Chapter - 101

166 1 0
                                    

Nagsimula ang party sa pagbati at pagbibigay ng regalo, marami akong natanggap na regalo at  ang daming dumalo, yung iba hindi ko kilala or siguro mga ka sosyo ni Kent sa kumpanya

Marami akong nakilala na kamag-anak na kapamilya ni daddy Sean at mommy Faye. Nakilala ko si auntie feya na kapatid pala ni mommy Faye, nakilala ko rin dalawang anak nito na mga pinsan ko at mas lalo akong naging masaya ng makilala ko ang grandmother ko kay mommy at ang grandparents ko mula naman kay daddy Sean. Walang humpay ang sayang nadarama ko ngayon

Nakaupo ako sa harap habang nasa tabi ko si Kentdrick. Ito ang pinakahihintay ko, ang 18 roses

Lumapit na sakin ang kauna unahang magsasayaw sa akin. Si uncle Seb, tinignan ko muna si Kent at nakangiti lang ito habang hinahaplos ang kamay ko, nakangiti kong inabot ang kamay ni uncle na nakalahad sa harap ko at sumayaw kami sa harap. Habang kasayaw ko sya ay sobra akong nagpapasalamat para sa lahat ng ginawa nya para sakin, sobrang nagagalak akong dumating sya sa buhay ko, niyakap ko muna si uncle Seb bago ito humiwalay

Sunod na nagsayaw sa akin ay si uncle dad Kenneth " I want a grandchild " natawa ako sa agad nyang bungad habang nagsasayaw kami, tumango ako at ngumiti pero hindi ako sumagot

Yes uncle dad

Sunod na nagsayaw sa akin ay ang aking grandpa, makulit din ito at palabiro din kaya sobrang saya ko

Sunod sunod ang nagsayaw sa akin, ang iba ay mga ka sosyo ni Kent at mga pinagkakatiwalan, at kahit si Yosef, umamin ito sakin na sinabi pala nya ang naging unang pagtatagpo namin ni uncle pati lahat ng pinag-usapan namin kaya pala alam ni Kent, natawa nalang ako ng mag-sorry sya ng mag-sorry at sinabi kong ayos lang, hindi naman yun naging kapahamakan bagkus nakatulong kaya nagpapasalamat parin ako sa kanya

Pang 15 roses na at si kuya Jayden ito. Nakangiti kong inabot ang nakalahad nyang kamay at pinatong ang kamay ko sa balikat nya

" I am happy to dance with the beautiful Flammara " ngiting turan nito kaya napayuko akong natawa

" Kayo rin po, You are also very handsome kuya Jayden " balik kong saad

" I know " kibit balikat nyang saad kaya mas lalo akong napangiti. Confident lang ang peg

Pero wala namang makakatanggi dun, kuya Jayden is pretty handsome kaya hindi na nakakapagtaka kung habulin ito ng mga chicks at maraming napapaiyak, pero sinong mag-aakala na si ate Kira lang pala ang katapat nya

Sunod na nagsayaw sakin ay si Chase

" Wag na wag mong paglaruan si Alexi, yan lang ang hihilingin ko sayo " seryoso kong turan kahit na alam ko naman ang sagot. Nakikita ko naman sa mata nya

" I really love her, so don't worry about Lexi, i will take care' of her " ngiting sagot nito kaya napangiti nalang ako ng malawak

Tinitigan ko ng malalim ang pang 17 na nagsayaw sa akin, nginisiang tawa nya lang ako

" Even if you're still mad at me, and you always have that look on your face, you're still beautiful Mara "

" Hindi pa din kita lubos na napapatawad pagkatapos ng mga ginawa mo kay Jen " seryoso kong turan ng may pagbabanta sa tinig kaya natawa sya ng mahina

" I know I'm crazy, but I really love her, I will never leave her, so trust me Mara, I love my Jenny, she's my life' " seryoso nyang paliwanag at hinigpitan ang hawak sa kamay ko na tila nangungumbinsi, i just nodded ang smiled as answer

I know, gusto ko lang talagang manggaling sa mismong bibig nya. Katulad ng mga mata nya ang mata ni Kentdrick kaya naniniwala ako, hindi ko ganoon kakilala si Dave pero sa tingin ko magkaugali sila ni Kent. Wala rin akong balak na pakialaman ang nararamdaman ni Jen

Pero sana, mahalin na rin nya ng totoo si Dave, sa tingin ko ay deserve nya rin yun kagaya ng pagbibigay ko ng pagkakataon kay Kentdrick

I want them to be a happy family

Binitawan na nya ang kamay ko pero bago pa man ay niyakap nya muna ako bago tuluyang naglakad palapit kay Jen, nginitian ko sila

" And now... The most awaited by all--- the 18 roses-- Kentdrick!! "

Agad namayani ang hiyawan lalo na ng unti unti itong lumapit sa'kin bitbit ang pang 18 roses na mas marami at iba

" To my beautiful wife " abot nito ng roses ng naka prince posture pa kaya natawa ako't nagalak. Tinanggap ko yun kasunod ang palakpakan, inabot ko ang nakalahad nyang kamay na parang nag s'slow motion ang mundo ko

Ang mga titig at mga hawak nya na lalong nagbibigay kasiyahan sa akin, sobrang saya ng puso ko

Inalis ko ang kanang kamay sa pagkakahawak sa kamay nya at inilagay din sa balikat nya, mas lumapit kami sa isa't isa hanggang sa idikit nya ang noo at ilong sakin na lalong nagpa-ingay sa lahat

" I love you Flammara Shane Hernandez " bulong nito at bahagya akong natawa. Buong pangalan ko pa talaga, pero tumagos yun sa puso ko

It's my turn

" Kentdrick Cint Santiago- " lalong lumawak ang ngiti nya at bahagya ring natawa

Handa na ako

" I have a special gift for you " bulong kong muli na ikina kunot ng noo nya pero nakangiti parin

" Shouldn't I be the one with special gift for you because it's your birthday "

" Matagal mo na yong nabigay sakin. Kentd- no... Kuya " natigil sya at inilayo ng kaunti ang muka sa akin, sandali itong natulala sa pag mention ko ng salitang kuya

Gusto kong matawa pero parang mas gusto kong maiyak, lalo kong niyakap ang mga braso sa kanyang leeg at muling pinagdikit ang noo't ilong namin. Pumikit ako at dinamdam ang init ng kanyang yakap

" Mara- "

"I ... Love ... You ... My ... Kuya Kentdrick" dahan dahan kong saad at naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Muli akong dumilat ng maramdaman ang pagpunas nya sa luha ko gamit ang dalawa nyang kamay

Tinignan ko ang reaksyon nya sa sinabi ko at naluluha narin ang mga mata nya, lalo akong naluha ng napayuko sya at sinimulang humikbi kahit na pinipigilan nya na nagpatigil sa ingay sa buong paligid

Tinakpan ng dalawang daliri nya ang dalawang mata nya para pigilang ang luha

Hindi ko ini-expect ang reaksyon nya

Agad ako nitong sinunggaban ng yakap at sa balikat ko na humikbi. Niyakap ko din sya ng sobrang higpit at sinubukang pigilan ang luha

" Thank you! Thank you Flammara! Finally! You don't know how happy I am to hear that! " Hikbi nyang saad na lalong sumiksik

" I know! You deserve that word Kentdrick, you deserve this! " muli nyang inangat ang ulo at tumingin sa mata ko, pinunasan ko ang mga luha nyang patuloy parin sa pag-agos

" I Love you Mara, I Love you my wife, I love you " paulit ulit nitong saad tsaka ako mariin na hinalikan sa labi dahilan para marinig kong muli ang hiyawan nila

Niyakap ko sya ng mahigpit at tinugunan ang matatamis nyang halik

Yun pa lang ang nasasabi ko pero pakiramdam ko nabuo ko na ang araw nya. Sobra ko na syang napasaya at napaiyak

Paano pa kaya kung sabihin ko na ang alam kong word na gustong gusto nya ring marinig

You heard that my-

You will be-

𝙈𝙮 𝘽𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧'𝙨 𝘿𝙖𝙧𝙠 𝙊𝙗𝙨𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣 (𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 1)  (COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon