Nagising at napabangon ako dahil sa sunod-sunod na pagvibrate ng cellphone ni Kiyu. He put it on the bedside table. Since nasa tabi ko lang 'yon kaya naman malaya kong nakikita ang mga text messages sa screen.
I started reading it.
Kuya, uuwi ka ba today? Mom is asking.
Kuya? Kapatid niya 'to?
Binasa ko ang name ng sender.
Aquinnah Darling.
Oh my god.
Ang darling pala na tinatawag ni Kiyu ay kapatid niya. Akala ko talaga girlfriend niya.
Jusko, Suzy. Umiyak ka pa dahil diyan 'di ba? Tapos malalaman mo lang na kapatid pala si darling.
This is embarrassing.
Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.
What time ka uuwi?
Magluluto si Mommy ng favorite food mo.
Lola is also asking, too.
You are not replying.
Tulog ka pa ba?
Okay, reply ka na lang kung gising ka na.
Pero kung hindi ka uuwi Mom will cook pa rin.
I miss eating carbonara you know.
Kami na lang kakain kung hindi ka uuwi. haha.
Our cousins are all here.
They have a lot of questions. Ayokong sumagot kasi nakakapagod.
You are really getting older, Kuya.
Happy birthday.
What? Birthday ni Kiyu? So it means the same sila ng birthday ni baby.
He and his son have the same birthday.
Oh god. Bakit hindi niya sinabi?
I looked at Kiyu habang natutulog siya ng mahimbing sa sofa bed na isang metro ang layo mula sa akin. Nailipat na ako sa isang private room pagkatapos ma-stable ang vital signs ko sa delivery room.
Hindi niya ako iniwan. Nanatili siya sa tabi ko. Ngayon nga ay natutulog siya kasi napuyat siya kakabantay sa akin kaninang madaling araw. It's still early pa naman right now kaya hindi ko na muna siya gigisingin tsaka wala rin akong balak na gisingin siya dahil gusto kong makapagpahinga siya.
I sighed.
He is sleeping peacefully right now. Nalantad ng kaunte ang noo niya since nahawi sa right side ang messy and wavy hair niya. He crossed his arms to his chest. His breathing seems so calm kahit na alam kong napagod siya. His one knee is bent and the other one is lying straight on the sofa bed.
This is my third time na mapagmasdan siya habang natutulog. At sa tuwing nangyayari iyon ay gusto kong namnamin ang pagkakataon.
If I would just let myself be liberated and if only there is no fear in my heart, baka nilapitan ko na siya at nilandas ko na ang daliri ko sa makapal at maarko niyang kilay, sa matangos niyang ilong, sa malambot niyang labi at sa kanyang perpektong panga.
Kaya lang hindi pwede, Suzy, at hindi dapat.
Yeah, I know.
That's why I am just looking intently instead. This is the only way na pwede kong gawin.
Napatingin ulit ako sa screen ng cellphone niya nang mag-vibrate ulit iyon.
Kumusta ang baby, Kuya?
Okay lang ba?