Kabanata 17

66 2 10
                                    

I never told him about what his fans did. Kusa niyang nalaman iyon.

I am so thankful sa ginawa niya pero I am not still going to make an animation since takot pa rin ako. 

What if gawin nila ulit 'yon? What if hindi sila natakot sa banta ni Kiyu?

I can't risk it. I don't want to experience it again. Naging okay na ako at ayokong maulit pa iyon.

But on the other hand I am starting to get worried dahil baka kalaunan ma-stop ang monetization ko sa youtube at ako ang mahihirapan. Iyon lang ang source of income ko.

I don't know what I should do.

Sa katunayan I have some money pa naman. Sobra pa iyon sa mga maaari kong gastusin sa pagbubuntis. I have money alloted na rin sa panganganak. Secured na ako at ang bata sa part na 'yon. I planned this carefully matagal na. 

What worries me is kapag naubos na ang pera. 

If I couldn't do animation dapat may maisip akong ibang paraan para pagkakitaan.

Then I remembered that one comment on my last video.

I have an important message in your email. Please read it.

I looked it up and found out that it is a serious one.

It's a publishing company based in the United States saying na they want me to do a comic style art about children's stories. They like my art style daw kasi and they want me to sign a contract with them meaning gusto nila akong kunin na empleyado at hindi lang part-time kundi full time talaga.

Oh my God. This is a blessing.

Kani-kanina lang nag-iisip pa ako kung ano ba dapat ang pwede kong gawin and now mayroon ng sagot kaagad.

I think hindi talaga ako pinapabayaan ng nasa itaas.

Napahawak ako sa tiyan ko.

We are being guided, baby. We are not alone in this battle.

Ang saya-saya ko.

I sent my positive response. Kaagad din naman silang nagreply and said that they want me to sign the contract as soon as possible. It's a long process since marami akong finill-up na forms thru online at marami rin silang instructions. Hindi naman mahirap sa akin ang rules and regulations nila at wala akong problema doon. Kaya kinabukasan ay may pinadala na silang unang story na gagawin ko.  Maikli lang iyon.

Excited na excited ako kaya naman I started it immediately.

Ilang araw kong iginugol ang sarili sa paggawa ng comic style art. Kaya naman natapos ko rin within one week. The deadline is next week pa at dahil na-excite ako masyado kaya naman natapos ko kaagad.

You can definitely finish things ng mabilis kapag gusto mo ang ginagawa mo at masaya ka. May mga parts man na nahirapan ako pero I tried my best para matapos ko iyon na satisfying ang result.

They are so delighted when I send it. Nagalak pa sila lalo dahil mabilis ako.

It makes me even happier because they really appreciate it. Pinaghirapan ko 'yon and I put my heart out on it. Ang saya kapag nakakatanggap ka ng positive feedback.

I am so happy talaga kaya naman palagi na lang ako nakangiti. 

Hinawakan ko ang tiyan ko.

I hope you are happy, too, baby kasi Nanay is so happy. 

Ganoon na ang palaging nangyayari. I have a job now and it is even high-paying.

Naisip ko nga minsan na kailan ulit ako makakagawa ng animations sa youtube channel ko? I missed doing it pero kapag naalala ko rin ang nangyari ay nalulungkot ako.

Suzainne Asmara Aljuniera (Siaon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon