang pagbati ng parents, syempre nag greet din sila kuya at mga kaibigan nila na tumuntong ding stage tapos sasabihin kung anong gustong sabihin sa may birthday.

Nagpalakpakan naman kaming lahat.

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon