When I was a child I didn't feel the love of my parents because all I remember was the pain they've inflicted. When I am growing up I didn't know what love is and I am scared thinking about it.
I thought I wouldn't receive any love from anyone until Kiyu.
I was so scared to show him my love because when you love, pain will always follow. Kaya hindi ko kailanman sinubukan na sumugal kasi alam ko kung gaano iyon kasakit. Kahit na alam kung mahal niya ako.
Love really hurts.
This is my first time to fall in love with a man and it leads to destruction.
Ang sakit-sakit na parang tinutusok ng paulit-ulit at kahit na durog na durog na ito pero patuloy pa rin ang pagdurugo.
Narinig ko ang pag-alis ng sasakyan niya at ang malakas na pagtahol ni Cherry sa labas.
Hindi na talaga babalik si Kiyu. Sumuko na siya. Sinukuan na niya ako.
I have no one to blame but myself. Ako naman talaga kasi ako ang may problema. Ako ang nanakit at ako ang nanaboy.
And now I am the one who are begging pero ayaw na niya. Ayaw na niya sa akin.
It's really true na kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao darating ang isang araw na mapapagod ka na. Mawawalan ka na ng gana.
That's what Kiyu felt.
Sinabi ko dati na red flag siya pero parang ako naman talaga. Ako ang toxic sa aming dalawa. Ako na palaging nag-ooverthink. Ako na nag-iisip ng masama sa bawat kilos niya. Ako na walang maayos na desisyon at palaging pinapangunahan ng takot.
I am not still healed from my past experiences at dinamay ko siya. Nagmahal siya ng isang katulad ko na hindi pa buo ang pagkatao.
He wasn't the one who broke me pero siya ang pinapabayad ko.
Ang sama-sama ko.
I hate myself.
Hindi ko alam kung gaano katagal ako umiyak at nanatiling nakaupo sa sahig. Matutulala ng ilang segundo at iiyak na naman ulit.
Kiyu is a blessing for me but I take him for granted.
Kaya siguro nangyari na pumunta siya dito para ipamukha sa akin na dapat hindi na ako umasa pa. Tama lang din ang desisyon ko na hindi na siya pinuntahan pa sa bahay nila dahil mapapahiya lang ako.
Ang pag-alis niya sa harapan ko ang nagpamulat sa akin na we should give importance to the people who really cared for us because when they're gone it will be very painful and we can't take back the time anymore kahit gaano pa natin kagusto.
Marahas kong pinunasan ang magkabilang pisngi ko dahil basang-basa na iyon ng luha.
This is my heaviest cry.
Nanginginig ang mga tuhod ko nang tumayo na ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Kiyu. Hinihingal siyang nakatingin sa akin.
Oh god!
Pabagsak niyang isinara ang pinto at nilock iyon. Pagkatapos ay hinarap niya ako. "Hindi ba't sinabi kong i-lock mo ang pinto? Why you didn't listen? Dahil ba umaasa kang babalik ako?" his voice croaked.
Muling bumuhos ang mga luha ko.
Bumalik siya. Binalikan niya ako. Binalikan niya kami ng anak niya.
This is not really a dream.
Unti-unti siyang lumapit sa akin.
"You really thought na pagkatapos mo akong saktan at pagtabuyan ay babalik ako sa 'yo, huh?" puno ng kalungkutan ang boses niya.