Chapter - 56

236 5 0
                                    

" Faye medina Hernandez ang pangalan ng iyong tunay na Ina " panimula nya, napatitig ako sa kanya at napatango tango sya na tila nahulaan ang ibig sabihin ng tingin ko

Sa tingin ko narinig ko na ang pangalang yan

" Alam ko kung anong nasa isip mo, yes Mara, narinig mo na ang pangalang yun, nung time na sinisigawan ka ng mommy mo "

Naalala ko na, sinabi sakin ni mommy nun na para daw akong si Faye sa kalandian ko, hindi ko alam ang ibig nyang sabihin dahil bata lang naman ako nun

At bakit nya sinasabi na parehas sa kalandian, lalo tuloy akong naguguluhan

" Kung ganon, nasaan na sya? bakit sa puder ako ni mommy napunta? "

Kahit na alam ko kung anong maaari nyang isagot ay nagtanong parin ako

" Wala na sya Mara, namatay sya pagkatapos ka nyang ipanganak "

Biglang kumirot ang puso ko, alam ko namang yun yung posibleng sabihin nya. Ganito pala kasakit, hiniling kong sana ay may ibang pamilya nalang sya, but

" Kahit kailan malas talaga ako, bakit naman po nasa puder agad ako nila mommy? " tanong kong muli

" 3 years old ka lang nun nung nag-asawa muli ang daddy mo, dahil pakiramdam nya hindi ka nya kayang palakihin mag-isa, nagkataon ding hiwalay na ang mommy Katherine nyo kay sir Kenneth o ang tunay na ama nila sir Kent. Nagpakasal sila pero naging sikreto yun nung una. Simula nun bumuo na sila ng pamilya kasama ka, kasama sila sir Kent at ma'am kira "

Mahabang paliwanag nya, pakiramdam ko parang gustong kumawala ng mga luha ko, pero wala itong naibabagsak, dahil ba naging handa nako sa kung anong matutuklasan ko

" Pero pagkatapos ng dalawang taon, namatay ang daddy Sean mo dahil sa car accident at simula nun, si ma'am Katherine na ang nag-alaga at nagpalaki sayo "

Nag-alaga nga ba sakin. I never felt her presence as a mother to me, tinrato nya kong parang katulong

Should I look at that as a great debt of gratitude?

" Did she love me as her daughter? I never felt her love " may lungkot sa tinig ko, sa buong buhay ko, sya ang tinuring kong Ina

" Hindi ako ang makapagsasabi nyan Mara, pero ang importante ay pinalaki ka nya at hindi pinabayaan "  gusto kong matawa sa sinabi ni Manang

Hindi pinabayaan, o napapakinabangan

" Bakit nila tinago sakin na hindi nila ako anak at kapatid, may reason ba yun Manang? kung hindi nyo pa sinabi sakin, hanggang ngayon mas malala ang pagdudusa ko sa kamay ni kuya, he's a totally crazy obsess " saad ko habang nilalaro sa daliri ang mga bula

Ayokong maging emotional dahil nakakapagod ng umiyak

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon