Chapter - 30

302 8 0
                                    

Break time na. Naglalakad lang ako at ramdam ko pa rin ang mga tingin at bulungan nila, ang ayoko sa lahat yung ganito, atensyon ng mundo, pero wala na akong magagawa.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyung kinuha sa bulsa ko at nakitang si Lexi ang tumatawag. Pumunta ako sa hindi mataong lugar at agad sinagot ang tawag nya.

"Lexi!" alala kong bungad

"Mara!" Teka, bakit ganon ang boses nya?

"Alexi, anong nangyari?" alala kong tanong, para kasi syang naiiyak, o piniligilan.

"Sorry nga pala kung ngayon ko lang nasagot, marami ka na palang missed calls, tatawagan sana kita kanina kaso alam kong nasa klase ka pa."

"Bakit wala kayo ni Jen? Ano bang nangyari? Bakit kung kailan kailangan ko kayo?"

Pinipigilan kong umiyak dahil ayoko silang pag-alalahanin, pero kailangan ko sila.

"K'kasi Mara, andito ako sa apartment ni Jen, p'pwede bang puntahan mo kami, k'kasi si J'jen" Hindi ko alam pero tumulo na agad ang luha ko kahit hindi ko pa alam, sa boses palang kasi nya at sa pananalita, masama na ang kutob ko.

"A'Anong nangyari?" narinig ko na ang paghikbi niya kaya parang gusto ko nang bumagsak.

"P'pumunta ka nalang please!" pagkatapos sabihin yun ay binaba na nya.

Agad akong tumakbo, wala na akong pakialam kung magalit si kuya, ang importante sakin ngayon ay mapuntahan sila at malaman kung anong nangyari.

Hinarang ako ng dalawang guard sa gate at sinabing hindi ako pwedeng lumabas ng walang permiso ni kuya, bw*set! bw*set ka talaga Kentdrick.

Umatras ako saglit at nagkukunwaring babalik kaya bumalik na sila sa pwesto nila nang tumakbo ako at nakalabas,
hinabol agad nila ako pero buti nalang ay nakasakay na ako ng taxi.

Nang makarating ay agad kong tinungo ang kwarto ni Jen at hindi na kumatok, agad kong binuksan yun at bumungad sa akin.

"Mara!" Ang umiiyak na si Lexi pero ang mata ko ay na kay Jen.

Nakaupo at nakasandal sya sa kama ng yakap ang mga binti habang tulala.

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon