Muli akong pinabalik sa center after a month. Ayoko na sana kasi iniisip ko na makikita ko ulit si Kiyu doon pero wala akong choice kundi ang pumunta.
It's for the baby naman, Suzy, kaya huwag kang humindi.
Okay.
Ganoon pa rin ang nangyari. We went to the center together with the health worker na nakatira malapit sa bahay ko. We ride the tricycle again.
Habang papaalis pa lang kami lumalakas na ang tibok ng puso ko dahil sa naiisip.
Suzy, relax ka lang. Please.
I am so relieved when I saw in the market na wala si Kiyu doon or anywhere na malapit sa center.
Maybe he is in Voada right now.
I really don't know.
Bahala siya kung nasaan man siya ngayon basta ang importante ay wala siya dito at hindi ko siya nakikita.
Pinilit kong kinalma ang sarili pero nang kinuhanan na naman ako ng BP ay above normal na naman ito. Kaya naman pinarest muna ako.
"Bago lang din kasi siya dumating," sabi ng nurse sa health worker. "Pahinga ka muna," sabi naman niya sa akin.
Mabuti na lang talaga ay may naisip siyang dahilan kahit na iba naman talaga ang totoong rason ko.
Thankfully naging normal na ang BP sa pangalawang beses na pagkuha sa akin.
Kinuha ulit ang timbang ko at normal din iyon. Ganoon pa rin ang mga ginawa sa akin.
"Inumin mo 'to. Anthelminthic ito para maiwasan ang pagkakaroon ng bulate sa tiyan," sabi ng nurse sabay lahad ng isang caplet.
She said that it is necessary for pregnant women to take this kind of drug and I trusted her. She also instructed to take it with full stomach meaning kapag busog ako. Iinumin ko na lang pag-uwi ko sa bahay.
Mabilis ulit akong natapos at nang papalabas na ako ng center ay lumapit sa akin ang matandang health worker.
"Iha, sumakay ka na lang ng ibang tricycle sa labas. Marami naman diyan. Umalis pa kasi ang asawa ko at may inihatid sa Guati at mamaya pa 'yon makakabalik."
"Sige po, okay lang po."
Lumabas na ako ng center at papalabas na sana ako ng gate nang biglang may humintong sasakyan sa tapat ko.
It's Kiyu's car.
Oh my god!
My heart starts pounding.
Bumaba ang glass window sa driver side. Then I saw him looking at me.
"Get in," he said authoritatively.
"Ayoko," matigas kong sabi.
"I said get in," ulit niya at mas mariin iyon.
"No!"
Binuksan na niya ang pinto niya at lalabas na sana nang lumayo ako at mabilis na lumapit sa mga tricycle na nakapark sa kabilang kanto.
"Suzy!" narinig kong sigaw niya. Hindi ako nakinig sa kanya.
Sumakay kaagad ako ng tricycle.
And my heart feels like it is going to come out when I saw the tricycle driver still not turning on the engine and Kiyu is walking towards us.
"Kuya, alis na po tayo," sabi ko sa driver.
"Hindi pa po puno, Maam. Maghintay po muna tayo ng dalawa."