Kabanata 12

73 3 9
                                    

I ate the cherry coke cake together with Kiyu. It's so tasty and sweet. It's just a small cake kaya naman naubos din naming dalawa kaagad. 

As we eat I glanced at him from time to time. I don't know what I'm doing but I want to looked at him because I am happy.

I am happy because of him.

Umaga pa lang pero masasabi kong magiging memorable nga talaga ang araw na 'to.

"You really like cherry, huh?" nakangisi niyang sabi. Tapos na siyang kumain.

Ngumiti ako. Iyong totoo at masayang ngiti. 

Tumango ako sabay subo ng last slice. Nauna ko nang kainin lahat ng cherry fruit kanina. Hindi na siya kumain no'n kasi gusto niyang ako ang kakain no'n lahat.

Or maybe he doesn't like cherry like I do.

"I am glad na iyon ang pinaorder ko," he said.

Napalunok ako. "Did you...personally...ordered it?"

Sumandal siya sa kanyang upuan. "Yeah." Sa paraan ng pagkakasabi niya ay parang wala lang 'yon sa kanya.

Pero sa akin ay malaking bagay iyon.

"Thank you," mahina kong sabi. 

"You're welcome." 

"Paano mo naman nalaman na gusto ko ng cherry?" I am curious kung paano nila nalaman.

"I just guessed it since your username on youtube ay may cherry and also the profile picture."

It's true. My youtube channel's name is a combination of my name and a cherry. The profile picture is also a cherry.

"Mabuti na lang hindi pusa or aso ang nilagay kong picture," biro ko.

"I'll give you one if ever," diretso niyang sabi.

"Ipagagawa mo rin as a cake?" biro ko.

Malakas siyang napatawa. "Of course not."

"I'm just kidding," natatawa ko ring sabi.

"A true cat or dog ang ibibigay ko," dagdag niya.

Ilang sandali rin kaming tumatawa. Umiling-iling siyang nakatitig sa akin.

Gusto kong kiligin pero pinigilan ko.

"So kung dinosaur ang nilagay ko, will you still give me one?" hamon at biro ko ulit.

Saglit siyang tumawa pero tumigil din. "Nope. It will be impossible."

Tumango-tango ako.

Don't expect, Suzy, na gagawin niya ang lahat.

I don't know what is happening to myself. Gusto kong malaman kung hanggang saan ang kaya niyang gawin.

"But I could definitely make a sculpture of it," dugtong niya na seryoso ang mukha.

Napatitig ako sa kanya.

"I have my ways, Suzy."

Napalunok ulit ako eventhough I swallowed already the last slice of cake.

Umirap ako para kahit papaano ay maipakita ko sa kanya na hindi ako naapektuhan sa mga sinasabi niya. Kahit na sa kaloob-looban ko ay sobrang kinikilig na ako.

Kayanin mo, Suzy. Hinahamon mo, eh. Tapos ngayon hindi naman pala kaya.

Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili.

Am I crazy?

Para sa ikakatahimik ng buhay ko. Kakayanin ko 'to hanggang sa matapos kami sa gagawin namin sa araw na 'to.

Suzainne Asmara Aljuniera (Siaon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon