You will realise the value of a person kung wala na ito sa tabi mo. You will feel the longingness kung wala na ito sa piling mo.
That is what happening to me right now.
At naisip ko, noong nandito pa si Kiyu naiparamdam ko ba sa kanya na naaappreciate ko ang mga ginawa niya? Naiparamdam ko ba sa kanya ang pasasalamat ko sa lahat ng naitulong niya?
Hindi ako sigurado.
And it makes my heart hurt more. I did not show my love for him. Ipinagkait ko 'yon sa kanya.
Kasalanan mo, Suzy.
Araw-araw na lang ay napapaiyak ako at ang tanging nagpapatahan lang sa akin ay ang anak ko.
I did not expect na ganito ang mangyayari sa akin sa pag-alis ni Kiyu. I did not expect that I will be hurt like this.
I tried contacting him through his cellphone number but it will not connect. I can't even send a text. I also tried on his social media pero kagaya ng dati ay hindi ito tumatanggap ng request message ng kahit kanino. I have no other means para makausap siya.
Noong pumunta nga kami ni Locke sa Guati ay panay ang lingon ko sa paligid nagbabakasakali na sana makita ko siya at noong pauwi na kami sa Siaon ay tumitingin ako sa mga bahay na madadaanan ko baka makita ko rin siya.
Pero wala.
I missed him so much.
I think nakarma ako sa ginawa ko sa kanya. Kaya siguro ako naman ngayon ang nahihirapan kasi sinaktan ko siya.
Maybe I deserved this pain.
Since kami na lang ni Locke ang nasa bahay kaya naman ako na ang gumagawa ng lahat gawain. Nakakapagod pero kaya ko naman. It's just sometimes naaalala ko si Kiyu sa mga ginagawa ko. Kahit na nagsasampay ako ng mga damit, I think about him.
I really don't know kung kailan ako makakamove-on. I am not even sure kung makakamove-on pa ba ako. It feels like I will regret this for the rest of my life.
Kung hindi na talaga ako mapagbibigyan ng pagkakataon na makapiling ulit si Kiyu, hindi na ako magmamahal ulit.
Yes I know hindi maganda ang magsalita ng patapos but that's my promise to myself and that's what I want to happen.
Life is indeed full of uncertainties but what I think is certain is that I cannot find a man like Akionne Vinci Valdroa.
Hindi na ako makakahanap ng isang katulad niya na magmamahal sa akin ng gano'n. Wala ng magmamahal sa akin na kagaya niya.
At sinayang ko lang ang lahat ng 'yon. Hindi ko siya pinahalagahan. Tinaboy ko siya.
Sising-sisi ako.
I even hate myself.
Ganoon pa rin ang nangyari sa mga sumunod na araw. Bigla na lang iiyak dahil sa sobrang bigat ng dibdib.
Isang umaga habang nagpapakain ako kay Cherry ay nagulat ako nang bigla siyang tumayo at tumahol ng malakas. Mabilis ang pagbaling ko sa gate dahil inaakala ko na si Kiyu iyon.
But I found Kaye smiling at me.
"Suzy!" pasigaw niyang bati. Tuwang-tuwa siya nang makita ako.
"Kaye!" naiiyak kong tawag sa kanya at pinagbuksan siya ng gate.
Nang magkalapit kami ay nagyakapan kami.
"Ang hirap mong hanapin. Pumunta pa ako ng Guati," sabi niya habang yakap ako.
Kumalas ako sa kanya. "Mabuti at nahanap mo ako."