Chapter - 57

234 4 0
                                    

" Hindi ko na alam ang sagot dyan iha, ngunit may naalala akong sinabi mo noon, sa tingin ko makakatulong sya sa iyo " napaisip ako sa sinabi ni Manang

" Ano ho iyun? " Tanong ko dahil hindi ko talaga maisip ang ibig nyang sabihin

" Yung lalaking sinabi mo sakin na kinausap ka pero sandali lamang "

Naalala ko na

Sinabi sakin nang lalaking yun na tawagan ko daw sya kapag legal age na ko, kakailanganin ko daw sya

" Manang, yung binigay sakin na number nung lalaki, nasa pinakailalim po sya ng cabinet ko, nasa isang folder, sabi kasi nya wag kong ipaalam kahit kanino lalo na sa pamilya ko "

Tama, hindi ko pinansin ang ibig sabihin ng lalaking yun dahil hindi ko naman sya kilala, pero ngayon mukang naiintindihan ko na

Pero bakit? at sino sya?

" Susubukan ko, pero hindi ako nangangako" ngumiti lang ako, may tiwala ako na magagawa nya

Sa tingin ko may makukuha rin akong impormasyon sa lalaking yun

Kung sino man sya

---

" Mara, iha, itong cellphone mo kanina pa natunog " Saad ni Manang at kinuha ang cellphone sa bag ko, kasalukuyan akong nagbibihis dahil papasok parin ako kahit late na

Kinuha ko agad iyun ng iabot ni Manang

Si Alexi, ang dami na nyang missed calls at text

[ Mara, si Jen ]

[ Hindi ko sya Makita ]

[ nandito rin ang cellphone nya ]

[ Nag-aalala ako ]

[ Magkita tayo sa school, hihintayin kita ]

Muntik nang mahulog ang cellphone na hawak ko nang mabasa ang mga text ni lexi

B*llsh*t, eto na naman tayo

-----

Naabutan ko si Lexi sa cafeteria, agad nya kong hinila papunta sa garden at pumunta kung saan ako palaging tumatambay

" Ano bang nangyari? " alala kong tanong, sobra ding nag-aalala ang itsura nya, mukang kanina pa sya nai-stress

" Hindi ko rin alam, susunduin ko sana si Jen para sabay kaming pumasok, kaso wala akong naabutang Jen sa apartment nya, at, at magulo din dun, nakita ko rin itong cellphone at bag nya " parang naiiyak na paliwanag nya

Napahawak ako sa noo ko at bahagyang hinilot yun

Mukang alam ko na

Bw*sit talaga!

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon