Kabanata 31

65 2 8
                                    

Kiyu left.

Wala na siya nang gumising ako sa umaga. Dinala niya ang isang sasakyan niya pero nasa bakuran pa rin ang isa at ang motor niya.

I don't know when he will come back o baka hindi na talaga.

Because you push him away, Suzy.

I sighed.

Namumugto ang mga mata ko dahil sa labis na pag-iyak ko kagabi. At kung naiisip ko na naman ang mga naging sagutan namin ay naluluha ako.

Maybe this is better. Mangyayari na ang nauna kong plano. Na aalagaan ko ang anak ko na mag-isa at mamumuhay kaming dalawa lang.

Your plan is happening but are you happy?

Hindi ko masagot ang sariling tanong.

Nagluto ako ng agahan dahil nagugutom na ako. Pagkatapos kong kumain ay naghugas ako ng pinggan. Kalaunan ay binuksan ko ang ref dahil iinom ako ng apple juice pero nagulat ako sa nakita.

May isang pack ng cherry.

Nagsimulang humapdi ang mga mata ko.

Did Kiyu buy all of these? Kailan niya 'to binili? Wala pa 'to kahapon, eh.

Maybe dala niya 'yan kagabi galing Japan. Last time na bumili siya nito ay noong buntis pa ako. Ngayon bumili ulit siya.

He bought your favorite fruit but you hurt him, Suzy.

Lumandas na ang mga luha ko at isinara ko na ang ref. I can't eat it right now. Parang wala akong karapatan na kainin iyon.

Hindi ko gustong saktan siya pero iyon lang ang paraan para tumigil siya.

Napaupo na ako sa sahig at humagulhol na ng iyak. I don't know kung kailan ako matitigil sa pag-iyak. Alam kong hindi dapat ako umiiyak ngayon kasi ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang may problema. Ayokong nandito siya pero malungkot naman ako ngayon na wala siya.

Ang hirap mong intindihin, Suzy.

Oo alam ko.

Natigil lang ako sa pag-iyak nang biglang umiyak si Locke.

Dumating ang araw ng second immunization. Sumakay ako ng tricycle patungong center because Kiyu didn't come back yet.

Hindi na 'yon babalik, Suzy, huwag ka ng umasa.

Pinipilit ko naman ang sarili na tanggapin na hindi na talaga siya babalik sa bahay pero minsan hinayaan ko ang sarili na umasa pa rin.

Nahihibang na ata ako.

Ganoon pa rin ang naiturok kay Locke and this time tinanong ko na ang nurse kung ano ang dapat kong gawin.

"Halinhinan na warm at cold compress ang gawin mo sa injection site niya five to ten minutes. Pwede mo ulitin after one hour at tingnan mo kung naibsan ba ang pamamaga. Dapat tolerable ni baby ang init at lamig. Pagkauwi ninyo painumin mo siya kaagad ng paracetamol at pagkatapos ay pwede mo nang gawin ang mga sinabi ko."

Tumango ako.

Tinandaan ko ang sinabi niya at ginawa ko ang lahat ng 'yon. Umiiyak pa rin si Locke nang dumating ang gabi pero hindi katulad ng naunang nangyari sa kanya na halos hindi siya tumitigil. Ngayon umiiyak lang siya kung gutom siya o kapag nagbawas siya. Mabuti na lang at hindi niya ako pinahiraman.

I even overthinks dahil ako lang mag-isa at wala akong kasama. Oo na at inaamin ko na kapag nandito si Kiyu ay panatag ang loob ko. Siya ang nagpapakalma sa akin kapag nagpapanic na ako.

Suzainne Asmara Aljuniera (Siaon Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon