Chapter - 27

289 5 0
                                    

Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ay tumayo ako. Naligo ulit ako upang linisin ang sarili kahit na alam kong wala na kong malilinis dahil hindi na mawawala ang dumi ko, kahit mamatay pa ko.

Suot ko ang uniform habang nakatingin sa salamin. Ibang iba na ang tingin ko sa sarili ko kumpara dati. Wala na ang kadesentehan ko.

Sa mga isiping yun tuluyan na namang tumulo ang mga luha ko.

Agad kong pinunasan ang luha ko ng may kumatok at narinig ko ang boses ni Manang na tinatawag ako. Inayos ko muna ang sarili bago sya pagbuksan.

"Goodmorning ma'am Mara, hinahanap na po kayo ni sir" salubong nito, nakita ko ang pag-aalala sa mukha nya kaya ngumiti ako ng pilit.

"Goodmorning din po, bababa na po ako" saad ko, nagulat ako ng makitang nanunubig ang mata niya at bigla akong niyakap dahilan para maluha na naman ako.

"Kung kailangan mo ng kausap at makakasama, nandito lang ako." naiiyak nyang sambit kaya diko na napigilang umiyak, at niyakap na rin sya.

Nakaramdam ako ng gaan ng loob sa yakap nya na kahit kailan ay hindi ko naranasan sa sarili kong ina.

Bumitaw ito at pinunasan ang luha at pinunasan din ang luha sa mukha ko.

"Naniniwala po kayo sakin?" Tumango sya kaya tumulo na naman ang mga luha ko.

"Tahan na, naniniwala ako sayo, lalo na't nasaksihan ko ang pagtingin sayo ng kuya mo, kaya alam ko" saad nitong patuloy sa pagpunas ng luha ko.

"Manang, diba matagal na po kayong nagtatrabaho kay mommy, may gusto lang po sana akong malaman, at ang gusto ko yung totoo lang." saad ko at bigla syang nanahimik, kaya alam kong may alam sya.

"Manang please, gusto kong malaman ang totoo dahil para na kong mababaliw. Totoong kapatid ko po ba si kuya?"  umiiyak kong tanong, isa lang ang gusto kong marinig na sagot.

Hindi!

Dahil mas manlulumo ako kapag totoong kadugo ko sya.

"Manang!" ilang segundo syang tahimik na nakayuko, ng unti unti syang umiling kaya bumagsak ang mga balikat ko.

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon