Nagising ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa aking puson. And I can feel already the dampness between my thighs.
Eto na naman.
Kadalasan ay ganitong oras talaga nangyayari, kapag natutulog ako.
I open my eyes at nakita ko sa wall clock ang exact time.
2:46 AM
Dahan-dahan akong bumangon. It is still dark but I didn' turn on the lights. May tamang liwanag naman galing sa poste sa labas kaya okay lang at naaaninag ko naman ang loob ng unit na inuupahan ko.
Nahinto ako sa paanang bahagi ng aking higaan at napahawak sa pinakamalapit na wooden cabinet shelf.
It feels like there is something na hinihila sa loob ng puson ko. It's so painful. Ganito na lang palagi.
Pinagsikapan kong makapunta sa kitchen at sa ibabaw ng ref doon ko kinuha ang pain reliever.
My hands are shaking while kumukuha ako ng tubig sa despenser. Halos mabitawan ko ang baso nang umiinom na ako ng gamot.
Bumalik ako malapit sa higaan at lumapit sa double door cabinet. I get my pain relief rub. I put a lot on my abdominal area, and even to my back kasi masakit na din doon.
This my monthly routine and I hate it. Na para bang may buwan-buwan akong parusa and it is so frustrating because I didn't sign up for this. Hindi ako na-orient na may paganito pala ang life para sa akin.
Kumuha ako ng bagong shorts at underwear. Dahan-dahan na naman akong lumakad patungo sa comfort room na katabi ng kitchen.
Nagbihis ako sa loob na sobrang bagal ang kilos, put a sanitary napkin on my underwear and wear it.
Tiniis ko ang ilang sandali na paglalakad hanggang sa nakahiga ulit ako sa kama. I moved my body to a fetal position.
I've read something na when we are hurt and scared, we tend to do this kind of position because it gives us safety and security. It's because when we are still inside our mother's womb, nakafetal position na tayo simula pa lang, we are safe and secured inside the uterus with amniotic fluid surrounding us. So, when we grow up we do it automatically, like our body knows it because we are so used to it.
Kahit papaano ay naiibsan ang sakit dahil sa cooling effect ng rub.
I don't know what is happening to my mind pero pumasok ang eksena two years ago kung saan nagkausap kami ng kaibigan kong si Kaye.
"Wala ka bang plans na mag-asawa?" tanong ko sa kanya. It was a sunny afternoon and we were both washing our clothes sa likod ng kanya-kanya naming unit.
"As of now, wala," she answered lazily like wala talagang interes. "I-ni-enjoy ko muna ang pagiging single ko and..." She stopped a bit and bite her lower lip. "Patikim-tikim lang muna without any commitment."
I know may dinadala siyang lalake sa unit niya since siya rin naman ang nagkukwento. Different men at sa bawat lalake ay hindi tumatagal ng isang buwan.
I can't judge her because that's her life. Yes, she is my friend pero wala akong karapatan na panghimasukan ang buhay na gusto niya.
"Ay, sorry, hindi ka pala makarelate." She chuckled but it didn't mean to insult me, ganyan lang talaga siya kasi minsan nahihiya siyang mag-share sa akin tungkol doon.
Nahihiya siya sa akin kasi wala pa akong experience sa ganoon.
Hindi lahat sasang-ayon pero I am proud of myself of having no boyfriend since birth, or since fetus pa talaga. Walang nagtangkang manligaw kahit isa kaya hindi ako makarelate sa pangungusap na 'nagustuhan pero hindi pinursue'.