Chapter - 111

173 2 0
                                    

• 3 months have passed •

I slowly opened my eyes nang maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko

It was Kentdrick smiling at me

" Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko? " Saad ko at lalong lumawak ang ngiti sa labi niya, bigla niya akong hinalikan sa labi ko at ready ako doon. Palagi niya yung ginagawa

Tuwing gigising ako ay mukha niya ang bubungad para daw araw-araw akong ma-inlove, shala 'di ba

" Hinding hindi ako magsasawa sa napakagandang muka ng the most beautiful woman in my life " malambing nitong Sabi kaya tinawanan ko sya... Susss, laos na yan

Inalalayan ako nitong umupo

" Breakfast is ready wife, kain na tayo, ayokong magutom kayo ng mga baby natin "  hinawakan nito ang tiyan ko at hina-plos, muli ko siyang tinawanan dahil ba naman parang hindi malaking tao ang kaharap mo dahil parang bata kung magsalita. Sa akin nya lang pinapakita ang ganyang side niya, of course i'm special

" Gutom na ba ang mga baby ko hmm? " pagkausap pa nito sa tyan ko. Napangiti nalang ako ng malawak

Medyo malaki na rin ang tiyan ko dahil tatlong buwan na ito at mag-aapat na kaya kung ituring tuloy ako ni Kentdrick ay parang lumpo

Oh i forgot to say, mga baby, Yes, dahil kambal ang nasa tiyan ko and it's a boy and girl na lalong ikinasaya ni Kentdrick, syempre ako din

Natatawa na nga lang ako na naiinis minsan dahil kung ituring niya ako ay parang lumpo. Ba naman ni paglakad kailangan pa akong alalayan, gusto daw niyang siguraduhin na kahit segundo ay bantay niya ako

OA 'di ba? pero katulad ng sinabi ko, masaya ako na naiinis, naiintindihan ko siya dahil walang humpay ang sayang nadarama niya sobra niya akong alaga na ultimo pagligo ko gusto niya siya gumawa, abay ano siya sineswerte, syempre hindi tayo papayag, baka mawasak na naman to, kailangan ko pa naman itong pahingahin kahit 10 buwan... Keme

" Wait, hows your day nga pala kahapon? " Tanong ko. Muli siyang umayos ng upo pero hawak parin ang tyan ko

" Ayus lang naman " maikling sagot nito pero base sa boses nya ay halatang mayroon itong hindi sinasabi o masabi

I know him very well

Sa halos ilang buwan naming pagsasama as lover. I know

" Wala kang maitatago sakin Kentdrick, you know that " seryoso kong turan, ngumuso muna siya at napayuko kasabay ng paghinga ng malalim. Hinawakan ko ang kamay niya to say it's okay

" Inaasikaso ko ang kaso ni ma'am para mas mapababa ang sistensya niya, I'm sorry wife " matamlay na sabi nito at alam kong dahil yun sa pag-aalangan. Palagi nitong iniisip ang kalagayan sa pagitan namin at alam kong hirap na hirap na siyang pumagitna

Umiling ako

" Hindi mo kailangang mag-sorry walang ni katiting na pagtutol, I also want her to be free, ayoko na rin siyang maghirap " paliwanag ko na nagpangiti sa kanya

Totoong gusto ko siyang makalaya, itinuturing ko pa rin siyang ina kahit na hindi ko pa narinig ang sorry niya sa mga buwang nagdaan, pero

Napatawad ko na siya

Mahal na mahal ko siya sa kabila ng nagawa niya.

" Thank you wife, thank you " sobrang sayang ani nito at hinalikan ako ng madiin sa noo. Ngumiti lang din ako ng malawak

" Mommy wants to see you, nasasabik na rin siyang makita ang pagsilang mo sa mga apo niya. Pwede ba tayong dumalaw sa kanya mamayang tanghali and also bring her food and para makapag-usap na rin kayo after almost 3 months, is it okay wife? " bahagya naman akong nagulat sa tinuran nito

Mom wants to see me? totoo ba iyon? alam kong kinamumuhian niya ako pero gusto niya akong makita at ang pinagbubuntis ko. Parang biglang kumalabog ang dibdib ko sa saya ng marinig iyon, kahit na naging malaki ang kasalanan namin sa isa't isa ay nangungulila pa rin ako sa pagmamahal niya at hinihiling kung sana ay ganun din siya sa akin

Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na maranasan ang pagmamahal ng isang ina

Sana mangyari na iyon

" Of course Kentdrick sino ba naman ako para ipagkait sa kanya ang mga apo nya " sagot ko na nakangiti na lalo niyang ikinasaya

Katulad ko ay nangungulila na rin siya sa pagmamahal at makasama ang kanyang ina

" Alam mo bang sobra siyang nasasabik na makita ang pagsilang ng mga apo niya sa akin "  masayang ani nito at bahagya akong natawa sa napagtanto ko

" Magiging apo niya sa mga anak niya..... kuya "  natatawa kong ani na ikinatawarin niya, nagtawanan lang kami dahil sa lahat ng napagtatanto na halos noon lang ay lason sa amin

Natatawa na lang din siya kapag sinasabihan ko siyang kuya na dati lang ay kiniinisan niya. Sabi niya ang sexy na daw pakinggan nun kapag tinatawag ko ulit siyang kuya

Sobra lang ang sayang nadarama ko kasama ang baliw kong kuya pero sobrang mapagmahal

Sa tatlong buwang nagdaan o sa haba ng panahon, maayos at masaya ang buhay ko, masasabi kong sa kabila ng lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko, namin, ay nagawa naming malagpasan, especially me

Sinubok ako ng mga paghihirap na ito at habang dinadaanan ko ito kasabay ng pagsolusyon ang unti-unti kong napagtatanto ang halaga nito, natutunan kong maging matatag and now

I finally found myself

Who am I really?

I finally found my true worth

Sa lahat ng pagsubok na ito ay nag-iwan ng aral sa buhay ko, masaya na rin ako dahil naging maayos na rin ang mundo ko or let's say na mundo namin ni Kentdrick

He is now my world

Pero syempre hindi lang dahil sa sarili kong istorya ako nagiging masaya, sa kwento rin ng mga kaibigan ko

Malaki na rin ang tiyan ni Jen at halos kabuwanan ko lang din ito, minsan nga ay sabay kaming nagpapa-check up sa hospital na ngayon ay pagmamay-ari na ni Dave or let's say nila, sa ospital din na ito naka-confine si tita, ang mama ni Jen and I'm happy too dahil kasalukuyan na lang itong nagpapagaling pagkatapos ng operation nito

Pero syempre kapag pumupunta kaming hospital ay kasama ang mga bodyguard na asawa namin, hindi pumapayag ang mga iyon na kami lang ang pupunta at talagang nakalalay sila, maiinis ka na lang talaga na matatawa dahil sa sobrang pagiging maalaga nila.

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon