Kabanata 7

86 4 1
                                    

Usually ay madaling araw dumadating ang dalaw ko pero this time ay hapon. Napaaga ng isang araw. Madalang lang 'to mangyari.

Maybe my hormones changed a bit.

Mabagal ang naging pagbangon ko. Lalabas ako dahil kailangan kong bumili ng sanitary napkin at pain reliever.

Kumuha ako ng jacket sa loob ng cabinet at isinuot iyon. Tumungo na ako dala ang wallet at cellphone ko.

Hindi na ako nag-abala pa na suklayin ang buhok at tingnan ang sarili sa harap ng salamin.

I don't care about my appearance right now and it doesn't really matter.

Ang goal ko lang ay mabili ang mga kailangan ko at makabalik kaagad sa unit.

Nakahawak ako sa puson ko habang naglalakad kasi mas lalo itong sumasakit. 

Nasa kaharap lang na kalye ang botika at convenience store pero hindi ako kaagad makakatawid doon dahil may center island at wala akong choice kundi dumaan sa foot bridge na nasa unahan pa. 

Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ko habang naglalakad. At napangiwi ako nang humahakbang na ako paakyat ng foot bridge.

Kaya mo 'to, Suzy.

I want to stop muna pero hindi pwede, I don't want to waste the time. The more time I stay myself here outside, the more na matatagalan akong makabalik ng apartment. 

Gustong-gusto ko nang humiga at magpahinga.

When I landed the last step ay nakahinga ako kahit paaano. 

Kaunte na lang.

Bago ang botika ay madadaanan ko pa ang isang chinese restaurant. Bumukas ang pinto dahil may pumasok at umasim ang sikmura ko dahil sa naamoy ko. I like the smell of spices, pero ngayon ay naduduwal ako.

Ilang beses akong napalunok para matigil ang maaaring pagsusuka.

Nang nalagpasan ko na ang restaurant ay tinungo ko na ang botika. Dadatnan kong may iilan na naghihintay kong kailan ma-e-entertain ng pharmacist. Kumuha na ako ng priority number. 

Napapapikit na ako sa sobrang sakit.

When my number is called ay kaagad kong sinabi ang bibilhin ko. I bought five capsules of pain reliever.

Pagkatapos sa botika ay tinungo ko ang convenience store para bumili ng sanitary napkins. Mabuti na lang at kaunte lang ang tao doon kaya mabilis akong natapos.

When I started walking again pabalik ay napahinto ulit ako sa chinese restaurant kasi pakiramdam ko ay nahihilo na ako. 

Please naman huwag sana akong mahimatay dito.

I inhaled and exhaled for several times habang nakayuko at hawak ang puson.

"I just tell Lola that you will go home tomorrow," narinig kong sabi ng isang boses ng lalake.

"Yes, Skev," tugon naman ng isang pamilyar na boses ng lalake.

Hindi ko sila tiningnan pero alam kong kakalabas lang nila ng restaurant. 

Narinig ko ang mga yapak na papalayo at mayroon ding mga yapak na papalapit sa akin.

Siguro dadaan ito sa tabi ko. 

Umusog ako ng kaunte habang nakayuko pa rin para makadaan ito pero natigil ang mga yapak at nakita kong may dalawang puting sapatos na ang nasa harapan ko.

"Suzy?"

Mabagal ang naging pag-angat ng mukha ko sa nagtawag sa pangalan ko. At nabigla ako nang magtama ang mga mata ko sa mga mata ni Kiyu Valdroa.

Suzainne Asmara Aljuniera (Siaon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon