Chapter - 10

440 6 0
                                    

Kahit sobrang sakit ng katawan ko lalo na ng gitna ko ay pinilit kong gumapang pababa ng kama para kunin ang punit punit kong damit.

Wala si kuya dahil umalis ito pagkatapos ng pangbababoy sakin.

Akala ko pagkatapos nun ay matatapos na rin ang kalbaryo ko pero nagkamali ako, dahil nagpahinga lang pala sya, tatlong beses nya kong ginalaw kaya sinusumpa ko sya.

Nahulog ako sa kama dahil sa hirap, pero ayoko nang mag-inarte dahil gusto ko lang makaalis dito at takasan ang demonyong yun.

Nang makuha ko na ang mga damit ko ay nagulat ako at napaatras ng husto habang binalot ko ng kumot ang buong katawan ko na kahit kamay ay tinakpan ko

Napasandal ako sa table na nasa tabi ng kama ng bumukas ang pinto.

Alam ko kung sino iyun kaya hindi na ko tumingin at nagtago nalang sa kumot. Naramdaman ko na ang presensya nito sa harap ko at pinantayan nya ko, may nilagay sya sa tapat ko na pakiwari ko ay isang paper bag.

Presensya pa lang nya nagpasimula na namang magpatumulo sa mga luha ko.

"May dala akong damit, wear it, so we can go home"

Kung makapagsalita sya parang wala syang ginawa.

Hindi na ako nakatiis at galit ko syang tinignan pero ang reaksiyon nya parang wala lang.

Gusto ko syang sigawan at ilabas lahat ng galit, tanungin kung bakit nya nagawa sakin yun, pero ayaw bumuka ng bibig ko.

Akmang hahawakan niya ang mukha ko ay iniwas ko kaagad yun.

"Magbihis ka na, dapat pag balik ko nakabihis ka na kung ayaw mong ako ang magbihis sayo" tumayo ito at tumalikod, naglakad na ito papuntang pinto at sinundan ko sya ng masamang tingin hanggang sa makalabas sya.

Unti unti na naman akong napapahikbi. Ang sakit, sobrang sakit, bakit? Bakit nya nagawa sakin yun? Bakit kung makatingin sya parang hindi sya nakokonsensya?

Tinignan ko ang dinala nyang paper bag ng nanlalabo ang mata dahil sa luhang lumulukob dito. Ayoko mang tanggapin pero wala akong magagawa, ayokong lumabas ng ganito.

Kinuha ko iyun at pinilit tumayo pero bumagsak lang ako dahil sa sakit, paano ko magagawang makaalis kung ganito to kasakit.

Wala akong nagawa kundi ang magbihis ng nakaupo. Maayos naman ang damit na dinala nya, isang oversized na damit na kulay black at pants, may mga panloob din.

Nang matapos akong magbihis ilang minuto ang lumipas, muli akong naalarma ng bumukas ang pinto at binungad si kuya.

Kung dati ay masaya ako sa tuwing nakikita sya dahil pakiramdam ko safe ako sa kanya, pero isa pa lang malaking kalokohan.
Ngayon makita ko palang sya ay nanginginig na ako sa takot.

Unti unti itong lumapit kaya napasiksik na naman ako.

"Tumayo ka." malamig nitong turan, hindi ko sya pinansin, at dahil hindi ko masusunod ang gusto nya, hindi ako makatayo dahil nga sa sakit.

Inulit nya ang sinabi pero hindi pa rin ako sumunod kaya natakot at naiyak na naman ako ng lumapit sya at hinawakan ng sobrang higpit ang braso ko at biglang itinayo kaya napasigaw ako sa sakit.

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon