Chapter - 78

197 6 0
                                    

" May pag-asa ba ko? " muling paghikbi nyang tanong, inangat kong muli ang ulo upang tignan sya pero lalo lang akong nasasaktan

" H'hin- h'hindi k'ko- " Hindi ko magawang masabi ang totoong nararamdaman ko, narinig ko nalang ang malutong na pagmura nito

" Do you like him? Just like how you liked Tristan? " mahina nyang tanong na ikinagulat ko. Tnitigan ko lang sya nang mata sa mata habang parehas nanunubig ang mga mata namin, umiwas sya ng tingin at bahagyang nakayuko habang pinipigilang humikbi

Gustong gusto kong sabihing hindi, pero ayaw bumuka ng bibig ko na para bang may pumipigil sa akin dahil sa paninikip ng dibdib ko sa doble dobleng sakit

" Do you really want freedom?- " tumingin itong muli sa akin at parang humihina ang tibok ng puso ko sa mga tingin at sinabi nya

What does that mean?

" Kung ganon ibibigay ko na sayo, do whatever you want at hanapin mo kung anong makapagpapasaya sayo, pagod nakong umasa, kaya pinapalaya na kita " nanlaki ang mga mata ko at lalong sumikip ang dibdib ko sa mga sinabi nya. Nakaramdam ako ng kirot lalo na nang tinalikuran nya ko at unti unting naglakad palabas ng pinto

Gusto ko syang pigilan pero hindi ako makagalaw at parang naistatwa, natulala nalang ako nang masara nya ang pinto at mawala sa paningin ko

Bakit ang sakit?

Napayuko ako at muling humikbi ng iyak.
Bakit ang hirap nyang intindihin?
Bakit ba palagi nalang syang pinangungunhan ng galit at pagseselos? Bakit ba ang hirap nyang unawain? at
Bakit ba ko nakakaramdam nang ganitong sakit. Hindi ba dapat masaya nako dahil ito na yun, nung una palang naman ito na ang plano ko

Ang saktan sya para mapilitan syang pakawalan ako

Pero bakit?

Ito na ba yun, dumating na ba yung kinakatakutan ko, nang dahil sa nararamdaman kong to dumodoble ang sakit

Hindi ganito ang naramdaman ko kay Tristan at mas lalong hindi kay Terry

Kaya hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam na to, pakiramdam ko mababaliw na ko sa sobrang gulo nang buhay ko

-----

Gabi na at umalma narin ako, pagkatapos kong magbihis ay muli akong umupo sa kama at sumandal sa headboard, tulala at malalim ang iniisip

Hindi pwedeng palagi nalang akong nag-aantay nang mangyayari at matutuklasan, ngayon pakiramdam ko sobrang hina ko't walang kwenta na walang magawa

Gusto ko syang yaka-

Nabalik ako sa wisyo at bahagyang nagulat ng tumunog ang phone ko, kinuha ko iyun sa tabi nang bed lamp na tanging nagsisilbing ilaw

Unknown number pero alam kong number iyun ni Terry, agad ko yung sinagot para malaman ang lagay nya

" Terry, ok ka lang ba? " alala kong bungad pero walang sumagot, hanggang sa narinig ko nalang ang pagbuga nito ng hangin

[" I'm here now at my condo, galing akong hospital kanina para magamot dahil sa kagagawan nang magaling mong boyfriend "] napayuko ako at naguguilty sa nangyari, lalo lang akong masusuklam sa sarili ko kung matulad sya kay Tristan. Hindi ko na talaga mapapatawad ang sarili ko

" Patawad Terry, sorry talaga " paghingi ko nang tawad at para na naman akong naiiyak pero pinigilan ko

[" Hindi dapat Ikaw ang humihingi ng tawad Mara, dapat yang demonyo mong boyfriend, pero ikaw? Ayus ka lang ba? Sinaktan ka rin ba nya, sabihin mo lang talagang makikipagpatayan ako sa lalaking yan "]

" I'm fine Terry, wala kang dapat ipag-alala, isa lang ang hinihiling ko sayo, please ayoko na madamay ka kaya mas magandang layuan mo nalang ako "

[" Sa tingin mo ganun kadali yun, sinabi ko na sayong handa akong makipagpatayan sa kanya. Hindi ako natatakot! "]

" Ayoko na nang gulo, pabayaan mo nalang kami "

[" Mara, hind- "] agad ko nang ibinaba ang tawag. Hindi ko maintindihan kung bakit desperado sya

Hindi ako naniniwalang totoong gusto nya ko dahil hindi ko yun maramdaman, at mas lalong hindi ko makita sa mga mata nya. Hindi katulad sa mga mata ni Kentdrick na punong puno nang pagmamahal at pagpapahalaga

Ibang iba!

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon