Kabanata 1

110 3 1
                                    

"Ano? Iyon ang gusto mo sa lalake?"

Kinaumagahan ay kinausap ko na si Kaye tungkol sa plano ko. Natawa pa nga siya kasi it's been two years na nang napag-usapan namin ang tungkol doon at bakit ngayon pa raw ako nakapagdecide na itry ang sinabi niya.

I have no other choice right now.

"Yes, 'yong medyo red flag na may kaunteng green," I answered her calmly. I said to her na ayoko ng mabait at gentleman because I am not looking for a husband material. 

"Ang weird mo minsan, alam mo 'yon?"

"I know. And make sure na wala siyang serious relationship, ah. Ayokong may umiyak na babae dahil sa akin."

"Oo na. Sigurado ako na wala 'yong matinong nobya. May mga ka-flings lang siya pero kagaya niya hindi rin seryoso."

"Okay."

"Eh, bakit nga ba mas gusto mo ng hindi seryoso?"

"Gusto ko kasi 'yong walang planong mag-asawa, hindi ba at nasabi ko sa 'yo? I just want a child, nothing more."

"Tingin mo sapat na sa 'yo ang anak lang? Iba pa rin 'yong may katuwang sa buhay." Years had passed Kaye finally found a man for her. Tumigil na siya sa pagtikim ng iba't ibang putahe at nag-stick na sa isa. They are living together but still no plans for marriage. She is happy actually but it didn't change my mind. I will still choose to be a single parent. 

"Nakaya nga ng ilan, so why can't I? Kakayanin ko 'yon." I know I can.

We are talking outside our units. 

I have been living in this apartment for almost five years, nauna ako kaysa sa kanya. There are total seven units at nasa loob kami ng isang compound. Infront of us is an open basketball court, malawak ito kaya pwedeng magjogging or even ride a bicycle. May guard sa entrance ng compound kaya hindi basta-basta makakapasok ang kung sino, which ensures our safety. 

"Sige, mag-iisip ako kung sino sa mga kakilala ko sa restobar," she said it thoughtfully. Kaye is a bartender, and also her boyfriend. Matagal na siya sa trabaho niya at doon sila nagmeet, her boyfriend who happens to be a customer that eventually applied same job as her so that they will always be together and now nga they are seeing each other 24/7 since lived-in na sila like magkadikit na ang mga bituka nila at hindi na makahinga kung hindi sila magkasama.

Amazing!

Kinuha niya ang cellphone niya sa loob ng sling bag niya. Papaalis sila ngayon, hindi ko alam kung saan. Mamayang hapon pa ang start ng trabaho nila. Hinihintay niya na lang ang boyfriend niya na lumabas.

"Sige, sabihan mo 'ko. Papasok na ako." My abdomen is still painful but it's bearable now compared yesterday. 

"Ay, wait!" Using her palm she touched her temple like she is thinking deeply.

Hindi na ako natuloy sa pagpasok ng gate.

"I think alam ko na kung sino ang pwede kong irecommend sa 'yo." She giggles after saying it. 

"Make sure na hindi 'yan dumaan sa 'yo," biro ko.

Her brows forrowed. "Hoy! Hindi, ah!"

Tumawa ako.

"Ano ka ba! Special recipe 'to at hindi ko pa natitikman, ever. Tsaka hindi ko rin type since kaibigan lang ang tingin ko sa kanya."

"Okay."

"Sige, punta ka friday ng gabi. Kadalasan friday siya pumupunta sa restobar. Minsan sabado at madalang lang sa linggo."

Days passes by so fast like nagising na ako na friday na. Nagsimula akong mag-ayos around five P.M. I had my early dinner kanina bago ako nagbihis. Minsan lang ako nakakasuot ng ganito since wala naman akong pinupuntahan na party or event na ganito ang required outfit. 

Suzainne Asmara Aljuniera (Siaon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon