A very special day came at last. It feels like I am dreaming kasi hindi ako makapaniwala na mangyayari ang lahat ng 'to.
Ako na ikakasal kay Kiyu Valdroa?
The very hot and handsome sculptor?
This is surreal.
Kung alam lang talaga ng obsessed and crazy fans niya na ikakasal n siya ngayon sigurado tututol ang mga 'yon. Baliw na baliw sila kay Kiyu, eh.
Sorry na lang pero ako ang nagwagi.
Ang hangin mo na, Suzy. Baka nakakalimutan mo ilang beses kang umiyak dahil kay Kiyu?
Well, those tears are worthy tho. Those cries were just memories now. And even if I cry again because of him, it's okay. Life itself is not just happiness, there is surely pain, too. But I know that kind of pain will strengthen our relationship not to fall us apart.
The make-up artist started putting some liquid foundation on my face. She is a friend of Aquinnah.
Nandito kami ngayon sa bahay ni Lola Victoria. Dito kami inaayusan sa second floor while men are downstairs.
Ilang ulit na sinubukan ni Kiyu na umakyat dito pero nakabantay ang mga pinsan niya sa stairs kaya hindi niya nagagawa.
He is so naughty talaga.
Napailing na lamang ako habang natatawa.
"Napaka-excited ng groom," natatawa ring sabi ng make-up artist.
Umirap si Aquinnah sa tabi niya. "As in. Parang hindi niya nakita si Ate Suzy kaninang umaga." She is wearing a rose colored infinity dress, too. Ang buhok niyang nakalugay lang at nakaparte sa gitna. May nilagay siyang maliliit na clips na may sage green flashy stones ang design sa right side ng ulo niya. Her wavy hair ay hindi talaga wavy from the roots, nagsimula ang pagka-wavy sa bandang kilay na niya. Her full bangs are straight. Gumanda pa siya lalo ngayon.
"Hindi ko rin naman masisisi si Kiyu. Our bride here is so gorgeous," puri sa akin ng make-up artist.
Aquinnah sighed pagkatapos ay napatawa na rin siya. "Yeah. That's true."
Lahat ng bridesmaid ay nakasuot na ng sage green infinity dress at ako na lang ang nakaroba. Mamaya pa ako magbibihis ng gown pagkatapos malagyan ng make-up.
Aquinnah really did a great job. Siya lahat nagtahi. Bilib na bilib ako sa kanya. She is so talented.
Napatingin ako sa bouquet ko na nasa ibabaw ng table malapit sa glass window. Light pink and white roses na may munting white gypsophila flowers iyon.
Nasunod talaga ang napili kong kulay.
Pagkatapos ng make-up ay may lumapit na naman sa akin na babae at inayos ang buhok ko. Hindi ko alam kung ano na ang ayos ng mukha ko ngayon kasi wala akong makitang salamin. Ang malaking salamin naman ay malayo sa akin at kasalukuyang ginagamit ng mga pinsan ni Kiyu.
Aquinnah put a pair of white pearl earrings on my ears and she also put a silver necklace on me na may white pearl din na design.
Siya na ang pumili ng mga ito at ang kuya niya ang pinabayad niya. Sinabi din kasi ni Kiyu na he will pay everything. Mabuti na lang at alam ni Aquinnah ang lahat ng kailangan kasi hindi ko na ito naisip pa.
My nails, too, are well taken care of. The color is so nice which is rose quartz. Kahapon ako pina-manicure at pedicure at home-service iyon.
Nang matapos na akong ayusan ng mga accessories ay pinapasok na ako sa loob ng isang room.
Napaawang ang labi ko nang makita ko ang wedding gown ko na nakasuot sa isang mannequin.
It is so beautiful.