Muli kong pinulot ang bone toy at kaagad na pumasok sa gate nang hindi na lumilingon.
What is he doing na naman ngayon? Why is it he and Harry are talking? Anong pinag-uusapan nila? And what is that thing na ibinigay niya kay Harry?
It's a white tray.
Biglang sumagi sa aking isipan ang pinaglagyan ng shrimp na kinain ko noong isang araw. Iyong dinala ni Harry.
Oh my god! Galing pala 'yon kay Kiyu?
I thought Tita bought it? Kaya pala nang ibigay ko ang bayad ko last time ay hindi niya iyon tinanggap. And that's why the taste is different kaysa naunang luto ni Harry.
I sighed.
Ano na naman ba ang plano mo, Kiyu Valdroa?
Pumasok na ako ng bahay at gusto kong magpahinga pero ang isipan ko ay walang plano na magpahinga.
How could Harry do this to me? Akala ko ba naiintindihan niya ako? Akala ko ba ako ang pipilian niya kasi ako ang pinsan niya?
Huwag ka nang magtaka, Suzy, handa nga siyang paglaruan ni Kiyu hindi ba?
I sighed again.
What Kiyu possibly said to Harry bakit sumang-ayon ang baklang 'yon?
Kahit walang gawin si Kiyu, bibigay ang pinsan mo.
Napairap ako.
I tried to relax at nagawa ko rin naman kalaunan kaya lang narinig ko na si Harry sa labas ng bahay.
"Zizi!" narinig kong sigaw niya.
Sinilip ko siya sa bintana.
Binuksan na niya ang gate and since Cherry knows him kaya malaya niyang nagagawa iyon nang hindi siya tinatahol.
Napairap ulit ako nang makita kong bitbit niya ang puting tray na may laman na namang hipon na luto na.
Napalunok ako.
Gusto ko nang kumain pero...
Tandaan mo, Suzy, galing 'yan kay Kiyu. Would you still eat it?
I don't know.
"Zizi!" tawag niya ulit habang naririnig kong paakyat na siya sa hagdanan. Wala akong choice kundi ang pagbuksan siya ng pinto.
"Hello!" masigla niyang sabi sa akin nang makita na niya ako.
Hindi ako nagsalita at tinitigan ko lang siya.
"Ang sama mo naman makatingin sa akin." Madrama niyang nilagay sa dibdib niya ang palad niya.
You are so OA, Harry!
Hindi pa rin ako nagsalita. Hinihintay ko siyang pumasok.
"Zizi naman, eh. Magpapaliwanag ako. Okay?"
Still, I did not answer. Isinara ko lang ang pinto nang pumasok na siya ng tuluyan.
He put the tray on the table in the kitchen. I followed him.
Tumayo siya malapit sa lababo habang nakaharap sa akin. Tumayo naman ako malapit sa lamesa at nakaharap din sa kanya.
"Sige magsisimula na ako. Ganito 'yon..." pero hindi niya naipagpatuloy ang sasabihin dahil kumuha muna siya ng baso. "Wait lang iinom muna ako ng tubig. Parang may nakabara kasi sa lalamunan ko."
Umirap na naman ako.
Siguro 'yong explanation niya ang nakabara sa lalamunan niya. Sana hindi na madala ng tubig.