Kabanata 16

72 3 26
                                    

I tried not to think anymore sa nangyari kay Kaye pero hindi ko mapigilan. Sinasabi ko sa sarili ko na hinding-hindi iyon mangyayari sa akin since Kiyu and I are not together.

Pero marami na namang what-ifs na pumasok sa isipan ko.

Please stop overthinking, Suzy. Remember what Doc Kira said to you na you should not be stressed and you should also avoid thinking bad thoughts.

But I can't really help it.

Hinihintay ko ang reply ni Kiyu sa text ko pero wala pa rin. It's been one week already.

Nakauwi na kaya siya?

I texted him again, the same text. I texted him in the morning but I got a reply from him in the evening.

We should talk, Suzy. I'll drop by in your apartment anytime.

Mas lalo akong nag-overthink.

Ano? Hindi ba siya papayag sa sinabi ko na hindi na dapat niya ako samahan? Ano ang dapat naming pag-usapan?

I texted him again.

Itext mo na lang dito ngayon o tawagan mo ako kung ano ba ang dapat nating pag-usapan.

May reply din naman siya kaagad.

I want us to talk personally.

Ganoo ba ka importante ang pag-uusapan natin na kailangan pa talaga sa personal? Ano na naman ba ang plano mo, Kiyu?

It's your fault din naman, Suzy. It was you who called him in the first place.

I sighed.

Oo na at kasalanan ko na. Nadala lang ako sa kasiyahang naramdaman ko. Nawala na sa isipan ko na hindi ko na dapat sinabi sa kanya.

Ang tanga talaga.

I overthink and blamed myself everyday and it feels so exhausting. Kahit na nasa isip ko lang ang mga iyon pero naaapektuhan ang katawan ko. I feel so tired.

Suzy, hindi na tama ito.

I got scared when I found a blood spots on my underwear one morning pero pilit ko ring kinalma ang sarili.

"This is still a positive sign, right?" tanong ko sa sarili.

Nasabi iyon ni Doc Kira kaya naman hindi na ako nag-alala pa at pilit na iwaglit iyon sa isipan.

One day I uploaded a video. Natapos ko rin ang ginawa kong animation. Pero halos isang buwan ko rin iyong ginawa. I am not really satisfied with it pero i-n-upload ko pa rin.

Bahala na.

I expected it na may negative comments at hindi nga ako nagkakamali.

It's getting worse.

Stop making this, girl, like really stop it na talaga.

You are not improving.

I don't like this.

Halos wala akong makita na positive comment.

Suzainne Asmara Aljuniera (Siaon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon