Dahil sa nangyari ay si Harry na ang tumatanggap ng mga binibigay ni Kiyu. Hindi na ako nagpapakita sa kanya sa tuwing dumadating siya at kahit na tinatawag niya ang pangalan ko sa labas ng bahay ay hindi pa rin ako sumasagot. Minsan sinisilip ko lang siya sa bintana at nakikita ko kapag ilang ulit na niya akong tinatawag at hindi pa rin ako sumasagot ay pumupunta siya sa bahay nila Harry.
That's better kaysa may makakita na naman sa aming dalawa na nag-uusap.
Since we can't stop him sa mga ginagawa niya kaya hahayaan na lang namin siya. We also didn't tell him about sa nangyari. I requested Harry na sa aming dalawa na lang 'yon tsaka feeling ko naman ay titigil na sa pagchichismis ang mga tao dahil sa sinabi ng pinsan ko.
Hopefully.
Halos isang buwan akong hindi nakita ni Kiyu and I think mabuti na rin iyon since ang taba ko na at marami na ring tumutubo na maliliit na itim na parang tigyawat sa buong mukha ko. And also my legs and feet are kind of swollen na rin. It is called edema since during pregnancy when the baby grows it affects the blood flow on the lower extremities and cause fluid to build up in the legs and feet. But I am not worried since positive sign pa rin iyon. It will be alarming if ever buong katawan ko na ang swollen.
I did prepare na rin the things na gagamitin ko kapag nanganak na ako. Lahat ng gamit ko at ni baby ay nasa iisang bag na at nasa tabi iyon ng bed ko para madali na lang kunin kung kailangan na.
Just two weeks na lang at manganganak na ako. Excited na talaga ako at mas lalo din akong kinakabahan. I just hope that my delivery will be safe.
Pumunta ako ng Guati para sa last prenatal check-up ko at ngayon rin gagawin ng doktor ang HD ultrasound which will reveal the face of the baby.
Napapaisip ako kung sino kaya ang kamukha niya.
Ako ba? Or si Kiyu?
Pero it doesn't matter kung kanino ang mahalaga ay healthy siya paglabas.
This is my second time na magpacheck-up kay Doc Stacey, pinsan ni Doc Kira. Mabait din siya pero mas formal siyang magsalita kaysa sa pinsan niya. I am comfortable din naman na makipag-usap sa kanya pero mas malapit nga lang ako kay Doc Kira.
"You are thirty-four weeks pregnant already. Malapit ka ng manganak," sabi niya sa akin habang may sinusulat sa record card ko.
Napangiti ako.
"Did you exercise every morning?" tanong niya.
Tumango ako.
Kadalasan ay naglalakad ako sa bakuran at nililibot ko ang bahay tuwing umaga. Minsan naman naglalakad ako sa pilapil. Nililibot ko iyon hanggang sa makarating ako sa pinakadulo at lakad na naman pabalik sa bahay. Ten to fifteen minutes ko lang ginagawa iyon dahil hindi rin naman maganda kung matagal at mapagod ako ng husto.
"Did you perform kegel's exercise and squatting positions?"
"Yes, Doc."
Those exercises will help me during labor and delivery.
"Okay, good," nakangiting sabi ni Doc. "Anong mga pakiramdam mo? Wala bang alarming signs?"
"Medyo masakit na po ang likod ko."
"Okay, that's normal. Your developing pregnancy and baby create additional weight that your back must support. That's why masakit na. Pero kaya mo naman ang sakit?"
"Kaya ko pa naman, Doc," nakangiti kong tugon.
Normal ang blood pressure ko at ang timbang. Lumaki man ako lalo pero nasa normal level pa naman 'yon kaya walang problema.